*********************************************************************************************************************PROLOGUE:
"EFFORTS, LOVE, and TIME are more essential than MATERIALS or ANYTHING"
***************************************************************************************************************
Miggy's Point of View
"Ma? Wala ka talagang pera ?" Tanong ko
"WALA NGA! ALAM MO NAMANG KAKAUMPISA PALANG NI PAPA MO SA TRABAHO NIYA!" Sigaw ni Mama
Wala naman na akong nagawa kundi pumunta ng kama ko at mag isip isip. San kaya ako makakahanap ng pera? Eh kasi I have a girlfriend at I gusto ko sana siyang bigyan ng Gift kaso wala akong pera. Di naman kasi kami mayaman eh. Kaya ito ako ngayon problemado.
Kinuha ko nalang yong gitara ko at inistrum ito. Habang ini strum ko yong gitara ko, may pumasok sa utak ko. Alam ko na kung pano ako makakabawi. Kaya kinuha ko yong phone ko at tinxt ang bro ko.
*Bro pwede magpatulong?* text ko
*Sure. Ano ba yon?* reply niya
*Eh kasi diba? Monthsarry namin ni Mika sa 14.*
*Oo nga no*
*May problema lang kasi ee*
*Ano yon?*
*Gusto ko sana siyang bigyan ng Gift. Kaso wala ako pera eh!*
*Ano bang ibibigay mong Gift?*
*Stuff toy?*
*Sige Try ko magbigay ng pera*
*Haha! Naku! Hindi na! May naisip na ako. Isusurprise nalang natin siya*
*Sige game ako Jan!*
*Thanks Bro. Maasahan ka talaga!*
Kaya hinagis ko na kung saan yong phone ko at humiga na ko.
Ilang minuto lang ay nakatulog na agad ako.***********************************************************************************************************************
Maaga akong nagising dahil sa ingay nong mga radyo ng kapit bahay namin. dinungaw ko ang orasan na nasa may mesa sa gilid ng kama ko at nakitang 9 A.M. pa lang.
"Yong almusal nasa lamesa. Alis na ako, Maglinis nga kayo dito" sabi ni Mama at umalis na siya
Kaya lumabas na ako para magtoothbrush at maghilamos. Pagkatapos ay bumalik na ako ng bahay ay sinindi yong TV. Binuksan ko 'yung kaldero at nakakita ako ng Longganisa at itlog. parang masarap 'to sa fried rice ah. Nagsalang muna ako ng tubig para makapag kape.
Tumutok lang ako sa pinapanuod ko. Alam niyo yong sa pag gising nio sa umaga tapos mapapanuod mo yong cartoon na Larva? Hahaha! nakaka Good Vibes lang eh.
Naputol naman yong panunuod ko ng kumulo na yong tubig na nakasalang. Kaya kinuha ko na yong kumulong tubig at binuhos sa tasa. Naglagay na ako ng asukal , kape at creamer. Pagkatapos ay nanguha na ako ng pag kain at nag Simula na akong kumain habang nanunuod.
Matapos ang ilang minutong pagkain ay natapos na rin ako. Nagpahinga lang ako ng unti pagkatapos ay kinuha ko na yong mga hugasing pinggan.
BINABASA MO ANG
My Valentine's
Short StoryHindi natin kailangan ng material na bagay para maging masaya. Minsan sapat na yong mga taong nadiyan para mahalin ka....