Hi! Thank you sa comment!
Nabitawan ni Natasha ang rag doll at napayakap sa kambal niyang matagal nang hindi nakita. Umiiyak siya habang nakayakap habang si Nathan naman ay pinapatahan ito.
"Huwag ka ngang umiyak." Nathan sabay kumalas sa yakap ni Natasha at pinahiran ang mga tumutulong luha.
"Na miss kasi kitaaa." Natasha said in between her sobs.
Napangiti naman si Nathan at pinulot ang rag doll at inoffer ito sa kambal.
"Na miss din kita, pero ang panget mo ngayon." Sabi niya na siyang dahilan na binigyan siya nang masamang tingin ni Natasha.
Natasha's POV
Ngayon nga lang kami nagkita tapos ang sasabihin niya sakin ay panget ako?!
"Wow ha." Sabi ko at kinuha yung rag doll sa kanya in angry manner.
Napa-chuckle lang si Nathan at nagcross-arms.
"Panget ka kasi umiiyak ka." Mahinahon niyang sabi sakin.
Napangiti ako sa sinabi niya. Kahit kailan, ang bait pa rin ni Nathan, kaya na miss ko 'to e!
Magsasalita pa sana ako nang may narinig akong pamilyar na boses.
"Natasha."
Napalingon ako kay Nathan na nanlaki ang mga mata at tatakbo sana palayo kaya agad ko siyang pinigilan. Hinawakan ko ang damit niya sa may kwelyo kaya mahirap itong takasan kasi naman kung tatakas siya edi mahihirapan siyang huminga dahil parang naipit yung leeg niya.
"Sige ka! Subukan mong tumakas!" Pagbabanta ko sa kanya.
"Nat, masakit! Bitawan mo nga ako!" Nathan habang pinagpapalo ang kamay na nakahawak sa kwelyo nang damit niya.
"No!" Sigaw ko.
Muntik ko na siyang mabitawan nang biglang sumulpot si Papa. Magsasalita sana si Papa kaso may naka una.
"Natasha anak, kanina pa kita tinatawag."
Napalingon ako sa likuran ko at nakita si Mama na gulat na gulat na tumingin kay Papa na nasa harapan namin ni Nathan. Binitawan ko si Nathan na agad na tumakbo sa tabi ni Papa, pumunta rin ako sa gilid ni Mama at napatingin sa kanya.
Ang mga mata ni Mama ay nanatiling nakatingin kay Papa tapos bumaba ito at napatingin kay Nathan.
"N-Nathan." Naiiyak na sabi ni Mama at mahinang lumakad patungo sa kanila. "Si Mama 'to." Dagdag pa ni Mama at napa squat habang naka spread ang mga arms niya. Para bang sinasabihan niya si Nathan na lapitan siya.
Nagdalawang-isip muna si Nathan at tumingin kay Papa pero lumapit din siya kay Mama at niyakap ito. Tumakbo rin ako papunta kay Papa na agad akong niyakap sabay karga sakin.
"Natasha." Naiiyak na sabi ni Papa kaya ngitian ko siya.
"Papa, I miss you." Sabi ko at muling niyakap siya.
Napatap naman si Papa sa likuran ko sabay sabing; "I miss you too anak."
Si Mama naman ay umiiyak na nakayakap sa naiiyak ko na ring kambal na si Nathan.
"Mama..." Naiiyak na sabi ni Nathan at mag hinigpitan pa ang yakap kay Mama. Nagiging rasp na nga yung boses niya.
"Nathan..." Mama.
Nathan's POV
After sa konting reunion nang pamilya namin ay nagpasya kaming kumain sa isang sea food restaurant, buo kaming pamilya.
"Crab meat!" Excited na sabi ni Natasha nung ibinagay na nang waiter ang menu.
"Buttered shrimp sakin." Sabi ko noong nahagip nang mga mata ko ang favorite food ko na nasa menu.
"Wow! Favorite mo pa rin yan hanggang ngayon, Nate?" Natasha.
"Oo naman, e ikaw nga e, same lang din." Sabi ko sa kanya.
Excited kaming dalawa lalo na buo kami at masaya yung vibe. Nag order na kami at nung umalis ang waiter ay nagbibiruan kami ni Natasha.
"Musta kayo ni Nathan?" Biglang tanong ni Mama kay Papa na siyang ikinatahimik namin ni Natasha.
"Ok naman kami doon sa probinsiya. Masaya si Mama na kasama niya ang isang apo." Papa at umayos nang upo. "Kayo ni Natasha?" Dagdag niya at napatingin kay Natasha.
"Ok lang din." Mama at tumahimik.
Napatahimik kaming apat sa table at magsasalita na sana ako nang inunahan ako ni Mama.
"May bago ka na?" Tanong niya na siyang rason kung bakit ako napatingin kay Natasha. Nakatingin na rin siya sakin at napalunok.
Takot kami, alam ko yun, nararamdaman ko yun. Parang bumabalik ulit ang nangyari noon.
"Wala, na busy ako sa trabaho, kay mama at syempre kay Nathan." Sagot ni Papa pero parang hindi naniwala si Mama dahil tumingin ito sakin sabay tanong, "Totoo ba ang sinasabi nang Papa mo?"
"Opo." Sagot ko habang tumatango-tango.
Totoo naman talaga yun, at alam kong mahal na mahal pa rin ni Papa sa Mama hanggang ngayon dahil nakikita ko siyang nakatitig palagi sa picture ni Mama tuwing gabi kung saan na akala niyang tulog ako.
"E ikaw ba may bago?" Papa pero umiling si Mama.
"Same lang tayo." Mama sabay inom nang tubig.
"Magsasama ba ulit kami?" Biglang tanong ni Natasha. "O tayong magkapamilya?" Dagdag niya.
BINABASA MO ANG
Fake Relationship With My Kambal
Humor{on going} Natasha and Nathan,magkakambal na puro kalokohan ang nalalaman.Dahil hindi sila magkamukha, trip-trip nilang maging FAKE COUPLE.