CHAPTER UNO

5.5K 81 18
                                    

Picture above is
REINHART del ROSARIO


BEBOT'S POV

Mga alas sais na ng gabi ay nasa labas pa ako ng bahay namin. Nakaupo lang ako sa munti naming kubo na ginawa talaga ni Papa para lang may matambayan kami sa labas at makapag-relax kami habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa aming malakalabaw na balat.

Hehe! Joke lang.

Kalabaw talaga? 'Di pwedeng baka? Mas makapal 'yon e. Ahahaha.

Habang nakaupo ako, nakikiuso na rin ako sa mga kaibigan ko na nag-free data lang sa facebook at gamit ko ang mamahalin kong cellphone na Samsung Galaxy S4 na made in China. Mura lang ang bili ko nito sa halagang 500.00 pesos doon sa may Colon.

Ang dami do'n!

Pumili lang kayo at kaunting ingat nalang kung mag-charge kayo baka kasi sasabog ang batterya.

Sasabog nga 'yong mga original 'yon pa kayang mga peke.

Free data lang ang facebook ko kasi wala akong pera na pang-load kaya tiistiis nalang muna ako sa libre at mag-load nalang ako 'pag may pera na ako.

Hindi ko na naituloy pa ang pagbukas ng account ko sa facebook dahil may biglang tumawag sa phone ko na galing sa gwapo kong kaibigan na nagtrabaho sa Manila.

Oo! Nasa Manila siya habang ako naman ay nandito sa Cebu.

Hindi naman kami close at naging magkaibigan lang kami dahil sa mga kaibigan niya na kaibigan ko rin.

Kung sa facebook pa, mutual friend. Gano'n!

Pakilala muna ako sa inyo huh baka kasi hindi n'yo ako kaibiganin dahil hindi ako nagpakilala sa inyo. Hehe! Ang masak-laugh pa do'n ay baka hindi n'yo ituloy ang pagbasa. Hehe! H'wag naman kayong gano'n! Pektusan ko kayo e. 'Di biro lang. Nasa sa inyo na kung basahin n'yo o babasahin (haha! Wala kayong choice kundi basahin n'yo talaga.).

Ako nga pala si Rienhart del Rosario. Pwede n'yo akong tawaging 'Hart' for short.

I Hart you po!

Ewan ko ba d'yan sa mga magulang ko kung bakit Bebot ang tawag nila sa'kin. Napakalayo naman sa totoo kong pangalan. Ayaw ko nga sana sa Bebot e kaso wala na akong magagawa kasi 'yan na tawag nila sa'kin at pati na rin ang mga kaibigan ko at ang mga kapitbahay namin ay naki-Bebot na rin.

Sarap nilang ipakain sa Terong.

Sino si Terong?

Aba! Malay ko! Tanongin mo si Dionesia baka ang jowa niya 'yan. Hehehe. Ang sama ko.

Seriously, hindi ko talaga kilala 'yang si Terong na 'yan. 'Yan kasi ang palaging sinasabi ng Mama ko dati 'pag tinatakot niya kami kung magpupumilit kaming maglaro noong mga bata pa kami na labag sa kalooban nila. Ipapakain daw niya kami sa Terong.

Mae-google nga 'yang si Terong na 'yan kapag nakalibre na ako ng Wi-Fi.

Saan na nga ba tayo?

Awwwsss.

21 years old na pala ako at graduate lang ako ng high school dito sa probinsya namin sa Cebu. Mahirap lang kasi kami kaya hindi ako nakapag-college. Pangingisda lang kasi ang trabaho ng Papa ko at nasa bahay lang si Mama at siya ang nagbabantay sa mga kapatid ko.

Panganay ako sa limang magkakapatid kaya noong naka-graduate na ako sa high school ay nagtrabaho agad ako para makatulong sa mga magulang ko at sa mga kapatid ko para sa kanilang pag-aaral.

I Love You FOREVER (bxb) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon