Chapy 55: Christmas Eve

38 0 0
                                    

(((Kei's POV)))

Maya maya lang Christmas eve na, kaya busy na kaming tatlo sa paghahanda ng bahay para sa Noche Buena ng barkada dito.

We usually spend the Christmas eve with each other, tapos on Christmas day uuwi naman yung dalawa sa family nila. While me, I spend my whole Christmas day in my room, Christmas is my me time. Routine na naming tatlo yun for almost three years.

"Kei, samin ka sa new year this year diba?" tanong ni Charms sakin na nginitian at tinanguan ko lang.

Yup, alternate ako sa pagcecelebrate ng new year, nung first year, kila Ken, second kila Charms, last year kila Ken so this year kila Charms ulit.

We spend half of the day preparing the house and the foods, then after having our dinner, nagkulong na kami sa mga kwarto namin.

This is the first Christmas na magkakasama sama kaming anim, at unang pasko rin na magkasama kami ni Sky as a couple.

"Nakaka-excite naman tong paskong to" masayang sabi ni Ken habang pababa kami sa sala.

"Halata nga, pak na pak pa yang red lips mo, eh" sabi naman ni Charms na tinawanan ko na lang.

Handa na lahat, yung tatlong guests of honors na lang namin ang hinihintay ng mesa, and, we're ready for Noche Buena.

Hinintay na lang namin yung tatlo sa sala habang nanunuod ng movie.

"Merry Christmas" sigaw nung tatlo  nang makapasok sila sa bahay. Agad din naman nila kaming bineso saka inilapag ang mga regalong dala nila sa gilid ng medium size na Christmas tree.

Halos 11:45 na rin sila nakarating.

"Sakto, andito na kayo, ibig sabihin kainan na!" masayang sabi ni Ken.

"Tara na, Nuche Buena na" sabi naman ni Sam.

Pumunta kami sa dinning at tumambad samin ang simpleng mga putahe pero paskong paskong ambiance sa mesa.

Ang taray naman pala ng table setting skills nitong si Charms, eh.

"Talagang terno tayong lahat sa kulay ng juice noh?" sabi ni Aris, dahil doon nagkatinginan kaming lahat, at napagtanto naming pare-parehas kaming nakapula, nagtawanan na lang kami after that.

"For sure hindi si Kei nagluto ng adobo" sabi ni Sky,

"Hindi nga, si Ken nagluto ng lahat ng yan, sue chef lang ako" sagot ko naman.

"Halata nga, masarap at sakto lang kasi yung sabaw!" sagot nito.

"Ewan ko sayo! bwisit na to" pagsusungit ko.

"Huy kayong dalawa, hindi na namin maintindihan kung mag-jowa ba talaga kayo o ano, pero pwede kahit ngayong gabi lang, wag muna kayong magsigawan o magbangayan, para naman peaceful yung pasko natin" sabi ni Charms samin.

"Ito kasi" turo ko kay Sky na sya naman talagang nagsimula.

"Ako na naman" sabi nya pa.

Ewan ko ba naman kasi dito sa Sky na to, trip na trip nyang asarin at galitin ako.

"Oh, tama na, kasasabi lang" saway naman din ni Ken.

Nagkuwentuhan na lang kami at nagtawanan habang kumakain. Buti na lang hindi ko pinakialaman yung mga niluluto ni Ken kanina, dahil kung hindi, for sure madaming matitira.

"Grabe, alas dose tayo kumain, mag-a-alas dos na di pa tayo tapos" sabi ni Sam.

Kakatawa at kakakwento, ayun inabot kami ng syam syam sa pagkain.

Paasa Sya, Tanga Ka!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon