CHAPTER 13

117 34 40
                                    

"Lindon?" I called as I saw him inside my office. Napangiti ako nang makitang naka-black polo and grey apron na siya. He looks good, really.

Binaba niya ang tasang bitbit sa mesa ko, "Dry Cappuccino for my boss," aniya at matipid na ngumiti sa 'kin.

To be honest, It felt flattering knowing he has been really a rugged person. Tapos ngayon ay parang unti-unti na siyang nagbabago. Alam ko namang hindi siya ganito tao to begin with.

Ngumiti ako rito at nilapit ang dry cappuccino niya sa akin. Actually, hindi ko alam kung may ganito ba talaga kami o sariling sikap niya lang.

"It looks unfamiliar, huh?" tumango-tangong sabi ko.

"Cappuccino topped with dry milk foam, humanga si Gilbert nang ginawa ko ‘yan kaya naisip kong ipatikim sa 'yo, Queenie." pormal niyang ani.

I took a sip on it, kagaya lang siya ng lasa ng ibang cappuccino at walang bago. The only difference is the looks and milky taste on it. Medyo dagdag appeal sa paningin.

"So good," I commented.

"Salamat."

"Pero dapat pinadala mo na lang kay Cassidy."

The truth is employees are not allowed to enter here inside my office without my permission first. Pero dahil tinuturing ko ng kapatid itong si Lindon... I guess wala namang masama kung maiiba siya.

"Busy kasi, may kinakausap na customer."

Tumango na lang ako. Well, that's Cassidy.

Pagkaraan ng ilang oras ay nakaramdam na 'ko ng pagod. I closed my computer and rest on my chair, may event pa this coming saturday, I gotta fix all the files and get ready for it. Ito ang unang pagkakataon na may magsi-set ng event dito and I'm glad to have that.

I heard my phone ring, It's mom calling.

"Yes, mom?"

"Darling, another letter came."

Napaayos ako ng upo, she sounds scared, "Another one?" pag-uulit ko.

Bigla ay narinig kong umiyak siya. Medyo nataranta ako. Alam ko kasi na napaka personal at seryoso ng sitwasyon.

"Mom..."

"Queenie, I'm so scared... no’ng nakaraan pa 'to at wala tayong ideya kung kanino 'to nanggagaling."

"Anong nakalagay sa sulat?"

Pero imbes na sagutin ay humagulgol lang si mommy. Napalunok at sinubukang humugot ng malalim na hininga. Hindi na talaga ako natutuwa sa pakulo ng nagpapadala na iyon.

"Mommy, calm down. I want to know what’s inside the letter," I'm trying to keep my cool, pero sa totoo lang ay kinakabahan ako.

"Just come here, darling."

"Wait for me then," mabilis kong sagot saka ibinaba ang phone ko na siya namang saktong pagpasok ni Cassidy sa office.

"Anong mayro’n ngayon? Ang dami nating customer. Mukhanng swerte si Lindon, huh?" natutuwa niyang bulalas pero hindi ko ito nagawang sagutin. Inayos ko ang sariling bag at tumayo.

"W—Wait! Uuwi ka na?" pigil niya.

Umiling ako, "I'm going to mom's house. Text mo na lang ako," bumeso ako sa kan'ya at naramdaman kong hinawakan niya ako sa kamay.

"Nagmamadali ka?" Takang tanong niya.

"Yes, Cassidy."

Hindi ko na siya hinintay pang magsalita muli at lumabas na ng office. As she said, marami ngang tao. Pero bago pa man ako makalabas ng tuluyan ay may naka-agaw na ng pansin ko. Kahit nagmamadali ako ay pinili ko itong lapitan at tanongin.

CRIMINAL [Under Major Editing]Where stories live. Discover now