Travel again ✈

2.1K 81 10
                                    

Dahil ubod ng yaman ng pamilyang Ryder.
Hindi sila nag hahabol ng oras para sa mga flight ng eroplano.
Kaya pwede silang mag bagal at ang dahilan kung bakit sila ngayon nag babagal ay dahil kay Alexus.

Bukas ang alis ko pa canada para mag stay dun.

Problemado nyang sabi sakin na pabalik balik sa aking harapan habang naka sandal ako sa pintuan ng library dahil bigla nya akong hinila sa loob ng walang dahilan.

Basta nalang syang kumatok at hinablot ako papasok ng library.

O eh yun naman pala eh. Edi sumabay kana.

Sabi ko sa kanya.

Tutal mas maganda naman kung aalis ka ng mas maaga.

Dagdag ko pa sa kanya.
Huminto sya sa pag lakad saka lumapit sakin.

Nababaliw kana ba? Anong iisipin nila kung sasabihin kong hindi na ako sasama pauwi dahil dun na ako titira?

Mataas ang tono na sabi nya sa akin.
Para parin syang lalaki sa paningin ko, kahit na napaka haba ng buhok nya at mas mahinhin pa sya sa akin.

Ilang segundo ko muna syang tinignan ng blanko at walang idea sa tinutukoy nya hanggang sa parang may pumitik ata sa utak ko at naalog.

Hala sya! Bakit hindi mo parin sinasabi?! Paano na yan? Anong iisipin nila?!

Gulat na gulat kong tanong.
Bigla akong nag panic sa sinabi nya, oo nga pala sa canada din sya mag aaral at saktong sakto ang araw na aalis papunta dun.

Actually aalis na kami ngayong araw pero ang talagang schedule ng orchastra play ay sa pangalawang araw pa. Kung titignan sa araw, wednesday ngayon at sa friday pa iyon gaganapin.

Sira ka talagang babae ka e ano? Yun nga yung problema ko tinatanong mo pa pabalik sakin.

Inis nyang sabi sa akin saka sya nag kamot ng buhok at kita sa pamumula ng mukha ang laki ng problema nya.

Anong iisipin nila kung bigla nalang akong mag paiwan at sasabihin na "mag aaral pala ako. K. Bye" siguradong titingin sila sakin na para bang binigo ko sila sa pangako namin sa isa't isa.

Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya.
Parang pati ako ay namroblema.

Kasi naman bakit sinabi mo pa 'to sakin pati tuloy ako namomroblema.

Sising sabi ko sa kanya.

Bakit? Sinabi ko bang mamroblema ka?

Tanong nya sakin.
Tumahimik lang ako sa sinabi nya.
Oo nga naman, hindi nya naman sinabi na problemahin ko iyon, pero hindi ko mapigilan.

Pano yan? Pano yan?

Tanong ko sa kanya. Parang gusto ko ng mag lupasay sa mga nangyayari.
Ayoko po naman sanang maistress dahil mahaba habang byahe ang pupuntahan namin.

Isa nalang ang tumatakbong paraan sa utak ko.

Sabihin mo na kaya?

Sabi ko sa kanya.
Tumingin lang sya sa akin na para bang nag iisip ng malalim.

Susubukan ko.

Yun lang ang sagot nya sakin saka biglang nalungkot.
alam kong nahahati ang desisyon nya dahil parehong importante ang pangarap at mga kapatid nya.

Matapos ng usapan ay bumalik narin kami sa kanya kanya naming kwarto.
Siguro ay kaylangang mag isip isip ni alexus kaya ganun. Hindi rin kasi biro ang sasabihin nya.

Nag antay nalang ako ng lilipas na oras.
Nakatingin lang ako sa coat at hoodie na nakasabit sa gilid ng cabinet ko.
Hindi ko na nga alam kung susuotin,hindi ko rin alam kung anong gagawin sa mag kakapatid pag umamin na si Alexus sa kanila.
Napahiga nalang ako sa kama at nag sisipa.

Hay nako. Ano bang gagawin ko?
Pag ako talaga ang binag sakan nitong problema mag bibigti na talaga ako.

Napahinga nalang ako ng malalim.
Sa kahabaan ng pag lutang ng isip ko sa mga nangyayari ay merong kumatok sa pintuan.
Nag babagal akong lumakad at binuksan ang pintuan ng si Bryon ang nakita ko sa harapan.

Oh Bryon. May problema ba?

Nakayuko lang sya at merong hawak na pulang scarf.

Kita ko parin ang mukha nya dahil mas matangkad sya sa akin.
Saka sya tumingin ng diretso sakin at isinabit ang scarf sa aking leeg.

Suotin mo yan. Malamig dun. Hindi ako nag aalala, nakita ko lang yan sa kwarto ko tingin ko kasi basura nalang yan kaya ibibigay ko sa'yo.

Malamig na sabi nya saka sya dali daling lumakad paalis.
Bakit ba lagi nalang akong naiiwan na nakatayo sa harap ng pinto at sila ay parang hangin na bigla nalang nawawala?

Pumasok ako sa kwarto saka ko kinuha sa aking leeg ang scarf.
Ang ganda nun at ang lambot.
May nakita din akong nakasabit ditong maliit na papel na agad kong hinawakan.

Tag price? Akala ko ba luma na 'to?

Minsan talaga kahina-hinala si Bryon.
Ngayon tuloy hindi lang dalawa ang kaylangan kong pag pilian na gagamitin ko pag dating dun.
Isang coat.
Isang hoodie.
At isang scarf.

Pinamumukha nyo ba talaga sa akin na mahirap lang ako at wala akong pambili?
O naaawa kayo sakin dahil sa baduy ako manamit?

At dahil hindi naman kalakihan ang scarf kung ikukumpara sa coat at hoodie ay tinupi ko nalang ito at ipinasok sa maleta.

Lumipas ang halos isang oras nang muling may kumatok sa pintuan ng kwarto at muli ko nanaman itong binuksan.

Ano yun? I-ikaw pala Vicku.

Bigla akong namula.
Hindi maipag kakaila ang kakisigan ni Vicku sa suot nyang Trench coat.

Ayos kalang ba? May masakit ba sa'yo?

Bigla kong naramdaman ang kamay ni Vicku sa aking noo saka ako biglang nagising sa katinuan ko.
Hindi ko namalayang natulala pala ako sa kanya.
Agad akong tumango saka sya muling bumulsa.

Okey lang. Bakit? May kaylangan ka ba?

Tanong ko sa kanya.

Oo ikaw.

Biglang nanlaki ang mga mata ko sa sagot nya saka ako namula at napayuko.
Pinipigilan kong tumawa at kinagat ko nalang ang aking labi.
Wag mong pairalin ang kalandian mo ngayon Riley.

Biro lang.

Bigla akong napatingin sa kanya na pigil ang tawa.
Pinag ttripan nya ba ako?
Natawa lang din ako sa reaksyon na nakatingin sa akin.

Syempre ikaw ang kaylangan ko. Aalis na tayo after 15 minutes.

Sabi nya sakin ng nakangiti saka umalis.
Sinundan ko sya ng tingin na sumusulyap pa sakin mula sa kanyang likuran.
Hindi ko maiwasang ngumiti sa itsura nya.

Sinarado ko ang pintuan ng kwarto ko at dali daling inayos ang mga dapat pang dalhin at makapag double check.
Saka ako nag asikaso.

Beauty and The seven Beast || Complete ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon