🍁 Chappy #13 - His POV 🍁

5K 108 0
                                    

❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾

Rated PG
Enjoy reading!! 😘😘

❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾

*Kieffer's POV*

Nandito ako ngayon sa America.
Kung nagtatanong kayo kung bakit, nandito ako para, MAGLIWALIW or MAG-ENJOY!!!

Kung ina-akala nyo na hahanapin ko si Kiesha. NAGKAKAMALI kayo.

Asa naman kayo na hahanapin ko yun. Wla na akong pakialam sa babaeng yun!

Anong akala nya? Hahaluglugin ko ang buong mundo para lang mahanap ko sya?

Napakaswerte naman nya kung ganon!

May nalalaman pa syang alis-alis?! Sus!! Pabayaan nyo na nga yung babaeng yun. Sakit lang yun sa ulo

Baka natauhan na sa nga pinaggagawa ko sa kanya nung' mga nakaraan taon kaya umalis?! HAHAHA..

"Kie, pwdeng ikaw nalang ang sumundo sa anak ko?" Sabi ni Ate Claire habang naka ngiti. Nandito kami ngyon sa Mansion nila kuya.

Si Ate Claire ay asawa ng kuya ko. May 2 anak na silang dalawa,
Ang isa ay nasa Pilipinas nag-aaral dahil nagpumilit na doon nalang daw sya mag-aaral.

Malaki narin yung Batang yun Grade 5 na, kaya nya na sarili nya. Nandun naman ang Lolo't Lola nya.

Ako ang laging kasama nya dahil busy si kuya sa trabaho.

Di naman sa di rin ako nagtratrabaho, may problema lang kasi si kuya sa isang negosyo namin.

Sa amin na kasi ipinamana nila mom at dad ang aming negosyo

Alam nyo ba na sobrang kamukha ko yung mga anak nila? Ako kasi yung pinaglihian.
Haha. Napagkakamalan nga nila na anak ko yung batang yun. Sila ay sina Cris at Clark.

"O sigi Ate.. Tutal ako rin naman ang naghatid sa kanya kanina." Mas matanda kasi sya sa akin ng 5 years pero mas matangkad pa ako sa kanya.

Kinuha ko na yung susi ko at dumeretcho sa kotse.

Hindi naman malayo yung school ni Clark. Habang ipinapark ko yung kotse ay nakita ko na si Clark sa waiting shed. May kasama syang isang lalaki mga kasing edad ko, isang batang lalaki at dalawang batang babae.

Nakakapagtaka, kamukhang-kamukha ko yung batang lalaki! Hindi si Clark huh! Yung isang batang lalaki na kasama ng dalawang batang babae.

At yung dalawang batang babae ay mukhang girl version ko lang.

Nakapagtaka naman. Wala akong ibang kapatid kundi si kuya Charles lang.

Matawag ko na nga yung pamangkin ko. Kung ano-ano na ang iniisip ko eh.

"Clark, halika na!" Sigaw ko. Di na ako lumapit kasi..... Nakakatamad!!

"Tito!!" Tawag naman nya sa akin.

At dahil doon napalingon yung lalaki at yung tatlong bata.
Tumakbo si Clark patungo sa akin at hinila ako papunta doon.

Nakita ko na nagulat yung lalaki na kasama nung mga bata nang makita nya ako.

"Tito mga kaibigan ko po si --" Di pa natapos ni Clark ang sasabihin nya ng biglang hinigit ng lalaki ang tatlong batang kamukha ko.

"A-ahh u-una na ka-kami Clark hi-hinnahanap na si-sila ng mommy n-nila." Saba nung lalaki.

At ayun nawala nalang sila sa paningin namin.

"Ano ngyari kay Tito Karl?.. Tara na nga Tito" sabi nalang nya.

At ayung nga hanggang sa makauwi kami di mawala sa isip ko yung tatlong bata kanina.

Hinala ko Triplets sila.. Mukhang magkakaedad lang eh..

Swerte naman ng tatay nun! Nakatatlo sa isang tira! HAHA..

"O, pano yan. Una na ako huh? Salamat sa lunch." Nang makarating kasi kami kanina dito handa na yung pagkain kaya nakikain na rin ako.

"O sigi. Salamat sa paghatid sa anak ko."

"Wala yun! Kung hindi kita susundin patay ako kay kuya. Hahaha."

" Haha, o sigi na Bye."

"Bye tito!" Sabi naman ni Clark.

"Bye!" At ayun sumakay na ako sa kotse ko. Hay.. Anong oras na ba??

Time check...

12:3O P.M.

Tutal wala naman akong gagawin ngayon dahil nag leave muna ako sa trabaho, pupunta nalang ako sa Park para makapagpahangin.

Ipinarada ko lang ang kotse ko sa gilid, at naghanap na ako ng bench na mauupuan.

At ayun!! *BOOM*!! Nakakita ako ng bakanteng bench pero bago pa ako makalapit, May biglang umupo doon.

At I'm so surprised sa nakita ko! Nakita ko yung tatlong bata kanina sa school at yung lalaki!!

Bakit sila nandito sa park?? Ay! Ano bayan ang bobo ko!! Syempre namasyal sila. Hay!!

Tatalikod na sana ako ng may nakita akong babae na papalapit sa kanila. May hawak hawak siyang 5 ice cream.

At nung makita ko yung mukha.. Nagulantang ako! Si... Si... Si..

"Kiesha.." Nasabi ko nalang bigla.

Na-nandito sya?? Ba-bakit sila na-nandito?? A-anak ba n-nila yung T-triplets?? Ba-bakit kamukhang- kamukha ko yung ta-tatlo?? Kasal n-na ka-kaya sila? Pamilya na n-nya kay yan??

Marami akong gustong itanong. Pero ayokong sirain ang bonding nila.

Sobrang saya nila. Para silang masayang pamilya.. Pero.. Bakit... Parang tinutusok ng karayom ang puso ko ng makita ko syang may kasamang ibang lalaki??

Hindi ko alam kung pano ako nakarating sa condo ko dito. Pero ang tanging alam ko lang ay.. Naguguluhan ako sa damdamin ko.

Hay... Tama na nga...

❇⭐❇⭐❇⭐❇⭐❇⭐❇⭐❇⭐❇⭐❇⭐❇⭐

If you enjoy reading my story, please don't forget to vote..😊Thanks!! 😘

❇⭐❇⭐❇⭐❇⭐❇⭐❇⭐❇⭐❇⭐❇⭐❇⭐

B E B E H K U H H 0 3

"My Babies Father"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon