39. FLORENCE

130 6 0
                                    

Nagkatinginan kaming dalawa ni Imari. Alam kong hindi ko maitago ang shock ko sa biglaang pagsulpot niya, kaya hindi ako tumingin sa kanya.

Si Imari ang kumausap sa kanya. "Nasaan si Kuya Timothy?"

"May...may gig..."

"Gig?" Sabi ko na. "Gig sa banda niyo?"

Malungkot ang ibinigay na titig ni Geoff sa'kin. At napansin ko sa mga mata niya na para siyang pagod. "Sa banda nila..."

"Wait, banda nila?  You mean hindi ka na kasali sa Midsummer?" Usisa naman ni Imari at doon na rin ako napa-focus.

Ngumiti si Geoff nang malungkot. "Yes."

Napatakip ng bibig si Imari dun sa shocking revelation ni Geoff. Nanlalaki pa ang mga mata niya habang niyuyugyog ang mga balikat ko. "Oh my God, Florence! Narinig mo yun? Paano na ang Midsummer? Paano na ang future ng banda ng future husband ko? Sino na ang magiging lead vocalist nila kung ganun? Mawawala na naman sila sa spotlight niyan! Hindi yun maaari! Bakit kasi kailangang maapektuhan pati Midsummer---?"

Siguro marami 'pang gustong sabihin si Imari pero napatigil din siya nang ma-realise niya kung ano'ng ginagawa niya. Nagkaroon tuloy ng ilang segundong katahimikan sa pagitan naming tatlo. Parang may sasabihin din sana sa'kin si Geoff na importante dahil napahinga muna siya nang malalim bago magsalita pero hindi niya yun nagawa dahil saktong tumunog ang phone ko. Tumatawag sina Mama at Papa.

Nag-aalala ang mga magulang ko. Kung wala nga lang silang mga trabaho, sila daw sana ang susundo sa'kin. Nagkataon ding wala si Kuya kaya napakiusapan daw nilang tatlo si Geoff na siya na lang ang sumundo sa'min.

Nang ma-process na yung paglabas ko ng ospital ay nagbiyahe na kami. Sakay sa kotse ni Geoff, bumalik muna kami kina Lola Mercy para kunin yung mga naiwang gamit namin. Pagkatapos magpaalam, bumiyahe na kami pabalik ng Manila.

Nung una ang daldal pa ni Imari sa biyahe, na kesyo kinabahan daw talaga siya para sa'kin dahil akala niya daw tinamaan na ako nang malalang sakit. Pero hindi nagtagal nakatulog din siya sa tabi ko. Pareho kasi kaming nasa backseat habang tahimik na nagdra-drive si Geoff sa harapan.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" Narinig kong tanong niya sa'kin. Mahina lang ang pagkakasabi niya nun.

"O-Okay naman..." sagot kong medyo nao-awkward na naman. Ang hirap pala kasing makipag-usap nang ganito sa isang taong minsang naging pinakaimportante sa'yo. Ayaw mong lagyan ng malisya ang kahit ano mang sasabihin niya pero hindi mo naman maiwasan dahil sa past niyo.

"Ano ba ang nangyari at kinumbulsiyon ka?"

"Baka dahil sa pagod. Marami kasi kaming ginawa nina Ivan---"

"I see."

Nilakasan ko ang loob ko para magtanong sa kanya. "Geoff, bakit pala wala ka na sa Midsummer?"

"Nag-quit na 'ko."

"Ha? Bakit?"

"Conflict of interest."

Medyo may idea na ako kung ano yung sinasabi niya. Baka nga may kinalaman pa si Kuya eh. Ayaw na lang sabihin ni Geoff.

"Salamat pala sa pagsundo. Pero sana next time, kung sakali 'mang pakiusapan ka ulit ni Kuya, pwede bang tanggihan mo na lang? Hindi mo na ako obligasyong ihatid o sunduin, Geoff. Alam mo 'yan."

"Bakit, Florence. Para si Ivan na ang susundo sa'yo?" Seryosong tanong niya.

Hindi ako nakasagot. Napatingin na lang ako sa labas ng bintana.

Especially For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon