High School Life

4K 11 0
                                    


Tandang tanda ko pa noong unang araw ko sa eskwela
Wala akong kakilala
Hindi ko alam kung sinong kakausapin
Ang daming grupo sino ba ang dapat piliin?

Akala ko magiging tahimik lang ang buhay ko
Pero dahil sa inyo naging maingay ito
Pinagtagpo ng hindi inaasahan
Paghihiwalayin din ng kapalaran

Kwentuhan, tawanan, asaran, iyakan pati na dramahan
Lahat 'yan napagdaanan
Sabay-sabay pa ngang nagkokopyahan
Huwag lang bumagsak at mapagalitan

Sa bawat araw na nakakasama mo sila
Lahat ng iyon ay may hangganan din pala
Pero ayos lang dahil hindi matatawaran
Ang mga alaalang kanilang iniwan

Kung iisipin ang lahat ng pinagsamahan
Parang 'kay hirap lahat paniwalaan
Sa apat na taon mo sa paaralan
Nakatagpo ka ng mga tunay na kaibigan

High school life
Kung saan mo unang natikman ang tamis at pait ng love life
Kung saan mo naranasang mag move on na
Hindi dahil sa love kundi sa subject na bumagsak ka

May pagkakataon pang pareho niyong ayaw ang isang kaklase
Paano ba naman papansin kasi
Kaya pag-uusapan na lang sa gc
Maglalabas ng hininaing dahil pagsinabi mo mismo, kawawa kasi

Nakasayan mo na sila riyan sa tabi mo
Nasasakyan lahat ng trip mo
Pero paano kung mawala sila?
Hindi man nila gusto pero kailangan talaga

Siguro masasabi mong ayos lang
Pero sa loob loob mo, ayos lang ba talaga?
Wala ka bang gustong sabihin sa kanila?
Sa mga kaibigan mong mahal ka?

Hindi bale na
May Senior High School pa
Alam kong magkikita-kita pa rin tayo
Kahit pa mga busy na kayo

Maraming salamat, salamat sa inyo
Sa mga gurong walang sawang nagturo
Sa mga magulang na laging nariyan
At sa mga tunay na kaibigan

Hindi makakalimutan ang lahat ng pinagsamahan
Nakatatak na iyan sa puso't isipan
Salamat, salamat dahil sayo, dahil sa inyo
Naging masaya at makulay ang high school life ko

Mga Tula ni LigayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon