HIS POV
"Joshua Cruz, don't tell me na na totorpe ka?"
Tss. Ibinaling ko sa bintana ang paniningin ko habang naka upo sa harap ko si Andrew na nakangisi sa akin ng nakakaloko.
"Hindi noh! Di ko lang talaga sya gusto."
Naiinis kong katwiran sa kanya na mas lalong nagpalawak ng ngisi nya. Hayy naku!
"Ows... sinong niloko mo? Eh kahit nga ata tulog ka pangalan ni Yassi ang nasa isip mo!"
Dumali pa itong si Jennifer. Porket makukulay ang love life nila eh ipinaghahanap na din nila ako.
Napakakulit talaga ng dalawang ito.
"Tss... tigil-tigilan nyo nga ako!"
Hayyy naku. Nahagip ng mata ko ang mga babaeng nagprapractice ng volleyball sa field pero sa isang babae lang natigil ang aking paningin.
Hayyy.. kahit ano naman ang gawin ko hindi din naman nya ako magugustuhan.
"Ang cute mo talaga! At super protective din! Parang kuya na kita sa pinaggagagawa mo!"
"Two days na lang at valentines day na."
"Hayyy... ano kaya ang plano ng isa dyan."
Nagpaparinig na naman ang dalawang toh. Naman!
"Balita ko, itatanong na daw ni Jason kay Yassi kung pwede nang maging sila."
"Talaga?! Sabagay halos apat na buwan na ding nanliligaw si Jason. Ang alam ko sabi ni Maya may gusto din daw si Yassi kay Jason."
Ano?? 0.0
"Kawawa naman ang friend natin, Andrew."
"Kaya nga Jen. Wala na talaga syang pag-asa. Ang torpe kasi eh."
Tumayo na ako at nagsimulang maglakad paalis.
Tsk. Kailangan kong umamin sa kanya bago magvalentines.
Agad naman akong napatigil ng marealize ko kung ano ang iniisip ko.
Pero paano kung may gusto nga sya kay Jason? Hindi ba mas magandang wag na lang ako umamin? Baka masira lang yung friendship namin dahil umamin ako.
Nanghihinang naupo ako sa isa sa mga nagkalat na bench dito sa school.
Ano? Aamin ba ako o hindi?
"Umamin ka na."
Muntik na akong mapatalon sa sobrang gulat. Napahawak ako sa dibdib ko at tiningnan ko saan nanggaling yung boses.
Sa tabi ng vending machine ay may nakatayo na isang...chubby na babae. Mahaba yung buhok nya at suot nya ang school uniform namin. May hawak sya isang cold coffee na in can at nakangiti sya sa akin.
Naglakad sya palapit sa akin at naupo sa tabi ko.
"Kuya, umamin ka na dun sa girl na gusto mo."
Sabi nya bago uminom ng kape. Nawiwirduhan ko syang pinanood.
Sino ba itong babaeng toh?
"Ah. Siguro nawiwirduhan ka sa akin kuya kasi bigla bigla na lang akong dumating tapos nakikisawsaw pa ako sa problema mo."
Buti alam mo? Tsk. Ibubuka ko na sana ang bibig ko para sabihin sa kanya na feeling close sya masyado pero naunahan nya na akong magsalita.
"Alam ko rin na siguro mukha akong feeling close at dapat di nakita pakalman kasi i should mind my own business."
BINABASA MO ANG
Torpe (One-Shot)
Short StorySi Joshua Cruz ang dakilang "TORPE" ng istoryang ito. Subay bayan kung paano aamin ni Joshua sa babaeng mahal nya sa kabila ng pagiging torpe nya.