Ligaw.
Yan ang ginagawa naming mga lalaki sa mga natitipuhan naming babae. Minsan mahirap, minsan hindi. Minsan naman sobrang tagal, minsan din naman saglit lang.
Bakit daw ganun? Bakit daw sa umpisa lang daw kami magaling? Bakit?
Nung umpisa, matatamis at mabubulaklak na salita ang nailalabas ng bunganga.
Nung umpisa, bulaklak at tsokolate ang dala-dala.
Nung umpisa, kahit di na makapasok sa klase para lang makasama ka.
Nung umpisa, gigising nang napaka-aga para lang gumawa ng isang napakahabang nobela para batiin ka lang ng "Magandang Umaga"
Masarap. Masarap talaga lahat sa umpisa.Noong nakita kita, nabighani ako sayong ganda. Naging crush kita.. Naging parangarap kita.
Tayo'y kasali sa isang paligsahan. Kung saan lahat ng naggagandahan at naggwagwapuhan ay nag tatagisan.
Ako naman tong nasa tabi lang, nagtatanggal lang ng tinga sa ngipin na parang isang unghang.Pasulyap-sulyap ako sayo sa may tabi ng entablado.
Palaging umaasa na sana'y mapansin mo.Naaalala ko pa yung nangyari saakin katawatawa, nung sumigaw ka ng "hoy!" saakin.
Nagulat ako. Napatingin ako sayo. Nakatingin saakin. Kinabahan ako. Kaya ang tanging nasabi ko lang ay "Huh? Ako??". Laking tuwa ko nang tinawag mo ako. Sobrang sarap sa pakiramdam ng napansin mo ako at mukhang kilala mo rin ang pangalan ko. Pakiramdam ko nasa langit na ako.. pero, panandalian lang pala yung tuwang iyon, nang sinabi mo saakin na "Hindi ikaw, si kuya na nasa tabi mo ang tinatawag ko".Akala ko ako na... tang ina.
Nung araw ng paligsahan, may artista akong kalaban.
Gwapo
Maputi
Matangkad
Chubby
Maayos ang buhok
Maayos rin manamit.
Meron ding isa pa na,
Matangkad
Maayos manamit
With braces kaya maganda ang ngiti
Sophisticated
Cool tignan
At famous pa sa buong campusDi tulad ko na,
Madungis
Magulo ang buhok
Payat
Puyat
Kulang nalang ang matokhang
Di marunong mag ayos
Simple lang manamit
At pwede na rin iconsider na panget dahil sa mga katangiang nabanggit sa itaas.Pero maniwala ka o sa hindi, ako ang nanalo ako. Hakot award pa!
Pero heto, balik tayo sa kwento. Nung nakuha ko ang Mr. Photogenic, imbes na matuwa ako, kinabahan ako at nanalangin ako na sana ikaw yung Ms. Photogenic para may litrato tayo. Ayun! Dininig ng Diyos ang panalangin ko. Ikaw ang Ms. Photogenic at nagkaroon tayo ng litrato sa photographer ng school natin.
Matapos ang paligsahan, dali-daling umuwi para buksan ang fb at hanapin at hintaying ipost yung litrato natin sa school page natin. Gabi na ng makita ko yung litrato nating dalawa na agad ko namang idinownload at pinost sa I.G. para pribado at konti lang ang makakita. Pero ewan ko. Hindi ko alam kung saang sulok ka ng mundo nanggaling at bigla mo nalang nakita yung pinost ko at naglagay ng kumento.
Matapos iyon, kilig na kilig ako. Pero syempre, kalma lang. Be cool. 'Wag na 'wag ipakitang mababaw ka at gusto mo yung babae. Dapat parang professional lang kaya pinost mo yung litrato. Sabi ko sa sarili ko.. kahit gustong-gusto ko nang magsisitalon at hampasin ang pader sa kaliwa ko.
Mas namula at uminit ang pakiramdam ko nang nag chat ka saakin ng "kuya.."
TANG INAAA!
Di ko na napigilan ang sarili ko. Oo na. Baliw na ako. Pero wala eh. Siya unang nag chat eh. Sino ba kaya sa buong mundo ang hindi magsisitalon at magsisisigaw kapag chinat siya ng crush niya? -______________-\\
Dito na nag umpisa ang lahat.
Sa unang pagkikita sa annex building.
Sa unang pagsasama sa library.
BINABASA MO ANG
Nilalahat [Drafting]
Short Story"There's always an exception in everything.." 'Wag na 'wag niyo kaming [*insert title here*]... All rights reserved 2017 @whtevrbunso