Picture above is
BRUCE EMPUERTO
BRUCE'S POVSa wakas ay nakapag-POV na rin ako. Excited na excited na kasi akong magpakilala sa inyo.
Ako nga pala si Bruce Empuerto. 22 years of age. Nagtatrabaho ako as a site engineer sa company ng Ate ko. CE kasi ang course ko.
Sabi nila, sabi lang nila huh! Gwapo daw ako. Nyahaha. Ayaw ko sanang maniwala kaso totoo e kaya naniwala na lang ako.
Sabi din ng mga kaibigan ko, perfect type of boyfriend daw ako kasi maputi, matangkad, mabait, maganda ang katawan, matangos ang ilong at marami pang puri ang mga narinig ko na galing sa kanila. Halos lahat daw na katangian sa isang lalaki ay nasa akin na.
Mamaya ko nalang ipagpatuloy ang pagyayabang ko huh! Opps! Hindi ako nagyayabang. Totoo ang lahat na sinabi ko sa inyo. Walang halong echoss!
Pag-usapan muna natin itong tao na kasama ko.
Nakakatawa naman kasi 'tong tao na nasa harapan ko ngayon dahil napaka-ignorante talaga.
Akalain mo 'yon! Ang chopsticks na nasa table at katabi ng mga kutsara, tinidor at maliit na kutsilyo ay napakalaking toothpick daw. Hahaha!
Mababaliw yata ako sa taong 'to e. Halatang taong bundok talaga.
Gagamitin ko muna siya ngayon upang matulungan ako sa pagbubuhat at paglipat ng mga gamit ko dahil may alas pa ako sa kanya.
Takot na takot siyang tanggalin ni Mama sa trabaho. Oo! Mama ko si Gloria at kapatid ko si Ate Catherine. Kung paano? Malalaman n'yo rin 'yan!
Tinakot ko kasi siyang isumbong ko siya kay Mama kapag hindi niya ako tutulongan. Sinabi ko kasi sa kanya na naisumbong ko na siya kay Mama na nakita ko siyang nakahubad kahapon.
Napakalaking tanga talaga niya. Hindi man lang niya naisipan na mag-lock ng pinto sa CR.
Kinakabahan kasi ako kahapon nang pumasok ako sa apartment. Nagtaka din ako kung bakit bukas ang ilaw at nakaramdam ako na parang may tao sa loob ng CR. Dahandahan akong lumapit sa CR at pinakinggan ko muna kung may tao ba.
Nang makompirma kong may tao nga, bigla ko nalang binuksan ang pinto kaya chadan!!! May taong naligo. Nakahubad at humarap pa talaga siya sa akin. Nakita ko tuloy 'yong jr. niya na sa tingin ko ay malaki lang ng kaunti kaysa sa akin. Mga .5 cm siguro. Nyahaha.
First time kong makakita ng ari sa isang lalaki in person dahil puro video lang sa mga porn site ang nakita ko.
Nakakabastos siyang tingan pero hindi naman siguro niya sinasadya 'yon. Hindi ko nga alam kung ako ba ang dapat tawaging bastos o siya.
Tinawag kasi niya akong bastos at saka sinara ang pinto. Ako pa talaga ang tinawag niyang bastos. Hindi ko nga siya kilala at saka bakit dito pa talaga siya naligo sa apartment namin?
Kapal ng muks!
Lalo nang inutusan niya akong kunin ang damit niya sa lababo. Nandiri ako nang kunin ko ang damit niya dahil naamoy ko kasi ang pawis na galing sa damit niya.
Napakalaking EWWW talaga!
Hindi ko siya naisumbong kasi wala si Mama sa bahay at wala naman talaga akong balak na isumbong 'yong nakita ko siyang nakahubad.
Nakakahiya din kayang magkwento kay Mama.
FLASHBACK:
Nasaan kaya si Mama? Bakit walang tao dito?
BINABASA MO ANG
I Love You FOREVER (bxb) (COMPLETED)
RomanceSi Reinhart ay isang mahirap na nangarap para mabigyan ng magandang buhay ang kanyang mga magulang at matulongan ang mga kapatid sa pag-aaral. Mas inuna pa niya ang kanyang pamilya kaysa kanyang sarili. Pumunta siya ng Manila para makipagsapalaran a...