Dan's POV:
Nasa loob kami ng opisina ni Marcus at nakikinig sa mga instructions niya.
Pagkatapos kasi ng trial unang trial ni Jacob, hindi na nagkaroon ng pangalawang trial. Nung araw na yun, hinatulan na kaagad siya ng lifetime na pagkakakulong.
So ngayon balik trabaho na kaming lahat. Balik na din kami sa mga normal routine namin.
Si Karla balik na sa pagiging secretary ni Marcus. Samantalang ang mga magulang niya ay bumalik na sa bahay nila. Ako naman ay doon na ulit tumira sa bahay ni Marcus. Sa ngayon, wala nang tao sa bahay ko sa Muntinlupa kasi nung araw na nag paalam kami sa Papa ni Karla kung pwede kaming bumukod, muntik na akong mamatay. Hinabol ba namam ako ng mahabang itak. Buti nalang at napigilan siya ng asawa at mga anak niya.
Habang nakangiti kong inalala ang mga nangyari, bigla akong tinawag ni Marcus.
"Dan... may narinig ka ba sa mga sinabi ko?" Kunot noo na tanong si Marcus.
"Ha? Ano yun?" Balik kong tanong.
"Ang sabi ko.. May mga tao akong tatanggaling sa security team.. So kailangan ko kayong makipag coordinate sa agency at hanapan niyo ako ng mga magagaling na taong pwedeng pumalit sa kanila.." Sagot niya.
"Sige boss.. Right away po.." Sagot ko.
Natawa siya.
"Okay.. Ano ba ang iniisip mo? Bakit parang sobrang tulala ka naman yata diyan? Namimiss mo na ba si Karla? Andiyan lang siya sa desk niya.. Bakit hindi mo muna siya puntahan doon at kausapin?" Tanong niya.
Umiling ako sabay tinignan ko ang buong barkada.
"Mga pare.. Mag pro-propose na ako.." Pagtatapat ko.
Nakita kong nagulat si Mike at Kenzo. Nabulunan naman si Liam sa kapeng iniimon niya. Samantalang nabitawan naman ni Marcus ang hawak-hawak niyang ballpen.
"Propose?! Tang ina.. Nakakalimutan mo na ba na muntik ka nang patayin ng tatay ni Karla nung nagpaalam kayong mag live-in?!" Inis na tanong ni Mike.
"Tanga.. iba naman yun.. Tsaka ito naman.. magpapaalam akong papakasalan ko ang anak nila." Sagot ko.
"So.. kailan mo naman balak?" Tanong ni Marcus.
"Kakausapin ko muna ang pamilya ni Karla.. Tapos tatawagan ko sila Mama.. Tapos pag ayos na ang both parties, saka na ako mag pro-propose." Sagot ko.
"Sige.. sabihan mo nalang kami kung saan at kailan.. At kung kakailanganin mo ang tulong namin.. Alam mo naman na andito lang kami.." Pagbibigay alam ni Liam.
"Grabe.. parang lahat kayo nag sesettle na ah? Makapag plano na nga din ng future!" Sabat ni Kenzo.
Natawa kami, pero naputol yun nang biglang kumatok si Karla sa opisina ni Marcus.
"Boss.. pwede po bang pumasok? It's Karla.." Pag papaalam niya.
Tinignan ako ni Marcus at ngumisi.
"Ah sige Mrs. Marasigan.. Ah este.. Miss Miranda palang pala.." Pagbibiro niya.
Ngumiti ako. Pero biglang nawala ang ang mga ngiti ko nang nakita ko ang namumutlang si Karla.
Tinignan ko lang siya at malakas ang pakiramdam ko na hihimatayin siya kaya naman agad akong tumayo at lumapit sa kanya.
"Akin.. can you please take a seat first? You look so pale.." Pag aaya ko.
Hindi pa man nakakasagot si Karla ay bigla siyang hinimatay. Buti at nasalo ko kaagad siya bago siya tumama sa sahig.
Biglang nag panic ang buong barkada.
BINABASA MO ANG
MISSION: WIN THE NERD BACK (COMPLETED)
RomanceTanga! Yan ang tingin ni Dan sa sarili niya dahil pinakawalan niya si Karla. At ngayon nag susuffer siya kasi ang kaisa-isang babaeng ginusto niya ay pagmamayari na ng iba. Sila na ni Jacob. Pero hindi sumuko si Dan at pinaglaban...