Chapter 1
Nagising ako sa sikat ng araw at walang humpay na pagtilaok ng mga manok. Napatingin ako sa wallclock at nalamang six thirty na pala nang umaga.
"Patay na.."
Mabilis akong nagtungo sa maliit na banyo at nakitang wala pang laman ang timba kaya't hinayaan ko muna itong mapuno at saka naman nagtungo sa maliit na cabinet kung saan nakalagay ang mga cangoods na pinamili ko. Naririnig ko na ang pagkalam ng aking sikmura hindi na nga pala ako nakakain kagabi dahil sa matinding pagod. Kumuha ako ng isang delata at binuksan ito. Nang maalala kong walang kanin ay agad akong nagtatatakbo sa pinakamalapit na karendirya upang makabili nang sampung pisong kanin at nang makabalik ay agad ko itong nilantakan. Tumungo muli ako sa banyo at nadatnang punong puno na ang tibma kaya't nag-umpisa na akong maligo.
"6:50 am kaya pa 'to." Sabi ko nalamang at mabilis na ini-lock ang kwarto at tumakbo tungo sa eskwelahan.
Pagkarating ko sa aming silid aralan ay nadatnan kong wala pa si Mrs. Smellie kaya't kumpulan nanaman ang aking mga kamag-aral sa iba't ibang sulok na tila ba may iba't ibang mga mundo.
Umupo ako sa pinakadulong upuan upang walang makapansin saakin. Pinanood ko lang sila. Ang bawa't galaw at kilos. Observer sabi nga nila. Mas gusto ko ang ganito kaysa makihalubilo sa mga taong iiwan ka rin naman pag dating ng panahon.
Sa di kalayuan ay napansin ko si Rainbow. Rain for short, sa pagkakaalam ko anak 'to ni Mrs. Smellie eh. Ang weird niya ngayon hindi siya 'yung usual na maingay at papansing Rain. Sa dalawang buwan ko rito wala siyang ibang ginagawa kundi magpapansin at kumanta ng malakas. Matapang siya mag-ingay since anak siya ng isa sa mga teacher pero iba siya ngayon. Kung pagmamasdan mo siya agad mong mapapansin ang pagka aligaga niya. Palingon lingon siya sa paligid na tila ba may hinahanap. Tagaktak ang pawis niya sa noo at sa leeg at nanginginig naman ang mga kamay niyang nakahawak sa isang gusot gusot na papel. Walang nakakapansin sa kaweirdohan niya dahil wala pa rito ang mga kaibigan niya at may ibang mundo ang mga kaklase namin.
Lumapit ako sakanya para tignan sana ang papel na hawak niya pero ng malapitan ko siya kasabay naman nito ang pagdating ng aming guro at ng kanyang ina.
Nagpatuloy ng normal ang klase pero pasimple pa rin akong lumilingon sa direksyon ni Rain na hanggang ngayon ay nakatulala pa rin at tila ba wala sa sarili.
Nang magbell ay dali-daling naglakad si Rain palabas ng pintuan na siyang kinagulat ng ina madalas kasi ay nilalapitan muna siya nito at hinahalikan sa pisngi bago tuluyang umalis ng silid aralan.
Sinundan ko siya malakas ang hinala ko na may mangyayaring hindi maganda. Tumungo siya sa likod ng isang building na wala nang katao-tao pero sa sobrang pagmamadali niya ay nadapa siya at natapon ang mga gamit. Hindi na niya yata namalayan ang mga bato kaya't napatid siya. Napatingin siya saakin at nagtama ang aming mga mata.
"Peach.. what are you doing here? Are you following me?"
"Obviously! What do you think?"
Nanlaki ang mga mata niya at napatakip ng bibig
"Y-you.. You bitch! What now? You're gonna kill me you freak?" Sigaw niya na ikinairap ko
"What the fuck are you talking about?"
Lumingon siya sa paligid na tila ba naghahanap kung may makakarinig saamin
"Ikaw 'yun diba? You're gonna kill me aren't you?"
"Why would I waste my freaking strength for you? Ayokong madumihan ng dugo mo."
Nanginginig sa galit ang kamay niya habang hawak ang kanina pang gusot na papel. Tila ba nag-iisip kung paniniwalaan ako. Sa pagkairita sakanya ay hinablot ko ang papel sa kamay niya.