Sleepyhead

34 7 1
                                    

Aileen's P.O.V.

Ms. Gray! Are you listening to me?❞ Halos mapatalon ako sa upuan dahil sa gulat ng may humampas na stick sa table ko.

S-sorry Miss, I didn't mean to---❞ di ko pa natatapos ang sasabihin ko nang nagbell na.

Tsk. You should thanks the guard after this. He saved you.❞ nakahinga ako ng maluwag nang umalis na sa harapan ko si Miss.

Jusko, bakit pa ba kasi ako natulala? Natulala sa kagwapuhan niya? Kahit natutulog siya ang gwapo pa rin niya. Pero bakit ganun? Siya natutulog, hindi sinita, ako, natulala lang, halos sipain na ako palabas ng room kung hindi lang nagbell. Really? Hayst.

Bakit ba kasi scholar lang ako? Kung mayaman din sana ako katulad nila, hindi ako aapihin. Lahat ng professor dito, may kaya, di katulad ko, na mahirap na nga, lampa pa. Talino lang ata maipagmamalaki ko.

Huy bakla! Bakit ka ba tulaley diyan!❞ sabi ng bestfriend ko sabay hampas sakin.

Kada salita ata nito may kasamang hampas e. Kung hindi hampas, kurot. Sadista e, anong magagawa ko?

Nakatingin ka na naman pala sakaniya, kailan ka ba magmomove-on?❞ Sabi niya sabay buntong hininga. Himala, hindi nang hampas ang bruha.

Pero napatigil ako sa sinabi niya, kailan nga ba ako makakamove-on? Kailan nga ba? Kailangan ko pa bang maghintay ng taon para makamove-on? Kung sana isang move ko lang makakamove-on na ako, edi malupet na nga, masaya pa.

Pero hindi e. Mahirap magmove-on lalo na kung mahal mo pa rin yung tao at hindi mo matanggap ang break-up niyo.

Sino ang tinutukoy ko? Walang iba kundi ang tinititigan ko kanina. Ang Mr. Sleepyhead ng university na to, si Zayden Kim, ang ex boyfriend ko. Yes, you read it right, ex boyfriend ko. Ex boyfriend ko na dahilan kung bakit nag-aaral ako dito.

Gusto kong makabawi sa kasalanang ginawa ko sakaniya. Sinaktan ko siya, kaya ko 'to ginagawa. Mahal ko siya, kaya ako naghihintay. At alam ko, ramdam ko na kahit papaano ay may pag-asa pang magkabalikan kami.

Nakita kong naalimpungatan siya at napatingin siya sa gawi ko. Napangiti ako, pagbukas pa lang ng mata nkya, ako na hinahanap. Pero yung ngiti kong yun napalitan ka agad ng lungkot. Tumitig lang siya sakin ng malamig at nag 'tss' bago ulit pumikit.

Hayst. Ipasa ko na ba sayo ang korona ng pagiging reyna ni Vanessa sa pagiging martyr?❞ sabi niya sabay kurot sa akin.

Napaigtad naman ako dahil sa sakit ng kurot niya. Pinong pino, halos maiyak na ako dahil sa sakit.

Ano bang pinagsasabi mo diyan? Umayos ka nga! Saka pano ako naging martyr---

Hep! Hep!

Hooray?❞ pagsagot ko sakaniya dahilan para hampasin niya naman ako. Urgh! Ang sakit.

Tsk. Ang ibig kong sabihin, hindi ka martyr katulad ni Vanessa dahil iba sayo, iba ka. Pero you will never be celine, and will never be!❞ Hindi ko talaga alam kung paano kami naging mag bestfriend. Inirapan ko na lang siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 07, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SleepyheadWhere stories live. Discover now