HANGIN

46 1 0
                                    

Dati ika'y kasama sa mga binabalewala
Ngunit ngayon ay nasa puso't isipan na..

Nandito kami ngayon ng mga kaibigan ko sa isang café kung saan may mga nagpeperform ng mga tula ba 'yon? Hindi ko alam tawag sa mga ganyan pero gustong-gusto nila Nametha at Shikin yung mga ganun.

"Dorothy, ano ba? Kanina ka pang nakabusangot diyan." Sabi ni Shikin na may kasamang pag-snap sa harap ng mukha ko.

"Shikin, alam mo namang hindi siya fan ng mga spoken poetry na 'yan. Kaya pabayaan mo siya diyan," pagtatanggol sakin ni Nametha "Pero alam mo, Dorothy, diba kumakanta ka naman.. why not try writing poems, diba?"

"Nam, it's just a waste of time. Ayokong pasukin yung mga ganyan. Hindi naman kasi ako yung pumapasok e." Dahil sa sinabi ko sabay-sabay kaming tumawa.

Habang nagkwekwentuhan kami napatingin ako sa lalaking mag-perperform. His voice sounds familiar, that's why.

"He's cute but not my type. Pero cute pa rin siya." Shikin's voice became flirty. Ugh. I hate it.

"Reminds me of someone na sobrang close sa puso mo, Dorothy." Sabi ni Nam na nakatingin sakin ng nakakaloko, nakisama na din si Shikin ayon sa peripheral vision ko.

"Uhm, good evening everyone," OMG! "Ngayong gabi, tungkol pa din po ito sa isang babaeng hinding-hindi ko makakalimutan. Para sa mga taong suki ng café na ito, alam niyo na siguro kung ano yung mga sasabihin ko," it's really his voice...

"Dorothy, omg! Si Baron!" Pabulong na may halong excitement na sabi nila Nam at Shikin.

"Shh," pagtatahan ko sa kanila

Palagi mo akong niloloko noon
Mga panlolokong napunta sa isipan ko

"Pagpasensyahan mo sana ako, kung palagi kitang inaasar noon," Is he? Nope. I don't want to listen anymore.

"Girls, I think we should go now. It's getting late." Pag-aanyaya ko sa kanila kaso kay Baron sila nakikinig. No choice. I grabbed my phone and  my earphones on. Music volume to the highest level and enjoyed my food. Perfect!

Habang nagpapatugtog ako, nabigla ako na nandito pa pala yung kanta na nag-reremind sa akin tungkol sa kanya. 

As the song plays, I'm looking at him. Gosh, I missed him. Hindi naman naging kami or what pero bes naging inspiration ko siya eh. I don't know why but he makes me happy when I see him. Sakto pa kapag malungkot ako o may problema, nakikita ko siya kaagad.

Habang nakatingin ako sa kanya. Our eyes met. Oh gosh, I missed his gazes. Pero kahit na namiss ko yung mga tingin niya, umiwas pa rin ako. Dating gawi. Huwag magpahalata. Hayy.

Tinanggal ko na yung earphones ko nang makita ko na nagiging emosyonal na yung mga tao sa paligid kasama na sila Nam at Shikin pero sila kinikilig na ewan.

"Kailan kaya tayo magkikitang muli?" Nakita ko siyang nakangiti at nakatingin sa parte namin. Napatulo na din ang luha ko nung nakita kong may pumatak na luha sa kanyang mga pisngi.

Nagpalakpakan ang lahat ng tao sa paligid namin habang siya ay papalapit samin ng nakangiti. Oh please, huwag kang ngumiti ng ganyan.

"Baron?"

"Ikaw na ba 'yan?" Pagtanong nilang dalawa kay Baron.

"Nametha? Shikin?" Tanong din ni Baron sa kanila. K fine.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HANGINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon