By: Arey Serrano
Masakit bes at sa sobrang sakit hindi ko na kayang lumuha pa,
Sa kadahilanang pagod narin ako at sawa na sa mga pagkukunwaring akala natin ay totoo pa
Sa tuwing kayakap kita kaluluwa ko ay humihiwalay na
At ang dating nag iinit na mga balat ngayon ay nagyeyelo na.
Kung ang mga kamay ko ay dating sumasakto sa mga kamay mo
Ngayon ay para nang nababad sa tubig ng matagal, at hindi na magtugma
Parang sumpa, dahil lahat ng magagandang alaala
Ay ngayo'y isa nang mapait na kabanata
Mabuti pa ang mga storya sa libro hindi man totoo
Maganda nmn ang kwento
Mabuti pa and tsinelas, merong kaparehas
Mabuti pa ang aso merong taga asikaso
Mabuti pa si Juan taga San Juan, pero wala akong pakielam
Dahil hindi nmn sila ang bida sa ating usapan.
Babalik ako sa storya na kung saan kita unang nakilala,
Kung saan nagsimula tayo sa isang barya
"Ate papalit naman" salitang una kong binanggit sa tindahan nyong maliit
Mula noon hindi kana nawaglit sa aking pag iisip
Ano nga bang ngyari sa'tin, tadhanang nawalan na ng gana
Tila nagtampo na, ang dating lambing bakit ngayo'y puro daing
Ng mga masasakit at mapupuot na alaala hatid ng panlalamig
Ngunit hindi na kayang ipilit ng mga pusong hindi na umiibig
Kahit subukan natin ng paulit-ulit lalo lang maiipit
Kaya tama na, dahil nakakapagod na
Tigilan na natin tong pagpapanggap na ito
Dahil para sa iyo at sa akin wala nang tayo
Ngunit magpapasalamat ako sa pagtambay mo sa buhay ko
Dahil sayo mas naging matatag ako.
BINABASA MO ANG
Ang mala Rollercoaster Ride na Tula
PoetrySInulat ko ang mga tula na to base sa totoong nararanasan ng mga tao. Ang mga simpleng hugot sa buhay. Nagmahal, nasaktan, umasa, at bumangon. Kagaya ng isang rollercoaster ang buhay natin ay paikot-ikot lang ngunit may iba't ibang level ng heights...