DENDEN'S POV:
HALOS tatlong taon ang lumipas. Tatlong taon na masaya akong kasama si Alyssa. Nasanay na rin ako sa presensiya ni Laura at nakokontrol ko naman na ang pagseselos ko.
Naging focused kami ni Ly sa pag-aaral. Mas naging inspired ako kasi andyan siya sa tabi ko. Sumali na rin ako sa volleyball at di ko inaasahang magiging mahusay din ako. Disiplina, tyaga, determinasyon at encouragement sa coach at team mates.
Tungkol naman sa damdamin ko para kay Alyssa, ando'n pa rin. Lihim ko pa rin siyang minamahal sa loob ng tatlong taon. Konsuwelo ko na lang na wala pa talaga siyang balak magpaligaw.
Naaalala ko pa noong debut ni Ly, escort niya si Kiefer. Halos mamatay ako sa selos no'n pero ano bang magagawa ko? Hindi ako lalaki para maging escort?
Maaga akong uwmuwi no'n sa dorm at sa banyo ako umiyak. Pinilit kong itago sa make-up ang namamaga kong mata sa pag-iyak no'n at hindi ako mapilit ni Ly kumbakit parang umiyak ako.
Sa paglipas ng panahon, nakalimutan ko din ang sakit dahil pinaramdam naman ni Ly na mahalaga ako sa kanya. Di ko lang talaga mapigilan ang magselos, mahal ko eh.
Unang Linggo ng Marso, malapit na ang finals. Masaya kaming lahat dahil isang taon na lang ay graduate na kami. Napansin kong may bumabagabag kay Alyssa. Umuwi siya ng Biyernes ng gabi sa Baguio. Ako nama'y nagstay lang sa dorm para magreview.
Nasanay na rin akong maging matapang kapag mag-isa lang ako. Minsan ay nakikitulog ako sa kabilang room kapag sobrang takot na ako.
Alas nuwebe ng gabi ay tumatawag sa cp ko si Alyssa. Inaabangan ko naman talaga.
"Hi Den!"
"Hello. Stop over?"
"Yup. Kumain ka na?"
"Oo ikaw?"
"Uhm….heto, nag-papaihaw ako ng hotdog tsaka bumili ako ng hot chocolate."
"Ikaw lang talaga mag-isa bumyahe?"
"Yup! Two hours more, do'n na ko. Ikaw? What did ypu have for dinner? Baka tinamad ka na naman at puro clover chippy ang pinagkaka-kain mo dyan ha? May palo ka sa puwit pagdating ko."
"Hahhaaha! As if malalaman m o?"
"Malalaman ko. Nagpakabit ako ng CCTV dyan."
"Hehe! Funny! Kumain ako, Jollibee burger steak tsaka bumili ako ng chocolate roll sa red ribbon."Saglit tumahimik sa kabilang linya. Tiningnan ko, active pa naman.
"Ly…..still there?"
"Oh yeah. Namimiss lang kita agad."
"Aaaaahhhh….touch ako."
"Seryoso ako."
"O sige na, ibaba mo na para di mo ako mamiss. Mamya ano pa mangyari sa 'yo."
"Namimiss mo ba ako, Den?"Huminga ako ng malalim bago sumagot. "Oo Ly, namimiss kita. At miss na miss kita ngayon."
"Kailangan may gawin tayo para maovercome ang miss na 'yan."
"Powerhug? Eh wala ka naman dito?"
"Kiss na lang."
"Ha?"
"Ito oh, tsup tsup tsup tsup tsup tsup! Nakuha mo?"
"Di ko nakuha Ly, nadinig ko lang."
"Hahahaha! Okay sige, alis na 'yung bus. Mabilis lang ang two days. I'll be back. Tawagan kita pagbaba na pagbaba ko ng Baguio okay?"
"Okay. Ingat ka. Matulog ka pag kaya. Huwag ka na magtablet or internet or COC dyan. Mata mo masira na 'yan."
"Okay po. Sige bye. I----"
"I?"
"I---ay…ayan na 'yung bus kako."
"Hmmm…sige."Nakangiti kong binaba ang cp at nilagay sa ilalim ng unan ko. Sabi niya two hours daw nasa Baguio na siya. Inalarm ko ng eleven o'clock. Kahit namimiss ko si Ly, masaya naman akong lagi ko siyang naririnig. Hindi na kumpleto ang araw ko kapag wala kami ni isang usap, malapit man o malayo.
BINABASA MO ANG
Asa Lang sa Yo Dati, Eh Ngayon? ( Completed Gxg )
FanfictionA-sa L-ang sa Y-o D-ati E-h N-gayon? An Alyden Fanfic Story. Love kept unsaid. Highest Ranking: No.1 in #Denden Sept. 2018