Prologue

5 0 0
                                    


Linggo na nang hapon at dumarami na nman ang mga tao sa plaza. Matapos nilang magsimba, ay nakasanayan na nilang magpunta dito upang mag relax. Ang lugar na ito ay sikat sa mga nakararami dahil sa kalinisan nang paligid at magandang pagtubo nang bermuda na pwede mong higaan o upoan. Isa sa pinaka nagpapasikat talaga sa plazang ito ay ang dalawang naglalakihang puno nang Balite sa gitna nito. Nakakamangha ang laki nang mga punong ito dahil halos ma cover na nang mga sanga at dahon nito ang buong plaza. So sa kahit anong oras buong araw ay di mo ma fi-feel ang init dahil sinasangga nang punong ito ang sinag nang araw. Sa unang tingin ay ordinaryong puno lang ito nang baliti na sobra ang laki pero kung titignang mabuti ay mamangha ka. Sa malapitan kasi parang mahahambing mo ang naglalakihang sanga nang dalawang puno sa dalawang taong nagyayakapan. Kaya binansagan itong "Lover's Tree" at ito ang paboritong lugar nang mga magkasintahan at pamilya na malayang nag uusap at nagkakasiyahan sa kanikanilang paraan. Relaxing, mahangin at higit sa lahat peaceful yan lang ang mga katangian na masasabi ko sa lugar na ito. "One of a kind" ika nga nila. Pero sa kabila nang kagandahang taglay na dala nito ay di mo akaling may mapait pala itong nakaraan. Nakaraan na hindi na kwento sa pagdating nang mga panahon. Dahil sa tagal nang panahon at pataas nang antas nang pamumuhay ay wala nang naglaan nang panahon na tuklasin ang simula. Siguro masasabi kung lahat nang storya ay may simula at alam kung meron ding katapusan. Pero meron ding ayaw pa wakasan at pilit nilalabanan ang panahon para lang mapatunayan na ang tunay na pag-ibig ay may malasakit, pag unawa, sakripisyo at higit sa lahat pagmamahal na kahit ilang taon pa ang lumipas ay di parin nagbabago ang nararamdaman sa puso nang bawat isa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 14, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Beyond HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon