Picture above is the
2GO TRAVEL VESSEL
BEBOT'S POVNapanganga nalang ako nang makita ko na ang barko ng 2GO. Napa-'wow' din ako kasi ang laki nito. Daig pa yata ang 3 o 4 storey na building sa taas nito.
Pinapila na kami ng mga crew ng barko para hindi magkagulo ang pag-akyat namin sa itaas.
Nasa pila pa lang ako pero sobra na ang pagka-excited na nararamdaman ko. 'Yong tipong gusto mo nang uminsert sa mga naunang nakapila para lang makaakyat ka na agad sa hagdan.
Nang makaakyat at makapasok na ako sa loob ng barko ay mas lalo akong namangha sa nakita ko sa loob dahil ang akala ko ay nasa mall ako kasi 'yong hagdan ay kusang umakyat paitaas. Para bang elevator ba ang tawag n'yan o escalator. Basta 'yon na 'yon. 'Yong sasakay ka lang sa hagdan at tatayo lang ay dadalhin ka na sa itaas. Gano'n! Meron ding pababa sa kabilang banda.
Ignorance of the law excuses no one. Hahaha.
Ignorante lang talaga ako kasi ngayon pa lang ako nakasakay ng ganito kalaking barko e. Ferry Boat lang kasi ang nasubukan kong sakyan noong nagtrabaho pa ako sa Lapu-lapu City.
Nalilito ako kung saang deriksyon ang tatahakin ko kasi ang laki at ang daming pinto na pwede kong pasukan sa loob kaya nagtanong ako sa isang babaeng crew na nakatayo.
In fearness huh! Maganda siya. Pitok pitok gud ang ako'ng mga mata pagkakita nako niya! Parang nakakita ako ng Hart sa mga mata niya. Wew! Hindi ko magalaw ang panga ko at pakiramdam ko ay mahuhulog na ito.
"Ahmm, Miss, sa'n po ba ako dadaan?" tanong ko.
"Patingin ng ticket mo Sir." sabi niya sabay lahad ng kanyang kanang kamay.
Medyo nabingi ako sa kagandahan niya kaya hindi ko masyadong narinig kung ano ang sinasabi niya. Kakamayan ko sana siya kasi ang akala ko ay gusto niyang makipagkamay sa akin 'yon pala ay ang ticket lang ang gusto niya.
Hahaha. Napahiya tuloy ako.
Ngumiti lang siya.
Hopiamanipopcorn tuloy ako. Pero okay lang kung napahiya ako kasi napangiti ko naman siya. Naiihi tuloy ako. Nyahaha.
Ibinigay ko na ang ticket sa kanya at tiningnan naman niya ito.
"This way Sir." sabi niya sabay turo sa akin ang pinto na papasukan ko. "May nakasulat na deck number d'yan sa ticket mo Sir. Patulong ka nalang sa ibang crew na naka-standby do'n Sir."
"Thank You Miss!" nakangiti akong iniwan siya. Hehe!
Pumasok na ako sa pintong itinuro ni Miss Crew Girl. Nakita ko na sa wakas ang kanina ko pang hinahanap. Ang deck ko.
Wow, laysho dito 'Bay! May tv sa dingding at flat screen pa.
Umupo ako sa deck at kinuha ko ang cellphone sa pantalon ko at pagkatapos ay tiningnan ko kung anong oras na.
Alas cinco y media na pala ng umaga.
Hanep parang lutang ako ah! Wala pa kasi akong tulog.
May nag-announce na minutes nalang daw ay aalis na ang barko. Excited na ako na kinakabahan kasi ang layo ng Manila. Baka kasi malunod ang barko. Hindi pa naman ako marunong lumangoy.
Mag-fiesta talaga ang mga pating sa akin.
Maya-maya pa ay may nag-announce na naman na pwede na daw kaming pumila para sa breakfast doon sa restaurant. 6 am to 8 am lang daw ang pamimigay nila ng breakfast at kung lagpas ka nang pumila sa ibinigay nilang oras ay hindi na daw sila magbibigay ng pagkain.
BINABASA MO ANG
I Love You FOREVER (bxb) (COMPLETED)
RomanceSi Reinhart ay isang mahirap na nangarap para mabigyan ng magandang buhay ang kanyang mga magulang at matulongan ang mga kapatid sa pag-aaral. Mas inuna pa niya ang kanyang pamilya kaysa kanyang sarili. Pumunta siya ng Manila para makipagsapalaran a...