Kabanata 7

1.9K 66 1
                                    

Midterms

Tahimik lang ako habang nagmamaneho siya. Hindi siya umiimik kaya pinili ko na lang din na 'wag magsalita.

This is just so awkward.

Pagkatapos ng nangyari kanina, parang pareho kaming nawalan ng salita. Gusto kong itanong sa kanya kung ano bang ipapagawa niya pero wala akong lakas ng loob magtanong. Kailan pa ba ko tinablan ng hiya?

Inihilig ko ang sarili ko at pinagmasdan ang daanan.

Kahit kailan wala pang ibang lalaki ang naghatid sa akin pauwi bukod kay Zach, siya pa lang. Sa tuwing naiisip ko 'yon, mas lalo akong nalilito. Hindi ko alam kung bilang guro pa ba yung tingin ko sa kanya.

Inihinto niya ang sasakyan sa tapat ng bahay namin.

"Finish this all."

Inabot niya sa akin ang test papers ng iba't ibang section na hawak niya. Pwede naman niyang ipagawa sa akin 'to bukas. Bakit kailangan ngayon pa? Siguradong hinahanap na ako nila Zach.

"Sir, pwe---"

"And also, this."

Nag-abot na naman siya ng tambak na mga filler at ipinatong sa nakalahad kong kamay. Halos hindi ko na siya makita sa sobrang taas ng mga papel na pinapatapos niya.

"Sir, pwede ko naman po ata 'tong tapusin bukas. Hindi na po sana kayo nagpunta sa Encore. Sa friday pa naman po ang deadline nito hindi ba?" Saad ko.

Pagkatapos kasing sabihin sa mga teachers yung deadline ng mga pinapaasikaso sa kanila ng Principal, sinasabi naman ito sa amin, sa Student Council para matulungan sila kung kailangan nila ng tulong. Kaya ang alam ko, sa friday pa ang pasahan nito at linggo pa lang ngayon.

"Yes pero gusto kong matapos na 'yan lahat bukas para yung midterm na lang ang ihahanda ko."

Sinabi niya bang lahat?! Hindi niya ata nakikita kung gaano kakapal 'to. Ini-expect niya bang matatapos ko 'to ngayong gabi? Hindi ako makina! Wala ba siyang balak na patulugin ako?

"Pero s---"

"No buts."

Padabog akong bumaba ng sasakyan niya. Sinadya ko talagang lakasan yung pagsara ng pinto para malaman niyang naaasar ako. Hindi lang naaasar, kung hindi naiinis.

Okay na sana kami. Akala ko pa naman inaalala niya ko kaya niya ko binilhan ng pancake, kaya niya ko hinatid noong umuulan, kaya niya ko nilibre nung nakaraan at kaya niya ko pinuntahan ngayon sa Encore. Hindi pala. Assuming lang talaga ako.

Tiningnan ko ang orasan sa gilid ng study table ko. Maga-ala una na ng umaga pero hindi pa rin ako nangangalahati sa pinapatapos niya.

Kinuha ko ang phone ko at idinial ang number niya. Nakakailang ring pa lang pero yung puso ko nagwawala na. Kinakabahan ako kahit na wala naman akong kasalanan.

"Yes?"

Napalunok ako nang marinig ang namamaos niyang boses. Shit, ang sexy.

Umiling ako nang maalalang inis ako sa kanya.

"S-sir, ayoko ng maging assistant m-mo." Saad ko. Akala ko hindi ko kakayaning sabihin dahil sa nakakaakit niyang boses.

Narinig ko yung paggalaw ng kama sa kabilang linya.

"What are you talking about Almira?" Tanong niya sa mas maayos na boses. Mukhang nagising siya dahil sa sinabi ko.

Teka, kailan niya pa ko sinimulang tawagin na Almira?

"Sabi ko, ayoko ng maging assistant mo." Binagalan ko pa yung pagsasalita ko para mas lalo niyang maintindihan.

Mabuti pa siya natutulog na samantalang ako dito, tambak yung gawain.

To The Guy She Ever Loved (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon