CHAPTER 14

126 33 41
                                    

Huminto kami ni Grey sa isang pamilyar na lugar... halos hindi ko na rin mabilang ang buntong hininga na ginagawa niya. Labag na labag sa loob niya na dalhin ako rito pero gusto kong harapin muli si Alfonso.

"Unlocked the door, please." blangko kong pakiusap ngunit hindi siya kumikilos. Nakatingin lamang siya sa harap.

"Grey, I said---"

"You don't have to do this..."

Natigil ako sa sinabi niya. Kung kailan nandito na kami? Anong akala niya mapipigilan niya ako?

"Grey, kung hindi ko gagawin 'to paano ang pamilya ko? Dapat nga hindi rin kita kasama, e. Pero dahil ayaw mo ako pababain nandito ka kasama ko. Don't worry after this, I don't want to see your face ever again."

Lumingon siya sakin, "But I want to protect you."

"Protect me?" hindi makapaniwalang nailing ako, "Protect me to kill my dad? How foolish."

Matagal siyang nakatingin sa 'kin, hindi ko alam pero parang naging awkward ang pagitan namin bigla. Kaya naman ako na ang naunang umiwas ng tingin.

"Just open this damn door," mahinang sambit ko.

Narinig kong nag-unlocked ang sasakyan kaya naman mabilis na akong bumaba at dumiretso sa gusali. Madilim na, nakakatakot man ay hindi ko na iyon ininda.

Hindi na rin ako nagpadala sa ospital kahit pinipilit niya. Instead, tinapalan ko na lang ang gilid ng noo ko ng benda at 'yun na. Hindi ito gano'n kalala kaya hindi na kailangan mag-aksaya ng oras.

Wala pa ako sa loob nang may nakasalubong akong lalaki na nagyo-yosi, "Woah... mukhang naliligaw ka yata, miss?"

"Where is Alfonso?" walang patumpik-tumpik na tanong ko.

Bumuga siya ng usok bago ako tignan, "Alfonso? Si Boss?"

"Yes."

Hindi niya ako sinagot at pinagmasdan lang ako mula ulo hanggang paa. I can tell na malagkit ang pamamaraan ng tingin niya.

"The answer is inside my pants. Wanna touch it first?" ngisi nito.

Kadiri...

Sinamaan ko siya ng tingin at nilayasan na lang nang bigla niya akong hablutin sa braso. Muntik pa akong madapa sa ginawa niya kaya lalo ko siyang pinanlisikan ng mata.

"What the heck?!"

"Kung maka-diretso ka akala mo alam mo ang pasikot-sikot dito ah? 'Di ba sabi ko nasa pants ko ang sagot?" natatawa siya habang sinasabi 'yun, tila pinaglalaruan ako.

Nagsitayuan ang mga balahibo ko nang tignan siya ng buo. Nakakadiri na nga siya, nakakadiri pa ang lumalabas sa bibig niya.

"Let go of my hand," sinubukan ko 'yun bawiin pero tinatawanan lang niya ako, "Ano ba? Pumunta ako rito para makausap ang boss mo!" sigaw ko sa kan'ya pero matunog lang siyang ngumisi at hinatak ako sa kung saan.

Mas nataranta ako ro'n.

"B-Bitawan mo nga ako!

"Kung gusto mo siyang makausap, sumama ka sa akin at itikom mo 'yang bibig mo."

"Ayoko!"

"Psst!" natigil kami sa paglalakad nang may sumitsit, "You're hurting her. Let her go you motherfucker."

It's Grey. Nakapamulsa siyang nakatingin sa lalaking nakakapit sa braso ko. Agad naman akong binitawan nito.

"Sir Grey... sorry, is she with you?" pormal na tanong niya.

CRIMINAL [Under Major Editing]Where stories live. Discover now