JIA's POV
"Please!Sige na!Ikaw lang ang alam kong pwedeng makatulong sakin!" Nagmamakaawang sabi nitong lalakeng nasa harap ko.
"Sorry pero matagal na akong tumigil sa ganynag gawain. Mabuti pa maghanap ka na lang ng ibang tao na tutulong sayo. Maggoogle ka or facebook sigurado ako marami kang mahahanap na ganun."
"Pero sabi ng ibang tao ikaw daw ang pinakamagaling sa ganito. Babayaran kita kahit anong presyo basta hayaan mo akong kausapin yung fiance ko."
"Sorry pero di talaga kita matutulungan." Saka ako tumayo at nagsimula ng lumakad palayo. Naawa ako sa lalake. Gustong gusto nyang kausapin yung fiance nya. Gusto ko talaga syang tulungan..haay..
"Psst" pang-aagaw pansin nitong katabi ko habang naglalakad ako. Hindi na ako tumingin kung san sya banda.
"Masaya ka na? Hindi na ako pumayag."
"Salamat." Yun ang sagot nya sakin pagkasabi ko nun.
"Alam mo, hindi kita nagegets. Bat ayaw mong kausapin yung fiance mo?eh mukhang mahal na mahal ka nya." Tanong ko sa kanya.
"Alam mo Jia. May mga bagay talaga na ayaw ko na lang balikan. At may mga tao talagang ayaw mo ng maging parte ng buhay mo. Ganun lang yun." Kalmadong sagot nya sakin.
"Parte ng buhay mo?Eh patay ka na nga."Masungit na sagot ko sa kanya. Oo, hindi kayo nagkakamali. Etong katabi ko ngayon ay isang kaluluwa at ako? Isa akong tao na may kakayahang kausapin at makita ang isang kaluluwa. Sya si Bea. Ewan ko kung anong full name nya. Basta ang sabi nya sakin Bea ang pangalan nya. Nakilala ko sya sa isang coffeeshop na lagi kong pinupuntahan.
Throwback
Nakatutok ang mata ko sa laptop ko dahil sa kailangan ko talagang tapusin etong pinagagawa sakin ni boss. Ewan ko, pero isang isa na lang mapipilitan na akong magresign sa kumpanyang yun.Aba halos ipagawa sakin pati na din yung mga gawain na dapat sya ang gumagawa eh nakukuha pa nyang iutos sakin.eish.Humigop ako ng kape para mabawasan man lang ang stress ko sa katawan. Ang sarap talaga ng kape nila dito sa coffeeshop na ito kaya lagi kong binabalikbalikan. Muling humigop ako para namnamin ang pinaghalong tamis at pait ng inuming ito pero kinabahan ako kasi imbes na init ang mamutawi sa kalamnan, mas namutawi pa ata yung lamig na naramdaman ko sa paligid. Pagkalapag ko ng inumin ko sa lamesa ay nagulat na lang ako sa babeng nakatingin sakin. Nakaupo sya sa kabilang table pero yung tingin nya nakatutok sakin.
"Shit" yun lang ang nasabi ko. Gusto ko ipagpawalang bahala ang nakita ko kaya inilibot ko ang paningin ko sa paligid at pagkatapos nun muli akong tumingin sa banda nya at hindi ako nagkakamali nandun pa din sya.
Maya-maya'y may dalawang babae na papalapit sa lamesa kung san sya nakaupo at laking gulat ko na umupo yung isang babae sa mismong kinauupuan nung babae na nakita ko kanina na ngayon ay biglang naglaho na.
Sa takot ko. Bigla kong isinara yung laptop ko at nagsimula na akong iligpit ang gamit ko para makaalis na agad dito sa coffeeshop na to. Agad akong tumayo palabas, ni hindi na nga ako nag-abalang ubusin yung kapeng iniinom ko at hindi na din ako nag-abalang lingunin yung guard na dati ay kinakausap ko pa bago ako umalis.
Naglakad ako ng mabilis yung tipong para akong nasa isang patimpalak ng walkathon.
"Pssst"
Hindi ko alam kung para sakin yung pagtawag na yun kaya hindi ko pinansin at nagpatuloy pa din ako sa paglalakad.Maya-maya ay nagulat na lang ako ng biglang may humawak sa wrist ko na tila parang yelo ang kamay dahil sa lamig. Hindi lang yung hinawakan nyang parte ang lumamig kundi ang buong katawan at paligid ko. Nilingon ko yung taong humawak ng kamay ko at nagulat na lang ako nang makita na sya yung babaeng nakita ko sa coffeeshop na bigla na lang naglaho kanina. wala akong nagawa kundi ang magtatakbo.
Tumakbo ako sa pinakamabilis na paraan ng aking makakaya. Tumakbo ako patungo sa pinakamalayong lugar. Hanggang sa napadpad ako sa isang hagdan dito sa isang park. Dahil sa sobrang pagod ko napaupo na lang ako bigla sa hagdan upang ipahinga yung bindi ko nakanina pa sumasakit dahil sa kakatakbo ko. Pilit kong hinahabol ang aking hininga dahil sa sobrang hingal ko.
"Wala ka bang dalang tubig?" Tanong ng boses sa gilid ko.
"Shit" yun lang ang lumabas sa bibig ko.
"Naririnig mo nga ako" bakas ang tuwa sa boses nya nung sinabi nya yun kaya nilingon ko sya.
"Bat mo ba ako sinusundan?" Tanong ko sa kanya.
"Ang galing!Nakikita mo din ako"tuwang tuwa nyang sabi. Di nya na inabalang sagutin yung tanong ko.
"Pwede ba!sagutin mo nga yung tanong ko.Bat mo ba ako sinusundan?" Naiinis na tanong ko. Medyo nawala na yung takot ko paano ininda ko na lang yung pagod na natamo ko dahil sa kanya.
"Wala,nagulat kasi ako. Dalawang araw na akong pagala-gala dito sa mundong ibabaw hanggang sa napadpad ako sa coffeeshop ngayong araw. Tapos napansin kita,tas ang mas nakakagulat napansin mo ako!" Tuwang tuwa nyang sabi. This time tumingin na ako sa kanya. Nakatayo sya ngayon sa gilid ko. NakaT-shirt sya ng white at fitted jeans. Weird nitong multong to patay na nga maporma pa din. Matangkad sya kasi halos tingalain ko pa sya mula sa pagkakaupo ko,maputi or baka sya pumuti kasi patay na sya. Pero walang bakas ng disgrasya sa mukha nya, maganda pa din. What I mean is,maganda yung itsura nya kumpara sa ibang multo na nakita ko na dati.Ganun ang ibig kong sabihin. Hmmm napaisip tuloy ako kung anong kinamatay nito.
"Wag kang mag-alala kasi maski ako nagulat din ng mapansin kita. Buong akala ko nawala na sakin tong ganitong kakayahan. After 4 years ngayon lang ulit nagbalik"
"Wow!So nakakakita ka talaga ng mga kagaya ko?" Pasigaw nyang tanong.Parang bata mag-isip. Ilang taon na kaya to at saka bat kaya pagala gala pa sya dito sa lupa.
"Bat ka pa nandito sa lupa? Bat ka pa pagala-gala dito?" Takang tanong ko. Kasi maalala ko nung dati may nakausap din akong gaya nya. Sabi nya di matahimik yung kaluluwa nya kasi pilit nyang hinahanap yung hustisya para sa pagkamatay nya.
"Pagala-gala?hmm siguro pinarusahan ako ni God. Kasi dati nung buhay pa ako. Sobrang gala talaga ako hindi ako napirmi sa bahay.Kaya eto ngayong patay na ako pinagala pa din ako ni lord.haha" At nakuha pa talaga nyang mag-joke. Wala akong nagawa kundi ang irapan sya. May mga ganito pa palang kaluluwa. Sakit sa ulo.
"Sya nga pala,kanina pa tayo nag-uusap pero di pa din natin alam pangalan ng isat-isa. Ako nga pala si Bea. And you??" Tanong nya sakin kasabay nito ang paglahad nya ng kamay.
"Jia" maikli kong sabi. Hahawakan ko sana sya para makipag kamay kaso lumolusot na parang dumampi lang sa usok yung kamay ko. Kaya grabe ang pagtataka ko kasi nung tumatakbo ako kanina naramdaman ko yung paghawak nya sa wrist ko.
"Opps.haha nakalimutan mo atang Ghost ako." Natatawa nyang sabi. Mahilig syang tumawa. Siguro ganitong ganito sya nung buhay pa sya. Sinuri ko yung mukha nya habang tumatawa sya. Yung mata nya sumisingkit sa kakatawa, yung ngipin nya maayos at malinis halatang alagang alaga. At napansin ko din ang dimple sa gilid ng labi nya kahit papaano bumagay naman to sa itsura nya.
"Hmm.sorry pero, kailangan ko ng umuwi eh. I need to finish a lot of things pa. Kailangang kailangan to bukas para sa presentation ko sa work.So..hmm.mauuna na ako?" Nag-aalangan na pagpapaalam ko sa kanya.
"Opps. Sorry naabala pa ata kita. Oh well.siguro see you around?Goodluck para bukas!" Saka sya kumindat sakin at tumalikod saka nagsimulang naglakad. Ganun na din ang aking ginawa. Opposite way kami. Ako papuntang bahay. Sya ewan ko kung san sya pupunta.
Hindi ko mapigilang natawa habang naglalakad. Paano ba naman kasi naalala ko yubg sinabi ni bea na "See you around". Parang feeling nya ata buhay pa sya na parang nakipagkaibigan lang sa isang ordinaryong taong kakikilala nya lang. Mas natawa pa ako ng maisip na paano kung ordinaryong tao lang ako. Tas makakakita ako ng multo sa kung saang saang lugar. Ang mas malala pa nun iisang multo lang ang nakikita ko ang creepy nun no?haha
Ng makarating ako sa condo. Agad kong ibinaba yung mga gamit na kanina ko pa hawak. Napahiga agad ako sa kama ko dahil sa sobrang sakit ng binti ko hanggang ngayon. Halo halong emosyon ang naramdaman ko ngayon. Stress sa trabaho,takot at pagkawalay. Oo pagkawalay, naalala ko nanaman sya. Eto nanaman ako.haay.
Wala akong nagawa kundi ang tumingin sa binta malapit sa Bed ko at napabuntong hininga na lang sabay sabing.."I miss you"
YOU ARE READING
GHOST without you
FanfictionJiBea story inspired by "Lost without you-from Isabel Beatriz De leon to Julia Melissa Morado" BDL 2017