After naming magkulitan ni Caleb eh umahon na kami sa pool. Pagkaahon ko ay saka ko palang naramdaman yung tama ng alak sa akin.
"Hahahaha weakling, nalasing ka talaga doon?" pang-aasar niya.
"Oo, nakatatlong bote din naman ako baliw"
"Oh tara na sa banyo para makapagbanlaw na tayo"
Pumasok na ko sa banyo at bubuksan ko na sana yung shower nang narinig kong may pumasok na tao. At pagkalingon ko, nakita ko si Caleb.
"Hoy ano ba? Wag ka ngang istorbo, kung mantitrip ka na naman eh ipagpabukas mo na lang dahil inaantok na ko, kailangan ko nang magbanlaw" pilit na tinataboy si Caleb.
"Ang arte mo naman Alex. Parehas lang naman tayo ng parte ng katawan."
"Eh sa ayaw ko ngang may kasabay, ikaw na mauna kung nagmamadali ka talaga" medyo naiinis ako.
"Kapag ako natapos dito eh bahala ka na umakyat mag-isa. Nakapatay pa naman yung ilaw, ikaw din."
"Paking shit naman, sige na nga sabay na"
Binuksan ko na yung shower at tumabi na sa akin si Caleb. Sabay kaming nagshampoo at nagsabon. Medyo nakakailang kasi naman sa ginawa niyang biro sa akin kanina. Sobrang awkward kapag naiisip ko, kaya di ko na lang ulit pinaalala.
Siguro sa kanya ok yon, sa akin kasi hindi. Sabihin na nating gay ako, at attracted na rin sa kanya, kaso hindi kasi ako sanay sa mga ganoong biro, yung tipong pati maselan na parte ng katawan ko ay hahawakan pa.
Binalewala ko yung mga bagay-bagay na tumatakbo sa isipan ko nang makita kong tinititigan ako ni Caleb ng maiigi.
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
"Wala ka bang balak buksan yung shower para makabanlaw na tayo?"
"Ah.. eh.. oo nga eto na, bubuksan na" akala ko kung ano na.
"Lasing ka na yata talaga."
After naming magshower, nagpunas kami ng towel para naman hindi kami magkasakit kinabukasan.
Pag-akyat namin sa kwarto niya, napansin kong dumiretso agad siya sa banyo sa room niya.
Habang nandoon siya ay nagbihis na agad ako. Maya-maya pa ay may naririnig ko na siyang naduduwal. Hahaha weakling pala ah, ok nang weakling kaysa naman sa feeling strong.
Pinuntahan ko siya sa banyo at nakita ko nga siyang nakasalampak sa lababo. Hinagod-hagod ko yung likod niya. At nang matapos niyang sumuka, kukuhaan ko sana siya ng tubig, pero naalala ko nga pala na nakapatay na halos lahat ng ilaw sa baba.
Sa sobra kong matatakutin ko, hindi na ko kumuha ng tubig. Aahahaha bahala siya dyan. Siya naman ang may kagagawan din niyan.
Buti na lang at nakita ko yung natira kong soda at yon na lang yung pinainom ko sa kanya. Siguro naman hindi na niya yon maaalala.
Inakay ko na siya pahiga ng kama niya nang mapansin kong nakatapis nga pala siya ng tuwalya. King ina naman nito napakapasaway.
Hahayaan ko ba siyang ganito o bibihisan ko pa ba siya? Tinry ko siyang gisingin pero puro groan lang yung naririnig ko. At dahil mabait akong bata, bibihisan ko lang tong tao na to.
Pumunta ako sa cabinet niya at humanap ng boxer shorts at sando.
Hindi ko na tinggal yung towel at sinuot ko na sa kanya yung boxer shorts. Medyo nahirapan ako dahil kelangan ko pang-iangat yung waist niya para lang masuot niya ng maayos yung shorts. Tapos sinuot ko na yung sando sa kanya, after kong gawin yon ay nahiga na din ako.

BINABASA MO ANG
The Hopeless Romantic Idiot
Narrativa generaleLove, Drama, Bully, Secrets, Sex..... I'm Alex Monterozo, your typical guy, ahmm to be more specific, gay guy. Naghahanap ng love sa mundong punong puno ng kasinungalingan at pagpapanggap. Dapat ko bang hanapin ang love or hintayin na lang? Wha...