BRUCE'S POV
Pumasok ako sa trabaho na may ngiti. Ngiting hindi mapapantayan kahit anong uri ng mga mamahaling bagay. Si Reinhart lang ang nakapagpangiti sa akin ng ganito lalo na at naging kami na.
Wew!
Ang sarap talaga kapag sinagot ka na ng taong mahal mo. Ang sarap magtrabaho kapag mayroong insperasyon.
Hindi ako ganito kasaya noong kami pa ni Jenny pero ngayong kami na ni Reinhart, ibang-iba at walang katulad.
Hooh!
Kahit masaya ako pero may lungkot din akong nadarama. Hindi ko alam kung paano sasabihin kay Mama at Ate na isang lalaki na ang karelasyon ko ngayon. Kinakabahan ako kung ano ang sasabihin nila sa akin o sa amin ni Reinhart.
Ngayon ko lang naramdaman na pareho pala kami ni Reinhart na hindi pa handang sabihin o ipakita sa mga tao ang meron kami.
Hays.
Sana matanggap nila Mama o Ate ang relasyon namin kapag sabihin na namin ni Reinhart na magjowa na kami.
"'Tol! Kumusta? Ang aga mo ngayon ahh!" bati sa akin ni Retchie pagpasok ko sa opisina.
"Okay lang 'Tol!" sabi ko sabay ngiti tapos nag-swipe in sa ID ko. "Pasensya pala noong friday."
"Okay lang 'yon 'Tol! Alam na namin ang totoo. Bastos din kasi 'yong baklang kaibigan sa kapatid ni Ronald e." sabi niya sabay tapik sa balikat ko.
Alam na din kaya nila na bakla na din ako?
"Ano na ang nangyari sa kanya 'Tol? Naapuruhan ko yata 'yon e." tanong ko. Nag-alala din ako sa lalaki. Syempre hindi kasi ako gano'n kasamang tao.
"Ayon! Umiyak na parang kambing na may sira ang lalamunan pagkatapos n'yong iwanan at nagsumbong sa kapatid ni Ronald."
"Ahhh!" tumango ako at inakbayan si Retchie habang naglalakad kami. "Sana 'Tol hindi 'yon makaabot kay Ate. Ayaw kong isipin niya na nakipagsuntukan ako at kung makita mo sila Wendel at Ronald, 'kaw na bahala magsabi sa kanila 'Tol huh!"
"Okay 'Tol. Makakaasa ka!" sabi niya sabay pasok sa cubicle niya. Gumaan din kahit kaunti ang pakiramdam ko. "Geh 'Tol, kita nalang tayo mamaya."
Nakaramdam ako ng kaunting kaba kahit papasok pa lang ako sa opisina ni Ate.
Kinakabahan ako na baka alam na ni Ate ang nangyari noong friday.
Kinakabahan din ako ng kaunti dahil nagtaka ako kung bakit hindi siya nag-text kahapon. Noong sabado lang siya nag-text sa akin na nakarating na daw sila. Hindi ko alam kung saan sila nagpunta at 'yon lang. Wala ng text na sumunod pa.
Pagpasok ko sa opisina ni Ate, wala pa siya kaya umupo ako sa mesa ko at kinuha ang phone kong samsung na may keypad para mag-message sa Hart ko. Kinuha ko na din ang number niya kagabi para naman may update ako sa kanya. Tinuruan ko na rin siya kung paano gamitin ang rice cooker at ang electric stove para hindi siya gutomin sa bahay. Binilinan ko din siya na kung hindi siya makapagluto, bumili nalang siya sa kanto ng kanin at ulam. Binigyan ko siya ng pera at binigyan ko din siya ng load para makapag-reply siya sa text ko.
Ayaw ko sanang magtrabaho ngayon dahil gusto ko ay palagi ko siyang kasama.
Ewan ko ba. Hindi ako mapakali kapag magkalayo kami ni Reinhart dahil siya lang ang hinahahanap ng mga mata ko.
Dudz, nasa opisina na ako. Kumusta ka na d'yan? I miss you. message sent to MyHart.
BINABASA MO ANG
I Love You FOREVER (bxb) (COMPLETED)
RomanceSi Reinhart ay isang mahirap na nangarap para mabigyan ng magandang buhay ang kanyang mga magulang at matulongan ang mga kapatid sa pag-aaral. Mas inuna pa niya ang kanyang pamilya kaysa kanyang sarili. Pumunta siya ng Manila para makipagsapalaran a...