CHAPTER BENTE TRES

1K 33 3
                                    

BRUCE'S POV

Hindi ko akalain na magawa ni Reinhart sa akin 'yon. Para akong sinampal ng maraming beses na mas masakit pa sa sampal ni Ate sa akin.

Hindi ko akalain na gano'n pala si Reinhart katapang na pati si Ate ay nagawa niyang sagot sagotin at kalabanin.

Naawa nalang ako kay Ate dahil hindi siya makapagsalita dahil sa mga pinagsasabi ni Reinhart.

Kailangan kong alamin ang totoo kung bakit nasabi ni Ate na kung hindi dahil kay Wendel, hindi niya malaman na may relasyon kami ni Reinhart.

Tanongin ko sana si Wendel pero sinamahan niya si Reinhart na umalis dito.

Sinabi kaya ni Wendel kay Ate ang sinabi ko sa kanya noong umalis ako papuntang Cebu na ayaw kong iwanan si Reinhart?

Nakita ko ang isang plato kanina na may laman ng isang slice ng cake na may kagat na at may nakasulat na Happy Birthday Reinhart! Parang catsup ang ginamit niya sa pagsulat dahil may nakita akong sachet ng catsup na kaunti nalang ang laman.

Gusto ko sanang e greet siya pero galit na galit pa ang mga pakiramdam ng bawat isa namin noon kaya hindi ko siya na-greet.

Sabagay may cellphone naman ako kaya tawagan ko siya o 'di kaya'y e-text nalang.

Natatawa din ako kay Reinhart kanina. Lakas mangtrip kay Ate kaya walang binatbat si Ate.

Pinagdadampot ba naman ang pera na nagkalat sa cemento.

Binulungan pa niya si Ate.

Ewan ko kung ano ang binubulong niya kay Ate dahil nakita ko nalang si Ate na lumaki ang butas ng ilong niya. Hahaha!

Umalis na ako sa kinatayuan ko dahil ako nalang ang mag-isa dito. Umalis na kasi si Reinhart. Si Ate naman ay pumasok ulit sa loob.

Hinanap ko si Labs ko pero hindi ko na siya makita.

Saan kaya siya?

Pumasok ako sa loob para hanapin si Niel. Hindi ko din makita si Ate kaya tinanong ko si Mama.

"'Ma, nakita mo ba si Ate?" tanong ko habang inilibot ko ang mata ko sa loob ng bahay.

"Nakita ko siyang pumunta sa kusina kanina." sagot niya kaya pinuntahan ko din siya para kausapin. "Oy! Bruce! Mag-usap nga muna tayo."

"Mamaya na Ma!" sagot ko habang papasok na ako sa kusina.

Pagpasok ko sa kusina, wala rin si Ate.

Nasaan kaya siya?

Sila?

Nasaan kaya silang dalawa?

Hmmm! Parang may naamoy akong mali ahh.

Dahandahan kung binuksan ang pinto sa may lababo. Pagbukas ko ng kaunti, may narinig akong nag-usap na babae ang boses at saka lalaki kaya tiningnan ko.

Si Niel at si Ate ang nag-usap.

Dahandahan akong pumasok para hindi nila ako mapansin. Kinakabahan ako sa ginawa ko at sa marinig ko kung ano man ang pinag-usapan nila.

"Ito ang bayad ko sa'yo oh!" nakita kong may ibinigay si Ate kay Niel na puting envelope. "Sapat na ba 'yan?"

Binilang ni Niel ang pera na nasa loob ng sobre at pagkatapos ay ngumiti siya sa Ate ko. "Salamat Maam!"

Napatanong ako sa isipan ko. Ano kaya ang binabayaran ni Ate kay Niel?

"Okay! Basta ang gawin mo lang ay ipagpatuloy ang ginawa mo kay Bruce." sabi ni Ate kay Niel.

I Love You FOREVER (bxb) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon