Before mag-umpisa ang pasukan, sana naihanda mo na yang sarili mo. Maghanda ka na para sa mga homeworks, projects, recitations, reports, at iba pa. At lalong lalo na, sa pagsasabay ng utos ni Nanay at sa utos ni libro na mag-aral ka na.
Ako ay isa ring estudyante. Minsan stress-free, kadalasan sobrang stressed.
Pero minsan, maiisip ko nalang bigla na kung mahirap na nga ang buhay na estudyante pa ako, paano nalang kaya yung mga magulang ko? Sigurado akong mas nahihirapan sila.
Kung tutuusin, maswerte tayo. Maswerte dahil may magulang tayo na handang magtrabaho kahit ilang oras pa yan para lang maibigay ang kailangan ng anak. Maswerte dahil may magulang tayong naniniwala sa kanilang anak at sa mga pangarap nito. Maswerte dahil nandyan ang mga kaibigan nating handang makinig sa tuwing may problema ang isa. Maswerte tayo dahil nandyan sila.
Sa tuwing nahihirapan ka, sana isipin mo ang mga bagay na nagpapasaya sayo. Gawin mo ang dapat mong gawin alang-alang sa kanila, sa mga taong naniniwala sa kakayahan mo. Gawin mo silang inspirasyon.
Huwag kang mawalan ng pag-asa dahil nandiyan lang sila oh, nakangiti sayo habang pinagmamasdan kang unti-unting tinutupad ang pangarap na minsan mong naikwento.

BINABASA MO ANG
SULAT PARA SA'YO
De TodoYes, para sa'yo. Mga sulat para malaman mo na kahit ano mang paghihirap ang iyong nararanasan, may nagmamahal at nakakaintindi sa'yo.