Kabanata 5

2.3K 71 1
                                    

Treat

"I'll pick you up every morning. I'll try my best to send you home after class. If I can't, call your driver Manong Ricky to pick you up. Okay?"

'Yan ang sinabi sa akin ni Zach matapos ang pag-uusap nila ni Arthur. Pakiramdam ko tuloy ay guarded ako.

Nakiusap ako sa kanya na 'wag na niyang sabihin kay Daddy ang tungkol kay Arthur dahil wala naman siyang ginagawang masama sa akin.

Alam kong nag-aalala lang sa akin si Zach pero sa tingin ko, mali na pag-isipan niya ng masama si Arthur, though he looks creepy.

Hindi niya pa rin kilala yung tao at mali ang iniisip niya na stalker ko si Arthur. Sabi ni Alexander, matagal nang sa kanila ang bahay na 'yon. Naging bakante nang pumunta sa states yung pamilya nila at magdesisyon siyang maging independent pero ngayong nandito na si Arthur, gusto ni Arthur na sa bahay nila mismo tumuloy at nagkataon lang na sa tapat pa ng bahay namin.

"How are you Mira? Nagtext si Derick kay Drake na may tampuhan daw kayo ni Zach." Malungkot na sabi ni Ashley.

Kasama ko sila ni Drake ngayon sa canteen. Malapit na kaming matapos kumain pero mukhang hindi darating si Zach. Malamang ay nagtatampo pa rin siya dahil pakiramdam niya ay kinampihan ko si Arthur.

"Ayos lang ako. Magkakaayos din naman kami ni Zach." Saad ko kahit na medyo nalulungkot din ako dahil wala si Zach.

"Lilipas din 'yan." Saad ni Drake habang naglalaro sa phone niya.

Pinalo siya ni Ashley.

"What the hell Ash?!" Bulyaw niya.

"Anong lilipas? Talk to Zach and tell him na hindi na siya bata para magtampo." Utos ni Ashley.

"Fine. Fine. Just let me finish this ranked game."

Pagkatapos ng klase ay nagpaalam na agad ako sa kanila. Kailangan ko pang dumaan sa office ni Alexander para tanungin kung may ipapagawa siya.

Yes, I'm his assistant.

Sinabi niya sa akin na alam niya raw na hindi kami nagtest sa Literature nung nakaraan. Nakausap niya raw si Ms. Gutierrez. Sa totoo lang, hindi ko alam kung nakausap niya lang ba talaga o sinadya niyang kausapin para kumpirmahin ang pagsisinungaling ko.

Wala na akong nagawa kaya kahit na ayoko ng dagdag na gawain, mapipilitan ako. Wala naman akong ibang choice.

Naabutan ko siya sa office niya na nagbabasa ng libro. Bookworm, eh?

Ilang minuto na akong nakaupo sa sofa pero hindi pa rin siya nagsasalita. Hindi ko alam kung may iuutos ba siya o wala kaya inilabas ko na lang ang assignment ko.

Dito na lang siguro ako gagawa.

Napatigil ako nang marinig ko siyang umubo.

Tiningnan ko siya habang seryoso siyang nagbabasa at nakatitig lang sa libro.

Hindi ko mapigilang humanga. Hindi naman nakapagtataka kung bakit gustong-gusto siya ng mga estudyante lalo na ng mga babae. Kahit anong gawin niya, ang sarap sa mata.

"S-sir." Mahinang usal ko.

Akala ko'y hindi niya ako narinig pero tumigil siya sa pagbabasa ng libro.

Napakagat ako sa ibabang labi ko at nag-iwas ng tingin nang tumitig siya sa akin. Kahit na inililibot ko ang mata ko sa office niya, ramdam ko pa rin ang tumatagos na titig niya, his stare that makes my heart race.

"What is it?" Dinig kong tanong niya.

"Itatanong ko lang sana kung may ipapagawa kayo." Simpleng tugon ko.

To The Guy She Ever Loved (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon