Sophia's POV:
Nagising ako sa tunog ng alarm clock na nasa gilid ng kama ko. Tumayo ako sa kama at dumeretso na sa banyo para maligo.
8:30 ang pasok ko at buti na lang hindi nag loko yung alarm clock ko dati kasi hindi ito nag aalaram muntikan na nga akong malate, 6:30 ako nag alarm dahil mabagal kasi akong maligo at mag ayos sa sarili kaya kailangan maaga talaga ako.
After 1 hour sa pagligo lumabas na ako at tiningnan ang cellphone ko kung nag text na ba si mama. Ilang linggo na rin kasi siyang hindi nag tetext at tumatawag na nakasanayan ko ng araw-araw niyang ginagawa iyon.
Pero imbis text o missed call ni mama ang makita ko eh yung bwisit na adik sa kanto kagabi yung nag text.
Na aalala niyo yung kagabi? Yung nag text sa akin na may pa princess at prince pang na lalaman. Kung hindi niyo pa alam edi basahin niyo yung last chapter, nakakatamad kayang mag flashback noh!
Nakakaasar pampabad mood ang adik na to! Pero gusto niyo malaman kung ano tinext ito oh...
___
Adik sa kanto
*send a text message at 7:04 am*Good morning princess. I hope you dream of me, kidding hahaha. Don't forget to eat your breakfast because when we see each other i want to see you chubby than skinny, take care my princess.
-Your prince
___
See!? Sosyaling adik to mga dre! Hindi lang sa kanto ito dahil iba na English nito. Nak ng! Muntikan na akong manose bleed.
Psh! Mukhang malelate ako niyan bwisit kasi tong sosyaling adik na ito! Naku makapag bihis na nga ng makakain at maka pasok na ako.
Pagkatapos kong magbihis bumaba na ako para kumain kaso tinamad na akong magluto dahil na bad mood ako dahil sa sosyaling adik na iyon.
Kaya nag palaman na lang ako ng peanut butter at tinapay at lumabas na ng apartment para makapasok habang kinakain ang tinapay, tsaka pwede na itong almusal dahil ayokong malate baka kasi mawalan pa ako ng scholarship sayang rin iyon.
Pag dating ko sa Newston Academy nakita ko agad si bakla na kumakaway sa akin kaya nginitian ko siya ng tipid na may kasamang kaway rin sa kanya.
"Oh? Anyare sayo teh? Ang tipid mong ngumiti may pinag iipunan ka ba? Charot lang! Hahaha! Mukha kang nilukot na papel eh anyare ba teh?" tanong ni Jeremy sa akin.
"Hay nako bakla hindi ka maniniwala sa sasabihin ko sayo. Mayroon kasing adik na nag tetext sa akin eh kaya nakakabad mood tingnan mo ba naman ang mga tinetext sa akin! Ok lang sana kung kakilala ko o kaya eh may itsura kaso eh text lang kaya di ko kilala."
Sabi ko kay Jeremy sabay abot ng cellphone sa kanya."O to the M to the G! Ikaw babaita ka! May jowa ka na! Hindi mo man lang sinabi agad! Sigurado akong fafa ito! Mag text pa lang halatang gwapo at mayaman!" sabi niya habang niyuyogyog ako. Tsk baliw talaga! Kinampihan pa ang sosyaling adik na Iyon!
BINABASA MO ANG
What a Mistress [ON-GOING]
Romance'Maraming na mamatay sa maling akala' It started because of thinking too much. Assuming too much...... that ruined my life. Even though from the start i know that he will not gonna love me back just the way i love him. Because of his mistake i li...