Nang makita ko na muli ang daan papasuk sa school,parang maiiyak ako sa saya. *Huhuhu Di ko napigilan nagawa ko na eh. "Huy! Tigilan mo nga yan,baka sabihin nila may ginawa ako sayo. I can't be bothered madetention" Bigla ko siyang niyakap ng mahigpit. Never ko itong nagawa sa buong buhay ko pero sa sobrang greatful ko siguro nagawa ko ito. Nakakahiya~ . Agad na akong tumigil sa pagkayakap ko sa kanya it only took ten seconds. Syempre kailangang alam ko kung gaano ko katagal siya niyakap noh, malay magtanong.
"Oh, ayan! Quits na tayo" Tiningnan lang niya ako with confusion. "Anong Quits ang pinagsasasabi mo?" Sus! Hindi sa lahat ng oras kailangan kong mag-explain noh! "Basta alam mo na yun." Sabay agad naman akong umalis...
Alam kong hindi ako malelate, I just need to believe.
-Classroom-
Pagpasok ko ng classroom.Hay salamat, akala ko malelate ako.Agad na akong umupo sa desk ko at syempre mawawala ba ang pag-sastudy ko, Eh ano pa ba ang gagawin ko? Wala naman akong kausap.
Kinapa-kapa ko ang ilalim ng desk ko, kung saan dito ko nilalagay ang next subject notebook ko. Then I realized ...*deeply sighs
* looked up
I closed my eyes with discomfort, gawin na nila ang lahat wag lang pakialaman ang notebook ko!. Then may nararamdaman ako na may unti-unting lumalapit sa akin. Sila nanaman yan. Hindi ko na talaga kayang tiisin ito! Araw-araw nalang halos buong highschool years na nila akong ginaganito. Ano ba kasi?! Bakit ako?! Bakit?!
May humawak sa balikat ko "Ok ka--" agad akong tumayo at inalis ang pagkakahawak sa balikat ko. Ikinabigla kong nalaman na si Tyong pala iyong naghawak sa akin. Agad na lumipat paningin ko dun sa magbabarkadang kalabaw na sige nguya ng chewing gum. Iyon siguro ang ginamit nilang pandikit sa ceiling para dumikit ang notebook ko. Mga Kalabaw sila.
"Anyare sa kanya?"
"Nababaliw na ba siya?"
"Kapal ng mukha niya!"Patuloy kong naririnig ang mga sinasabi nilang iyon. Hindi rin ako makapaniwala sa ginawa ko. Napansin kong palihim nila akong tinatawanan. Kung tinatanong niyo kung sinong NILA. Sino pa ba? Edi yung mga kalabaw na gumawa sa akin nito. Palagi nalang talaga akong napapahiya.
"Class pres." Tinawag ako ni tyong. Napasuong nalamang ako sa kahihiyan at siya naman. Well, he did the opposite. At ayun nakita niya yung notebook ko na nasa ceiling. Agad niya itong kinuha at may napansing gum na nakadikit rito.
"Sino ang may gawa nito?" Kalmado niyang tanong. Ngunit walang sumagot "SINO?!" Isinigaw na lamang niya upang matakot at umamin ang may gumawa. Agad namang itinuro ng lahat ng Kaklase namin ang apat na kalabaw. "Kayo?"He smirked.
"Bakit?! May problema ka sa amin? Bro!" Saad ni Brian sa kanya. Tinanggal naman ni tyong ang gum sa notebook ko.
"Aba! Fresh pa oh." *Sniffs "At strawberry flavour pa hah." Tiningnan lamang siya ng apat na kalabaw kung ano ang susunod niyang gagawin. Sa papapagitan ng kanyang mga daliri iniroll niya ang gum upang mag hugis bilog ito at mabilis niyang itinapon patungo sa Apat na kalabaw, mukhang ang target niya ay si Brian kaso duling siya kaya ang natamaan si Josh, na ang pinakatahimik at ang pinakamainitin ang ulo.
"Ay? Sorry, masyadong madulas kamay ko" pasarkastikong sabi ni tyong. Lumapit naman sa kanya si Josh at hinawakan siya sa kwelyo nito. "That doesn't look-like to me..,bro" Oh, nakalimutan ko bang imention na englisherong kalabaw si Josh? Hmm.. maybe not. He then clenched his fist and was about to punch Tyong. But suddenly...
"Shon , Josh...." Dumating ang principal
"and Clair in my office, NOW!" Eh? Pati ako?
-Principal's office-
Sabay kaming umupo sa harapan ni Ma'am Veil ang School counselor Slash Principal namin. Hindi na siguro na kayanan ng school na maghire pa ng staff kaya itinambak nalang kay Ma'am ang trabaho. Nang maka-upo na kami , umupo ako sa pagitan nila kasi feeling ko masusunog ang buong school kapag tatabi pa sila. Silence is among us habang binabasa ni Ma'am ang school record namin. Pero kinakatakahan ko lang, bakit kasama ako?
"Miss Swarthy, Can you explain why? You are still crying?" Tanong ni Maam habang nakataas ang isang kilay. At ano? Umiiyak? Ako? Hinawakan ko ang pisngi ko, Ay grabe! Anyare? Umiiyak ako ng di ko namamalayan? Pwede ba yun? Pinunaspunas ko ang pagmumikha kong haggard. Luha ba toh o pawis?! Yung totoo?! Napansin kong sabay pa silang dalawa na inabutan ako ng panyo. Yung totoo? Anyare sa inyo? Since kelan pa tayo naging close at ganito na ang asal nila sa akin? Especially Josh, Eh? Anyare kuya? Hilo ka noh?
Tiningnan ko lang ang panyo nila at agad na bumalik ang paningin kay Maam Veil na obviously naiirita sa... Akin? Bakit?! Wala naman akong ginagawa ah! "Mr. Shon Anderson and Mr. Josh White, what is the meaning of the commotion which occured recently at you classroom?" Sabay silang napatingin sa opposite side kung saan wala ako. "Well, how about you Ms. Clair Swarthy? Can you explain what happened? Hmm?" Napatingin ako sa left at right at tinuro ang sarili "Ako po?" Painosente effect pa ang bruha, halata namang ninenerbyos.
"Ay Hindi, Ako. Actually alam ko talaga eh, tinatanung lang kita, malay di mo alam diba?!" Pamimilosipong sagot ni Maam. Grabe naman siya mareact. "Ito naman si ma'am di mabiro." Pabiro kong sabi. Kaso umiba ang expression ni maam.
*Gasps
Lagot~
Vote and Comment❣
BINABASA MO ANG
Black Beauty
Teen Fiction❇A GIRL WITH AN UNDESIRED COMPLEXION MAKES A DIFFERENCE❇ Cant keep up with those so-called "Beauty Standards" Nothing in this world can change who you really are. Just be yourself. You are born that way. Be proud of it.