Chapy 54: Unusual Couple

33 2 0
                                    

(((Ken's POV)))

Nakatayo kami nila Charms at Sam sa hagdan at sabay sabay nag slow clap  pag pasok na pagpasok pa lang nung dalawa.

Nagising kasi si Sam kanina nung lumabas si Kei, kaya ginising nya kami at pinanuod namin ang sweet moment under the rain nang dalawa. Oo na sige na, bagay na sila, team Skyra na rin ako!

"Kanina pa kayo nandyan?" tanong ni Kei, nagkatinginan kaming tatlo at sabay na umiling.

"Sinungaling" sabi naman ni Sky.

"Hey, we're not, kabababa lang kaya namin" sabi naman ni Charms na tinanguan namin ni Sam.

"Talaga lang, ah" sabi naman ni Kei.

"Oo kaya, nasa taas kami kanina" sabi ko naman.

"Hey, guys, we're telling the truth, kaya kayong dalawa, maniwala na lang at magsiligo at magpalit na kayo, masyado kayong nag-enjoy sa ulan" sabi naman ni Sam, sabay tawa ng nakakaloko, sira ulo talaga to.

Umakyat na si Kei sa room nya, ako naman kumuha ng pwedeng ipamalit ni Sky, since may jersey si Sam na hiningi ko, yun na ang pinagamit ko sa kanya.

"Here, bukas ka na namin i-interviewhin, antok na antok na kami, eh" sabi ko saka na namin  iniwan ni Charms si Sam at Sky sa baba, tutal sa guest room na sila matutulog na dalawa.

***

Hindi sila gaya ng usual couple na clingy, touchy at super sweet sa isa't isa. In fact habang pinapanuod ko sila para silang magkapatid na nagbabangayan.

"Alam mo mas mapaadali tayo kung tumutulong ka!" reklamo ni Kei kay Sky na nakasandal sa may sink at pinapanuod syang magluto.

"Tumulong ako, ako na nga nagslice ng mga ingredients at ako na rin naghugas ng mga ginamit mo, ano pa ba gagawin ko? nakakapagod kaya maghugas" reklamo naman nung isa.

"Ihanda mo na yung mesa, malapit na to matapos!" sagot naman nung isa.

"Eh, hindi ako marunong" reklamo ulit nung isa,

"Maghahanda lang ng mesa hindi ka marunong, jusme, mag-aral!" sermon naman nung isa.

"Tingin mo makakakain tayo ng masarap?" biglang sulpot ni Aris sa likod ko. Dumating sya kaninang umaga nang may dalang damit para kina Sky at Sam.

"Asa" sagot ko na lang,

"Bakit, hindi ba marunong magluto si Kei?" tanong naman ni Sam na bigla na lang rin sumulpot.

"Marunong, pero prito prito lang, tapos once in a blue moon lang ang tamang pagkakaprito, pag kasi hindi sunog, hilaw ang loob" sagot naman ni Charms na nasa tabi ko na rin.

Nandito kami sa labas ng glass door ng kitchen habang pinapanuod yung dalawang magbangayan, este magluto pala.

"Hindi pa ba sila tapos? kanina pa sila nagbabangayan dyan" reklamo na naman ni Aris.

"Sinabi mo pa, naghihiwa pa lang sila ng mga gagamitin nagtatalo na sila, eh" sabi nama ni Charms.

"Uy, kayong magjowa, pakakainin nyo ba kami o magbabangayan na lang kayo dyan" tanong ko nang buksan ko na ang pinto.

"Tapos na" sabi ni Kei,

"Tapos na yan? bakit ang dami pa ring sabaw ano yan, nilaga?" sabi naman ni Sky.

"Ganya talaga, mas masarap pag madaming sabaw" singit naman nung isa.

Nagsandok na si Kei at hinanda naman na namin ni Charms yung mesa. Nagluto si Kei ng adobong manok na nag-uumapaw nga sa sabaw.

"Ayan let's eat" masaya nya pang sabi.

Ayos naman yung lasa ng adobo nya, lasang adobo naman, pero mas bet ko pa rin ang luto ko. Sana kasi hindi na lang sinipag tong si Kei, nang hindi kung anu-ano ang naiisipang gawin, pati pagkain namin nadadamay.

"Ano hindi ka makapagsalita sa sarap noh?" pagyayabang pa ni Kei habang nakatingin kay Sky.

"Alam mo, yung luto mo, masarap" sabi ni Sky nang may laman pa ang bibig, napangiti tuloy si Kei. "Sa taong gutom, kasi gutom ako, kaya masarap" dagdag nya.

Dahil doon, nakatanggap sya ng Keira's death glare. Napailing na lang ako.

Hindi na namin sila pinansin, gutom kaming lahat, ala una na, naglalunch pa lang kami dahil sa katalagan nilang magjowa. Baka pag pinansin pa namin ang bangayan nila, abutin kami ng ilang oras sa pagkain.

***

"Hay salamat, makaka-uwi na rin" sabi ni Kei nang mag dismissed na ang professor namin.

Ganto na ang sitwasyon namin mula ng magsimula ang second semester, kalbaryo. OJT sa umaga, pasok sa gabi.

Sa company nga pala ng ninang ni Kei kami pumapasok, para walang masyadong issue. Ayaw rin naming maquestion kami if ever sa company namin or nila Charms kami pumasok, apelyedo kasi namin ang name nung company.

"Buti na lang iisa lang ang pinapasukan at inuuwian natin" sabi ni Charms habang naglalakad kami papuntang parking.

"Mabuti na lang apat na buwan na lang tayong magtitiis" sabi ko ng makapasok sa passenger seat ng kotse ni Charms.

"Apat na buwan na lang? Ken, ang tagal pa nung apat na buwan na yun! My gosh, how I wish pwede tayong gumraduate ng hindi napapagod, physically ang mentally" reklamo na naman ni Charms na syang driver namin.

"Hay naku, buti na lang kamo Christmas break na next week" sabi naman ni Kei, ang pinakahihintay naming araw.

"Christmas break na!" masaya naming sabing tatlo.

"At pag nagpalit na ang taon, mabilis na lang ang araw, kaya konting tiis pa friendships" sabi nya na tinanguan na lang namin.

Nang makarating naman kami sa bahay, nakita namin si Sky na nakaupo sa gutter at naghihintay.

"Ginagawa nyan dyan?" nagtatakang tanong ni Kei, kaya agad syang bumaba ng ihinto na ni Charms ang kotse.

"Sky" mahinahon nyang tawag dito,

"Ang tagal mo, kanina pa ko naghihintay sayo" reklamo agad ni Sky, kaya nagkatinginan kami ni Charms.

"Ito na naman sila" sabay naming sabi.

"Bakit sinabi ko bang maghintay ka dyan? and isa pa, hindi ka nga nagsabi na pupunta ka" reklamo rin nung isa.

Ganyan yang dalawang yan, hindi natatapos ang araw nila ng hindi sila
nagbabangayan.

"Guys, baka gusto nyong pumasok sa loob at doon na lang magbangayan" sabi ni Charms sa kanila.

"Hindi na Charms, dumaan lang ako para ibigay to" sabi nya sabay abot kay Kei ng isang medium size na paper bag.

"Ano to?" tanong naman ni Kei,

"Napadaan kasi ako sa favorite mong resto, kaya ibinili kita, baka kasi matulog ka na naman ng hindi kumakain" sabi ni Sky.

"Salamat, ikaw kumain ka na?" sabi ni Kei, tumango naman si Sky.

"Sige alis na ko, may pasok pa bukas, pasok na kayo" he said.

"Hatid na kita" offer ni Kei,

"Wag na, magpahinga ka na" pagtanggi naman ni Sky.

"Sige, mag-inggat ka, text ka pag buhay ka pa" sabi naman ni Kei, natatawa na lang na niyakap at hinalikan ni Sky ang girlfriend sa noo.
Ganyan sila magpaalam sa isa't isa.

Oo paminsan minsan nag-aaway, nagsasagutan at nagsisigawan, ay mali, araw araw pala silang nag-aaway, nagsasagutan at nagsisigawan. Pero, kahit ganyan kagulo ang set up nila, sweet pa rin sila sa isa't isa, kagaya ngayon. Hindi kasi sila yung usual couple na OA sa kasweetan at PDA kung PDA, ni hindi nga sila mapagkakamalang couple dahil sa pagbabangayan nila, eh, pero the simple gesture, the simple care, simple smile, simple words at simpleng tingin nila sa isa't isa, maiinggit ka na lang talaga, eh.

Paasa Sya, Tanga Ka!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon