He Who Brings Death

10 1 0
                                    

Prologue

Patuloy lamang ako sa paglakad sa isang madilim na kalsada sa sobrang antok at kagustuhang umuwi ay wala na akong nagawa kundi tumingin na lamang sa aking relo.

"1:29? Really?" bulong ko sa aking sarili

Malamang ay kukulangin nanaman ang aking tulog lalo na't maaga ang pasok ko mamaya gusto ko sanang wag nalang pumasok sa first subject kaso hindi rin pwede dahil may pagsusulit kami. Gustuhin ko mang tumigil sa pag wo-working student ay hindi pwede dahil wala akong ipapakain sa sarili ko.

Bigla akong napatigil sa paglalakad nang makarinig ako ng mahinang sigaw at kaluskos. Dulot kuryosidad ay sinundan ko ito. Maya maya pa ay nakarinig ako ng isa pa uli'ng tili kasabay nito ang pagbasag sa isang bagay. Mabilis kong hinanap kung saan nanggaling ang tunog. Napalingon ako sa isang masikip na eskinita kung saan halata namang walang katao-tao.

"Tulong!" sigaw ulit ng isang babae

Nakadapa ito sa sahig at puno ng bahid ng dugo ang kanyang mga kamay. Tila ba nataranta naman ang salarin sa pagsigaw ng babae kaya't agad siyang napalingon sa pwesto ko buti na lamang ay agad akong nakapagtago. Nang muli akong sumilip ay nagkasalubong ang mata namin ng babae. Hindi ko siya kilala pero nakikita ko ang matinding sakit sa mga mata niya. Humihingi siya ng tulong ngunit hindi ko iyon maibibigay sakanya. Matama at walang emosyon ko siyang tinignan at marahang umiling at yumuko. Napahagulgol siyang muli marahil ay naintindihan niya na ang gusto kong iparating.

Tumalikod na ako at mabilis na umalis sa lugar na iyon. Hawak ko ang aking dibdib na malakas pa rin ang pintig. Sa sobrang pagkabigla ko kanina ay walang anumang letra ang lumabas sa bibig ko.

Nakarating ako sa maliit na kwartong inuupahan ko nang nanginginig ang mga kamay. Agad kong ini-lock ang pinto at sumilip sa bintana. Takot na nasundan ako ng salarin. Nang walang Makita na ano man ay napahiga nalang ako sa munti kong kama. Napapikit at napabuntong hininga.

Kinuha ko ang aking alkansya at saka inilagay ang perang naipon ko sa araw na ito.

"four thousand seven hundred" bulong ko na lamang

Magdadalawang buwan na ako sa bayang ito ngunit kakaunti pa lamang ang naipon ko. Kung hindi lang sana ako naglayas sa bahay ay hindi ako mahihirapan ng ganito pero kung hindi naman ako umalis sa bahay na iyon ay mas lalo lamang akong mahihirapan.

Marahan ko nalamang ipinikit ang aking mga mata upang makatulog na.

He Who Brings DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon