Skye's POV
Today is a beautiful day!! I will make sure that no one can ruin my day, bakit? Well minsan lang ako magising ng maaga at hindi lang maaga, goodvibes. Naka kumpleto ako ng mahabang tulog kagabi kaya eto...
Pag katapos ko mag hilamos ng mukha at mag tooth brush dumiretso na ko sa kusina, i'll cook breakfast today tutal maaga nga ako nagising, 5am palang.
After cooking kumatok na ko sa kwarto ni Max, sya ang una kong kinatok kasi light sleeper lang sya.
"Max, wake up na!!" Sigaw ko sa labas dahil naka lock ang pinto nya. Rinig ko pa ang pagkalaglag nya sa kama, tinawanan ko nalang at sunod na pumunta sa kwarto ni Zoe.
"MARIA ZOEY REYES!! GUMISING KA NA, YUNG BOYFRIEND MO NASA LABAS." Sigaw ko naman sa labas ng kwarto no Zoe dahil alam kong magigising sya agad dun.
"Huh? Asan? Ayos ba itsura ko?" Sabi nya pagkabukas na pagkabukas nya ng pinto, agad ko namang pinitik ang noo nya.
"Wala kang boyfriend, qaqa." Natatawa ko pang sabi at napairap naman sya. Papasok pa dapat sya ng kwarto nya ulit pero hinatak ko na sya,
"Nagluto ako ng breakfast, kumain na tayo. Gutom na--" Naputol ang sasabihin ko mg bigla silang magyakap ni Max na parang natatakot at tumingin sakin, huh?
"Ikaw ba talaga si Skye? Kaibigan ka ba talaga namin? Totoo ba to? Omg omg!! Zoe baka pekeng Skye to!!" Oa na sabi ni Max at sinusundot sundot pa ko tinitingnan kung totoo ba ko.
"Siraulo. Wag kang kakain ah. Magutom ka dyan, tara na Zoe." Hinatak ko si Zoe sa pagkakayakap nya at dumiretso na sa kusina.
"Joke lang naman Skye. Nagulat lang ako kasi sa loob ng tatlong taon na pag sasama natin sa iisang bahay, never ka nagising ng maaga at nag luto ng almusal." Napairap nalang ako sa sinabi ni Max, hindi ba kapanipaniwala?
"Ang OA mo na, Max. Kumain ka na nga lang." Umupo nalang din sya sa mesa at nagumpisa na kumain.
After eating dumiretso na kami sa kanya kanya naming kwarto, naligo at nagbihis na. Pag pumapasok kami ng school lagi kaming nag titigisa ng kotse, kasi kahit na magkakasama kami sa bahay iba iba padin naman minsan ang lakad namin pag tapos ng klase.
Pagkatapos kong mag ayos lumabas na ko ng kwarto at kakatok na dapat sa kwarto nila Zoe pero may nakita akong note na nagsasabing nauna na sila umalis dahil nagmamadali sila dahil 7:30 ang first class nila.
Mga walangya iniwan ba naman ako? 8:00am pa ang unang klase ko kaya hindi naman ako nagmamadali. Pero 7:30 nadin kaya aalis na ko.
Mag sstart na ang unang klase ko nang dumating ako ng school pero wala naman akong pakielam kung malate ako. Sana naman hindi ko kaklase yung asungot na Alvarez na yun, kasi ang alam ko pareho kaming archi student, sinabi sakin ni Max.
Pag pasok ko ng classroom ay tumahimik lahat ng tao at umupo sakanya kanya nilang upuan. Ganyan talaga sila pag dumadating ako, parang may anghel na dumaan. Sa takot ba naman nila sakin eh?
Umupo nadin ako sa may bandang likod dahil ayoko ng masyadong atensyon. Wala naman nag balak na tumabi sakin — good.
Nasa gitna kami ng klase nang may biglang nagbalibag ng pinto, sino pa ba? Edi yung asungot. Badtrip.
Hindi na ko nagulat nung sa tabi ko sya umupo dahil sa tabi ko lang naman ang vacant. Bwisit, may ilalala pa ba tong araw na to?
Hindi ko pinapansin ang katabi ko at napansin nya yun kaya tawag sya ng tawag sakin. "Psssst." sya ng "Psssst." Kairita, ang ingay.
"Huy, pansinin mo naman ako alam ko naman na crush mo ko pakipot ka pa. Tss." Sabi nya at kinakalabit pa ko. Konti nalang talaga mahahampas ko na tong panget na to, napaka kulit parang babae.
"Psss--" Hindi ko na sya pinatuloy at hinampas na sya ng libro sa ulo, hanep kasi napaka ingay. Hindi ba pwedeng mag aral nalang sya? Bwiset.
"Mr. Alvarez & Ms. Dela Vega, kung maghaharutan lang kayo sa klase ko na parang highschool ay lumabas nalang kayo. Detention, now." Hindi na ko umimik at lumabas na ng classroom, ramdam ko naman na sumunod yung panget. Epal nya kasi ayan tuloy.
Pag dating sa detention room ay walang tao. College na kami may pa detention pa silang nalalaman, ano kami, bata?
"This is all your fault." Malamig na sabi ni Ax at tiningnan pa ko ng masama, wow.
"Excuse me? Sino ba satin ang nangungulit, ako ba?" Inirapan ko sya at umupo nalang sa upuan dito at nagpunta nalang sya sa harapan ko.
"But that doesn't mean you can hit me with your book." Mukhang nasaktan ko ang pride nya dahil mukhang first time nyang mahampas ng libro sa ulo ng isang babae.
"Pake ko." Agad akong nag suot ng earphones sa tenga ko pagkasabi ko nun. He clenched his jaw, gigil si ikaw? Natatawa na ko sa isipan ko pero i kept my bitch resting face.
Umalis sya sa harapan ko at umupo sa upuan malayo sakin, ilang oras pa kami dito kaya I chose na iyuko nalang ang ulo ko at matulog.
Nang mag 1pm na ay umayos na ko ng upo dahil makakalabas na kami dito. Nakita kong nauna syang magpunta sa pinto pero bago sya lumabas ay nag salita sya.
"Take care of yourself, Ms. Dela Vega because you just messed up with the Devil's son." Bago pa sya tuluyan makalabas ay nagsalita ako na syang nag pahinto sakanya.
"Devil's son? I knew it. Kaya siguro ganyan mukha mo no? And Mr. Alvarez, don't remind me to take care of myself because i'm not scared. If you want to play then let's play, because in this game, no one can beat me." Pagkasabi ko nun ay inunahan ko na sya lumabas, hindi ka mananalo sakin Mr. Alvarez, try harder.
BINABASA MO ANG
Catastrophe (KathNiel)
Romanceca·tas·tro·phe /kəˈtastrəfē/ noun - an event causing great and often sudden damage or suffering; a disaster Sya si Kathryn Kate, ang babaeng parang lalaki lang sa sobrang angas, but no hindi sya tomboy or anything. Let's just say na... Sya ay nasak...