"Ahh." Walang buhay kong tugon habang lumilinga linga sa paligid.
Binaliktad ko ang mapa. At binaliktad. Ng binaliktad and another flip- pero walang nangyari.
"Naliligaw na naman ako." Bulong ko sa sarili kong sanay na sanay na sa ganitong senaryo.
"Dapat pala talaga tinanggap ko ng ang alok ni Krish." Inimagine ko ang magiging kalagayan ko sa kamay ng napakadaldal na kaibigan.
I shook my head to shake off the disaster thoughts. Mas mabuti na ito! Kesa naman maubos energy ko sa kakasagot ko sa mga walang kwentang tanong niya.
Nagsimula muli akong maglakad sa napakalawak na lugar na ito. Good thing dahil maraming puno kaya nalilibang ako kahit papano. Kung hindi matagal na kong lumayas dito.
Kasalukuyan akong nasa EASA. Tama. Isa sa mga cliche na prestigious na paaralan na pinapatakbo ng mga mayayamang walang alam sa buhay.
Bakit ako nandito? Dahil... kay Krishna.
Oo. Dahil sa bwisit kong kaibigan!Flashback:
"Tam san ka mag- aaral?" Kasabay sa pagtanong ay ang pagtalon ni Krisha sa higaang pinakamamahal ko.
"Sa school." Maikling tugon ko para naman matahimik na ang babaeng to. Ang ingay ingay!
"Alam mo nung nagsabog ng patience sa mundo. TULOG NA TULOG KA!" Nagtakip ako ng unan nang bigla na lang siya sumigaw.
"Yeah yeah. Anong bang kailangan mo? Siguradong may hidden agenda ka na naman dahil hindi mo guguluhin ang maayos na pamumuhay ko ngayong umaga kung wala." Dirediretsong kong bulong pero sapat lang ang lakas para makarating sa kanya.
Bigla na lamang hinila ni Krish ang comforter ko sabay hagis. Tumayo siya ng maayos sa kama ko habang nakapamewang.
Wala na kong nagawa kundi tanggalin ang unan sa pagkakatakip at makipagtitigan sa mukhang higante niyang pigura. (Dahil nga nakatayo ang loka)
"Kung wala pa, which I'm 100% sure na wala pa nga talaga dahil tamad ka. Mag-enroll tayo sa EASA!" Kuminang ang mga mata niya matapos akong ayain sa nasabing school.
Tingnan mo to. Nagawa pang manglait. "Ha? ESA?" Napakamot na lang ako ng ulo dahil sa kawalang ideya kung ano ang tinutukoy ng kaibigan ko.
"Yes! Sa Euphonium of Arts and Science Academy! I'm sure we'll fit in just right!"
Lalo pang tuminis ang boses niya kaya wala akong nagawa kundi umupo at magpretend na makikinig pa sa mga susunod niyang sasabihin para kumalma at bumaba ang volume ng speaker- I mean boses nya.
"Tell me about it." Tugon ko sabay hikab upang matapos na ang kaguluhang ito at makatulog na ulit ako.
Nag-indian sit siya sa harap ko bago huminga ang speaker- este si Krish ng malalim bago magpatuloy. Kailangan ko ng maghanda dahil paniguradong mahaba habang paliwanagan ito.
"Let me introduce Euphonium of Arts and Science Academy also known as EASA Ang EASA ay nakafocus lamang sa larangan ng musika, sining at siyensiya. This three categories are the foundation of the academy. If sa musically inclined ka, pwede kang mamili kung sa section ba ng instruments, composing, or singing ka sasali. Same goes for arts na para sa mga creative na tao at science para sa mga curious and inquisitive students. Of course may normal institutes and courses paren. Pero mas pinagtutuunan ng pansin akong tatlong larangan.
EASC or Euphonium of Arts and Science Corporation is the behind this Academy. Sila ang nag mamanage ng alumnis at sila rin ang nagpapadala ng mga estudyante sa respective fields nila. It's the biggest company in the Philippines and 3rd highest gross income worldwide!"
YOU ARE READING
Caught in between
Teen FictionCan't get these thoughts out of my head so might as well share it. I loooove criticism so do the honour of leaving some.