BRUCE'S POV
10 am na akong nagising at katabi ko pa rin si Reinhart na mahimbing pang natutulog at nakayakap sa akin. Tinitigan ko lang siya at napakaamo pa rin ng kanyang mukha.
Pinigilan ko muna ang sarili ko na halikan siya dahil ayaw ko muna siyang disturbuhin sa pagkatulog.
Kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong sa ibabaw ng maliit na table. Pagtingin ko sa samsung na phone ko, may mga message kaya binasa ko.
'Tol, kumusta ka na d'yan sa Cebu? message received from Wendel Gwapo.
Cutie Pie, kumusta? message received from Ate Cath.
Akala siguro nila ay nasa Cebu ako ngayon pero 'di nila alam na nasa Manila na pala ako.
May isa pang message na hindi ko nabasa kaya binasa ko ito.
'Tol, musta ka na d'yan sa Manila? Its so lamig dito sa kwarto. Mwah. Miss yah! message received from 099912***40
Sino kaya 'tong gonggong na 'to? Ano kaya ang pakay niya sa akin?
Bwesit!
Kakagising ko pa nga lang tapos ito na agad ang mabasa ko?
Malaman ko lang kung sinong kang gonggong ka, babalatan talaga kita ng buhay. Nanggugulo ang put@. Umagang umaga ay iniinis agad ako.
Kagaya kahapon, denilete ko nalang ang message niya.
Ayaw kong mabasa ni Reinhart baka kasi magduda siya sa akin. Wala naman akong ginawang masama.
Ayaw kong mag-away kami dahil lang sa taong hindi ko kilala.
Ayaw ko nang pansinin kung sino man 'yang gagong 'yan.
Ayaw ko nang maghanap pa ng iba dahil si Reinhart lang ay sapat na para sa akin.
Ibinalik ko na ang phone ko sa mesa at inayos ang aking pagkahiga. Niyakap ko nalang si Reinhart pero mukhang nagising ko siya dahil sa pagyakap ko.
Nginitian ko nalang siya habang unti-unti niyang binuka ang kanyang mga mata.
"Morning Dudz?" bati ko sa kanya sabay kiss sa labi pero saglit lang.
Pagkatapos ko siyang halikan ay bigla naman siyang nataranta kaya agad siyang bumangon. "Hala! Anong oras na?"
Bumangon na din ako. "10:20 am na Dudz. Bakit?"
"Maglilinis pa ako sa bahay. Patay ako nito kay Mama mo mamaya." nataranta niyang sagot.
Bigla ko nalang siyang niyakap at humiga ulit kami. "H'wag ka ngang mag-alala d'yan. Ako ang bahala sa'yo. Ako na ang magpaliwanag kay Mama."
Hindi na siya nagreklamo at mukhang gusto naman niyang niyakap ko siya.
"Gutom ka na Dudz?" tanong ko habang mahina kong kinagat ang tainga niya. Nakatagilid kasi kami at siya ang nasa harapan ko habang niyayakap ko siya.
"Hindi pa." umiling siya na parang nakikiliti sa ginawa ko. Sarap paglaruan ng tenga niya. "Hehehe! 'Kaw? Gutom ka na?"
"Gutom na!" sagot ko at may balak akong gawin sa kanya. Tingnan ko lang kung ano ang reaksyon niya kapag ipasok ko na ang dila ko sa tenga niya. "Gutom na ako kaya gusto na kitang kainin."
"Hahaha!" mas nakikiliti siya sa ginawa ko na ipinasok ang dila ko sa tenga niya.
Humarap siya sa akin na nakangiti at sa mga mata ko siya nakatingin . Isang nakakabaliw na tingin. "Tara! Kain na tayo?"
BINABASA MO ANG
I Love You FOREVER (bxb) (COMPLETED)
RomanceSi Reinhart ay isang mahirap na nangarap para mabigyan ng magandang buhay ang kanyang mga magulang at matulongan ang mga kapatid sa pag-aaral. Mas inuna pa niya ang kanyang pamilya kaysa kanyang sarili. Pumunta siya ng Manila para makipagsapalaran a...