Doubt And Trust

18 1 4
                                    


You also need to Doubt.

You can trust me. Don't worry. I know how to keep a secret. At dahil dun sa mga salitang yun ng bago mong kaibigan, nagtiwala ka kagad sakanya. Sinabi mo lahat ng mga problema mo, mga sikreto mo, mga nangyari sayong personal, the likes. Sinabi mo lahat nang di nagdadalawang-isip kung mapagkakatiwalaan yung tao. Pano kaya pag ipinagkalat nya? Ipagkakalat ba nya? Huhusgahan ba nya ko? Yan ang mga tanong na dapat mong itanong sa sarili mo. Pero ano? Di ka nag-doubt. Binigay mo buong pagtitiwala mo na hindi mo alam na pinagkakalat na nang kaibigan mo ang mga sikreto mo. Uto uto ka kasi.

You also need to Doubt.

Mahal kita. Hindi kita iiwan. Ikaw lang ang mamahalin ko. Isa din yang mga salitang yan ang nagpaniwala at nagpauto sayo. Mahal mo sya, eh. Without even thinking twice, ibinalik mo yung mga salitang yun. After nun, di ka nagdoubt. Nung nagsimula ka nyang ligawan, sinagot mo sya ka agad. Di ka padin nagdoubt. Naging kayo, nagmahalam kayo, pero di padin nagdoubt. Nauto ka sa mga lambing nya sayo. Nagpauto ka sa mga sinasabi nyang nakakakilig sayo. Nagpauto ka sa mga pangako nya sayo. Pagkadaan ng ilang years, nagiging cold na sya sayo. Ilan beses ka na nyang iniwasan. Kasi alam mo ba? Ayaw nya na sayo. Sawa na sya sayo. Pero ito ka, naniniwala na magsasama padin ulit kayo. Nagpauto ka sa mga excuses nya. Di ka parin nagdoubt. Uto uto ka kasi.

Alam mo ang resulta? Ito. Iyak ka ng iyak kasi iniwan ka na ng kaibigan mo, iniwan ka pa ng mahal mo. Tinraydor ka ng kaibigan mo kasi uto uto ka daw. Ganoon din ang sabi ng mahal mo. Masakit, diba? Di ka man lang nagtira para sayo. Ngayon, sana matuto ka na. Wag kang magpauto. Wag ka magpaniwala.

You need to Doubt.

***

You need to Trust.

At dahil sa tingin mo na mapagkakatiwalaan mo sya, sinabi mo lahat ng mga sikreto mo. Binigay mo buong trust mo sakanya. Ang katwiran mo, why not? Mukha syang mabait na babae, at para namang wala syang masamang balak. Ang saya mo kasi ang feeling mo ay wala kang problema kasi may nasasandalan ka. May sinasabihan ka. Thankful ka dahil pinagkatiwalaan mo sya. Appreciate mo ang mga advices nya sayo na dapat mong gawin. Worth it naman pala,ang sabi mo sa isip mo.

You also need To Trust.

Nung marinig mo yung mga salitang binitawan ng mahal mo, kinilig ka. Sumaya ka. Napuno ng kasiyahan ang buhay mo. At dahil don, ibinalik mo yung mga katagang iyon sakanya. Nung nililigawan ka palang nya, binigay mo lahat ng trust mo sakanya. Nung sumunod na mga buwan, sinagot mo na sya. Naging kayo at patuloy kayong nagmamahalan. Give and take kumbaga. Pinagkatiwalaan mo sya na di sya magkakaroon ng ibang babae, na di sya magsasawa. Worth it pala sya, yan nasa isip mo.

***

Ngayon, ikaw na bahala ang magdesisyon kung saan ka pupunta. Kay Doubt o Kay Trust.

Oo, mahirap. Oo, nakakabaliw. Oo, nakakapanghinayang. Nakakapanghinayang nga pero kailangan mo din pagkatiwalaan sarili mo.

Mahirap, diba? Pag-isipan mo. Think about the consequences and circumstances that may happen. Very hard, pero kapag sinwerte ka, its worth it.

Think with the brain and heart.

Doubt And Trust {ONE SHOT}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon