[A/N: Hi! Uhmm... Ito po ay hango sa totoong story ng buhay. haha! Masyadong malalim! :)) Matagal ko 'tong kinimkim at dahil feel ko na di ko na kayang sarilinin pa kaya naisipan kong gawan ng story....
Short story lang po 'to ksi di ko alam kung kaya ko syang gawan ng long story :)) I mean, gusto ko syang gawan ng isang mahabang istorya pero di ko alam kung may magbabasa eh :)) kaya heto na po ^_^
Give your Heart a Break by ------------ :)) (saka na ako magpapakilala)
------------------------
Dumating na ba sa buhay nyo yung nainlove ka sa isang lalaki at tinago mo ito for 2 years at malalaman mo na lang na ....
"I love you too Jess"
Parang guguho na ang mundo ko sa narinig ko.
Si..... Pebie, na best friend ko.... nag-i love you sa pinakamamahal kong lalaki </3
Oo, sya ang FIRST LOVE ko. Nung una, ayokong tawaging "love" ang nararamdaman ko para sakanya.
Pilit kong pinapaniwala ang sarili kong crush lang yun kahit ako mismo, alam na love na nga ang nararamdaman ko para sakanya.
Anong nangyayari?! Bakit sila magkayakap?! Hindi ba't kabbreak lang nila Pebie ng boyfriend nya? Bakit nag-ii love you na sila sa isa't-isa ni Jessie?
Hindi ko napigilan ang mga luha ko.
Tumakbo ako papalayo sakanila, hindi ko na kaya ang mga nakikita't naririnig ko.
Anong nangyayari?!
--Kinabukasan--
"panaginip lang ang lahat ng 'yon" paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko.
"hi Mau!" O.O si Pebie!
Hindi ko namalayang nasa tapat na pala ako ng classroom namin.
Pilit akong ngumiti at hinarap sya.
"hello! good morning! ang saya mo ata ngayon ah"
"yup! magaan na kasi pakiramdam ko"
"dapat lagi kang ganyan ah! ayokong nakikita kang malungkot ng dahil lang dun sa Mark na yun! kundi, ililibing ko talaga ng buhay yun" tumawa sya, buti pa sya, sobrang saya.
Natahimik akong bigla, hindi ko alam kung ano pa ang mga sinasabi nya, hindi ko alam kung bakit ayaw magsink in sa utak ko ang mga naririnig ko.
"Mau?"
"huh? ay sorry....-"
"Mau, may problema ka ba?"
Tinawanan ko sya ng bahagya... "ako?! magkakaproblema? hahahaha!"
"Mau, lagi lang akong nandito ah? kapag may problema ka, sabihin mo lang" kilala talaga ako ni Pebie.
Paano kung..... ikaw? kayo, kayo ang problema ko?
"alam ko naman yun eh, saka ikaw ang una kong lalapitan kapag nagkaproblema ako" binigyan ko sya ng isang pilit na ngiti.
Buong klase lang akong nakatitig sa teachers namin, mukha akong nakikinig pero ang totoo, iniisip ko pa rin ang mga narinig ko kahapon.
--Kinagabihan--
Hindi ako makatulog kaya nag-online ako sa facebook.
Online sya! Online si Jessie!
Jessie: bat gising ka pa? (nagpm sya sakin)
Me: la lang, di pa ko inaantok eh... ay Jessie! pwede magtanong?
Jessie: sure! ano yun? :D
Me: uhmm... kayo na ni Pebie noh? yiiiieee
(Please, sabihin mo hindi! hindi! diba, hindi naman kayo? T_T)
Jessie: huh? hindi pa kaya.
Me: naks! so malapit na? :))
Jessie: hindi pa nga kami
Me: weh? kita ko kaya kayo kahapon
Jessie: O.o nandon ka?
Me: ay wala! :)) dejklng... alam ko naman noh!
Jessie: sinabi sayo ni Pebie?
Me: hindi pero may nabasa ako
Jessie: ahh.. :D nanliligaw pa lang ako
Me: yiiieee... kwento mo dali!
Jessie: san ko sisimulan? :D
Me: kaw bahala :))
Kinwento nya yung mga sweet moments nila ni Pebie. Last week lang pala sila nag-aminan.
At habang kinikwento nya isa-isa, unti-unti namang pumapatak ang mga luha ko.
Alam kong masakit na, feeling ko, sasabog na ang puso ko pero nagpanggap pa rin akong kinikilig sa mga kinikwento nya.
Oo, martyr ako! Mas pinipili ko ang kaligayan ng iba kaysa sa akin.
5am na pala. Nagpaalam na ako sakanya, ang sabi ko maliligo na ako pero ang totoo, ginawa kong excuse ang oras para itigil na.
Ayoko na! Hindi ko na kaya! Sobrang sakit na eh </3
Prang dinudurog ang puso ko sa bawat pagbigkas nya ng pangalan ni Pebie.
Para akong aatakihin sa puso kahit wala akong sakit sa puso.
After ilang weeks, nagkakatampuhan sila. Syempre, dahil mahal ko sila, gumawa ako ng paraan para magkaayos na sila.
Kahit sobrang sakit, pinilit ko... Maging masaya lang ang dalawang taong mahalaga sa buhay ko...
-----------------
[A/N: Actually, isa lang yan sa mga nangyare, may mas malala pa :)) Tingnan muna natin kung ilang readers ang makakarelate :)) (keng meron man po)
Isa lang ang tanong ko... Nangyari na ba sa'yo yan? Kung OO, share mo naman! :)) Kung HINDI, edi ikaw na! :))
Salamat po sa pagbasa! Don't forget to VOTE and COMMENT! ^_^
Ano sa tingin nyo? Pwede kayang dagdagan? :))
BINABASA MO ANG
Give your HEART a BREAK </3 - (One Shot)
RomanceWhat?! Nagmamahalan ang MAHAL ko at ang BEST FRIEND ko?! --- At dahil gusto kong ishare ang nangyare sakin (haha) gagawin ko ng on going ang story na to ^_^