By: Arey Serrano
Nakita kita sa isang lugar kung saan madalas akong nagpapalipas ng oras
Bitbit mo ang napakasayang ngiti na kahit minsan hindi ko nasilayan kanino man
Nakita mo ako at kinawayan, lumingon ako at biglang may naramdaman
Ikaw na kaya? tanong ko sa sarili, para akong nakuryente ng mabilis
Kinabahan at kinikilig, ako ba'y handa ng umibig?
Mag uumpisa ako sa unang araw na nagkausap tayo, grabe ang sarap sa pakiramdam
Para akong nakalutang sa hangin, malayo ang tingin
Sa sobrang sarap ng kwentuhan nati'y oras di namalayan,mula gabi inabot tayo ng Kinaumagahan
Puro tawanan, halakhakan at usapan na kahit wala nmn talagang saysay ay ating Napagtitiyagaan
At doon, doon sa puntong yon, nagkapalagayan tayo ng loob.
Simula noon indi ka na nawala sa isip ko, hanggang sa naging ikaw na nga ang LSS ng buhay ko
Yung boses mong malumanay na parang laging kumakanta, young tawa mong kumikiliti sa Aking tenga
At bawat pagbanggit mo sa pangalan ko para akong nililipad ng hanging amihan na sa sobrang Lakas
Pakiramdam ko nililipad nako papalapit sayo, ano ba to?
Inlove na ata ako sayo.
Nagdaan ang panahon mas lalo akong nahulog sayo, ngunit may pag aalinlangan
Sa kadahilanang malayo ka at mas malayo ako, magkalayo tayo
Pero nakakatuwang isipin na kahit nagkaganun, patuloy parin tayong lumalaban
Laban hanggan sa mapa saatin ang isa't isa, at heto na nga mahal na kita at mahal mo narin ako
Mahal na natin ang isa't - isa,
Wala nakong mahihiling pa kundi ang makasama ka, at sisiguraduhin ko pangga
Na kapag dumating ang araw na un, yayakapin kita ng mahigpit para malam mo kung gaano Ako nasabik
At sisiguraduhin ko rin na hindi kana mawawala pa sa akin, dahil para sa akin
Ikaw na nga ang tanging kahanga hanga, ang aking hiniling na sana'y dumating.
Ang taong magbibigay ng kulay sa madilim kong mundo, magpapasaya sa malungkot kong buhay
At magbibigay linaw sa magulo at malabong pananaw ko tungkol sa salitang pag - ibig.
Pangga, mahal, irog, sinta, ang sarap gumawa ng kanta
Dahil sa inspirasyong lagi mong dinadala, sabik na sabik nko alam ko
Pero indi ko alam kung pano tatapusin to, sa dami ng naiisip ko
Lahat ng yon ay para sa'yo.

BINABASA MO ANG
Ang mala Rollercoaster Ride na Tula
PoesiaSInulat ko ang mga tula na to base sa totoong nararanasan ng mga tao. Ang mga simpleng hugot sa buhay. Nagmahal, nasaktan, umasa, at bumangon. Kagaya ng isang rollercoaster ang buhay natin ay paikot-ikot lang ngunit may iba't ibang level ng heights...