By: Arey Serrano
Yung akala mong kayo pero hindi sayo
Dahil yung akala mong siya ay hindi mo napasaya
Mula pa nung una nasaktan mo na sya
Pero heto ka umaasa prin, na kahit sa panaginip merong tayo.Tayo na hindi lang sana sa salita
Tayo na dapat sana nakaharap sa kasalukuyan
Tayo na dapat sana nakabuo na ng maraming alaala
Mga alaalang magdadala at magbabago sa salitang pag-ibig.Pag-ibig na matagal ko nang inasam
Pag-ibig na meron sanang "ikaw at ako"
Pag-ibig na kung sana iningatan ko hindi na nawala
Katulad na lang ng mga pangakong nabaon na ng kahaponNaalala ko ung mga pangakong binitawan mo
Nung panahong nalulungkot ako
Yung mga panahong isang tawag ko lang nanjan kana
Hindi ko kailangang maghintay dahil alam kong darating ka agadYung mga panahong madalas mo akong yakapin ng mahigpit
Ng walang pag aalinlangan, dahil alam mong ito lang
Ito lang ang aking kailanganMadalas naiisip ko bakit ikaw pa, bakit hindi na lang sa iba?
Bkit maraming akong tanong kung bakit? bakit masakit?
Bakit naiipit sa sakit, bakit sa sobrang sakit parang ang puso ko pinipilipit
Ng mahigpit ng mga kamay na galit na galit.Pero kasi nga walang tayo, walang ikaw at ako
Walang dapat masaktan, kung meron man baka ako lang
Kasi ako lang naman ang umasa, umasa sa mga pangako lang
Pangako na akala ko magkakatotoo, sasakto sa salitang "Ikaw at ako"Pero heto na, nangyari na, nakita ko na
Ang pangarap na nakita mo sa iba, nakita mo sa kanyaYung sayang, akala natin magiging atin
Pero hindi, dahil kahit kailan walang atin
Isinulat ko to hindi para magpaalam kundi para ipaalam sa iyo
Na minsan ako'y naging totoo, sa mga pangarap na akala ko magkakatotooKaya siguro hanggang dito nalang, ihihinto ko na to
Dahil masakit na, masakit pero masarap
Masarap pero sobrang sakit.
Hanggang dito na lang nga talaga ang salitang tayoHanggang dito na lang, dito kung saan tutuldukan ko
Ang salitang tayo, salitang minsan inasam ko
Salitang hinintay, inabangan at ngaun akin nang susukuan.
BINABASA MO ANG
Ang mala Rollercoaster Ride na Tula
PoesiaSInulat ko ang mga tula na to base sa totoong nararanasan ng mga tao. Ang mga simpleng hugot sa buhay. Nagmahal, nasaktan, umasa, at bumangon. Kagaya ng isang rollercoaster ang buhay natin ay paikot-ikot lang ngunit may iba't ibang level ng heights...