REINHART'S POV
Kinabukasan ay maaga akong gumising. Gaya ng nakalista, dinidiligan ko na ang mga halaman, at nagwalis. Pagkatapos ay pumunta ako sa kusina para magsaing.
Isang oras na akong paikot-ikot sa kusina at pati na rin sa likod para maghanap ng uling pero wala talaga akong makita. Naabutan nalang ako ni Maam Gloria na kakagising pa lang at nagtanong siya sa akin. Sigurado akong nagtaka siya sa akin.
"Ano ba ang hinahanap mo Hart?" tanong niya.
"Uling po Maam." sagot ko.
"Bakit? Aanhin mo ang uling?" pagtataka niyang tanong.
"Magsaing sana ako Maam kaso hindi ko makita kung saan n'yo nilagay ang uling e. Wala din kayong kalan!"
Napakamot nalang ang matanda sa kanyang batok. "Hay naku! Hindi kami gumamit ng uling dito Hijo! Rice cooker ang gamit namin para magsaing at tsaka electric stove naman para sa mga ulam."
Hindi ko alam kung ano ang e-react ko sa sinabi niya.
Parang matatawa na ako dahil sa pagka-igno ko. "Pasensya na po Maam, hindi ko kasi alam e."
"Sige! Tuturuan nalang kita sa susunod." sabi niya. "Teka! Tapos mo na bang diligan ang mga halaman?"
"Opo!"
"Mabuti! Pumunta ka nalang muna sa apartment at magwalis ka do'n. Ako nalang ang magluto dito."
"Sige po Maam!"
"Bumalik ka nalang dito mamaya para mag-almusal." sabi niya at tumango naman ako.
Pumunta na ako sa apartment para maglinis.
Sa loob pa lang kasi ng apartment ang nalinis ko kahapon kaya sa paligid naman ng apartment ang lilinisin ko ngayon.
Nasa labas pa lang ako ng gate ay nakita ko na si Kamatayan jr. Busying busy siya sa kakabuhat na kung hindi ako nagkakamali ay mga gamit niya na galing sa kanyang sasakyan.
Pawisan na siya at walang t-shirt kaya nakikita ko ang maputi at makintab niyang katawan dahil sa pawis.
Sa isipan ko ay parang ikino-compare ko ang katawan ko sa katawan niya. Pareho lang kaming may magandang katawan pero mas lamang siya dahil malinis at maputi ang katawan niya.
Nakakainggit talaga tingnan kahit naka-short lang siya at tsinilas dahil gwapo pa rin siya at ang gandang tingnan. Samantalang kaming mga mahirap na kapag ganyan lang ang suot namin at pagkatapos ay pawisan, para na kaming mga onggoy na naliligo sa langis. Putcha!!!
Since gamit niya 'yan, hindi ako tutulong sa kanya kasi paglilinis ang aatupagin ko dito. Kung babae pa lang siya, sos, hindi ako magdadalawang isip at tutulongan ko talaga siya kahit naiinis pa ako sa kanya.
Mas lalong hindi ako tutulong sa kanya dahil anak siya ni Kamatayan.
Sorry ka nalang Kamatayan jr. Ahahaha.
Dinaanan ko lang siya at alam kong tiningnan niya ako pero hindi ko na siya pinansin at dumeritso nalang ako sa likod ng apartment para do'n ako magsimulang magwalis.
Pinagdadampot ko ang mga dahon ng avocado na naglaglagan at inilagay sa garbage bag. 'Yong malaki at kulay itim na plastic. And the rest ay winawalis ko nalang.
Ilang beses na akong paulit-ulit sa pagwawalis dito sa likuran at wala na talaga akong mawawalis. Pinaghahampas ko na rin ang mga dahon ng avocado para lang maglaglagan ang mga patay na dahon pero ubos na talaga.
Ang totoo kasi ay kanina pa akong natapos sa paglilinis dito sa likuran. Ayaw ko lang munang magwalis do'n sa harapan kasi nando'n pa si Kamatayan jr.
BINABASA MO ANG
I Love You FOREVER (bxb) (COMPLETED)
Любовные романыSi Reinhart ay isang mahirap na nangarap para mabigyan ng magandang buhay ang kanyang mga magulang at matulongan ang mga kapatid sa pag-aaral. Mas inuna pa niya ang kanyang pamilya kaysa kanyang sarili. Pumunta siya ng Manila para makipagsapalaran a...