LIVA'S POV
"Jaime, wag mo akong iwan! Hindi ko kaya." Pagmamakaawa ko sa kanya.
"Kailangan Liva. Naaawa ako sa'yo kaya kailangan kong gawin ito. Basta tandaan mo, MINAHAL KITA." At tuloy-tuloy na ang pagtulo ng aking luha. Hanggang sa ibinaba na ni Jaime ang telepono.
"ARAY!" Naputol ang pag-alala ko sa nakaraan ng matamaan ako ng bola. Anak ng...
"Miss umalis ka diyan. Alam mo namang basketball court 'to at hindi park."
Mabilis akong tumabi, hindi ko pa rin ini-aalis ang tingin ko sa kanya. Ang gwapo! Matangkad! Ang bango!
"GO JAIME" sigaw ng mga nanunuod.
"Jaime?" Agad hinanap ng aking mga mata ang tinatawag nilang Jaime. Ngunit di ko makita, ang gustong makita ng mata ko. Sa tingin ko, ang lalaking nagalit sa'kin kanina ay siyang tinatawag nilang Jaime. Anlayo.
Naalala ko nanaman si Jaime. Jaime Daniel. 1st year high school kami noon nung maging kami. He's not the Jaime I am watching and hinahangaan. And definitely he's not my type. Pero I loved him with all my heart. I really am. I just cant move on, he just left me without any reason.
Nagising nanaman ako sa pag-iisip nang maramdaman ko ang luha sa aking pisngi. Apat na taon na ang nakakaraan simula ng lumipat siya ng school. Kumusta na kaya siya? Tinupad niya kaya ang pangako namin sa isa't isa na dito rin mag-aral?
"Hoy Liva! Umiiyak ka nanaman dahil sa misteryosong tao na kinikwento mo. Ano ba kasing pangalan non?" Si Ginger Hilson. Kaklase ko dito sa UST.
"Waaaah! Yung gwapong kaklase ko sa isang subject ko. Varsity pala siya." Sigaw ni Ginger nang makita ang mga naglalaro. Hays. Napaka-ingay niya talaga.
Iniwan ko na siya doon. Dahil wala naman akong hilig sa panunood ng basketball. Isa pa, ayoko nang marinig ang pangalan nun. Naalala ko lang si Jaime.
Pumunta na ako sa next class ko. Habang naglalakad ako patungo sa room ko, nang biglang..
"ARAY KO!" Malas ata ako ngayong araw na'to. Nilingon ko ang pinanggalingan ng bola. Soccer field. "Ano ba Drix? Nanadya ka ba?"
"Sorry Liva. Kanina pa kasi kita tinatawag, hindi ka manlang lumilingon. Iniisip mo nanaman ba si Jai.." Tuloy-tuloy niyang sabi nang tawagin siya ng team niya. "Ah mamaya nalang tayo mag-usap. Bye for now." At umalis na siya.
Si Drix Blane. Bestfriend ko. Bestfriend namin ni Jaime. Siya ang dumadamay saakin kapag naaalala ko ang taong yun. Napakaswerte ko dahil nandiyan siya. Dahil kung wala, matagal na akong sumuko sa buhay ko.
Narating ko na ang room ko, pumasok ako dun nang di ko tinitingnan ang taong nasa loob. Dire-diretso akong umupo sa upuan ko at nagnap. At biglang..
BOOGSH!
"Aray! Aw."
"Ms. Liva Rizo! Late ka na nga pumasok, tutulugan mo pa ako!"
Malas talaga. "So-sorry po Ma'am! Masakit na po kase ang ulo ko. Dalawang beses na po akong tinamaan ng bola at isang beses natamaan ng eraser." Nagtawanan ang mga kaklase ko sa tinuran ko.
Ganun nalang natapos ang araw ko sa school. Hays.
Habang naglalakad ako pauwi. Biglang may humawak sa bag ko. Kinabahan ako. Nang..
"Masyado ka namang seryoso Liva. Easy ka lang. Ako lang naman ang napakagwapo mong bestfriend." Sabay harap sa'kin. "Drix nga pala. Hahahahaha!"
Nahampas ko lang naman siya ng file case ko. Nakakainis siya. Walang magawa.
"Kanina ka pa ha! Uuwi na ako Drix. Sobrabg sakit ng ulo ko." Sabi ko habang naglalakad na ako palayo.
"Teka! Diba nag-uusap pa tayo? Di mo pa sinasabi kung bakit hindi mo'ko naririnig kanina. May problema ba?" Tuloy-tuloy niyang sabi habang sinasabayan ako ng lakad.
"Naalala ko lang si Jaime."
BINABASA MO ANG
Definitely NOT My Type
Teen FictionThis story is all about Liva who's dreaming of his ex to come back.