Continuation from last part of the chapter.
Habang naglalakad ako papunta sa bahay ni Maam, naguguluhan na ang isipan ko dahil may parte nito na gustong paglayuin kami ni Bruce baka kasi mahulog ako sa kanya at maging bakla na rin ako tulad niya. May parte rin ng utak ko na gustong palagi kong makita si Bruce at gusto ring mahalin ko siya na mas higit pa sa isang kaibigan.
Hays, nakakabaliw! Mababaliw na yata ako nito e.
Papasok na sana ako ng bahay pero biglang nag-ring ang phone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa at pagkatapos ay tinignan kung sino ang tumawag. Si Henry pala. Tumayo nalang muna ako at sinagot ang tawag niya.
Ako: Hello!
Henry: 'Tol, kumusta ka na d'yan?
Ako: Okay lang. Ikaw?
Henry: Okay lang din. Busy sa date. Ahahaha.
Ako: Hahaha. Gano'n ba? Kumusta naman sila? Hindi ako maka-text kay Cath e kasi wala na akong load.
Henry: Okay lang naman siya. Nandito nga kami ngayon sa Bohol e.
Ako: Wow! Laysho ka na pala 'Tol? Travel travel nalang.
Henry: Hahaha! Hindi naman. Nga pala! May pinapatanong si Cath."
Ako: Ano ang tanong niya 'Tol?
Henry: Nagtatanong siya kung okay lang ba daw ang kapatid niya? Hindi kasi siya makapag-text. Nasira ang phone niya kasi nalaglag sa dagat."
Ako: 'Yan na naman. Kapatid na naman. Tinatakot n'yo naman ba ako 'Tol?
Henry: Hindi ahh! Totoong may kapatid si Cath d'yan.
Ako: Sino? Wala namang tao dito sa bahay nila ahh. Hapon na 'Tol baka multuhin na naman ako ng kapatid niya dito.
Henry: Ano bang multo ang pinagsasabi mo? Sabi ni Cath sa akin ay nagkita na daw kayo.
Ako: Sira! Paano kami magkita e patay na yata 'yang kapatid niya e. Hindi kami nagkita dito. Walang tao sa bahay.
BINABASA MO ANG
I Love You FOREVER (bxb) (COMPLETED)
RomanceSi Reinhart ay isang mahirap na nangarap para mabigyan ng magandang buhay ang kanyang mga magulang at matulongan ang mga kapatid sa pag-aaral. Mas inuna pa niya ang kanyang pamilya kaysa kanyang sarili. Pumunta siya ng Manila para makipagsapalaran a...