Chapter 1 - Crush

106 19 7
                                    

"You make me nervous, in a good way. In a really, really good way."

Ellie's POV

Ako si Ellie isang simpleng batang lumaki sa isang mahirap na pamilya pero kahit mahirap kami ay masaya naman. Panganay na anak ako at nag-iisang babae. Madalas iniisip nila na tomboy ako pati ang tatay ko dahil ang paboritong kong laruin ay mga larong panlalake. Naalala ko si tatay nung minsan pinasundo sya saken ni nanay sa isang inuman dahil hindi naman sya sanay uminom.

"Tay, uwi ka na daw sabi ni nanay" pabulong na sinabi ko sa tatay ko.

Tinitigan ako ni tatay.

"Anak, ano ka ba naman"ang bungad ng tatay ko saken.

"Iisa ka na nga lang na anak kong babae e magpapaka-tomboy ka pa" dugtong na sabi nya.

"Naku, lasing na nga talaga si tatay. Kung anu-ano na sinasabi. Hindi naman ako tomboy" ang sabi ko sa aking sarili.

Mahilig ko kasing suotin ang damit ng mga kapatid kong lalake dahil mas komportable ako mag-short at naka-sando o naka t-shirt lang kesa yung binibili nila saken na puro bestida.
Siguro dahil sa itsura ko kaya akala ng tatay ko ay tomboy ako. Madalas kasing hinihiram ko yung short at sando ng kapatid kong lalake.

"Ate, bakit ba yung damit ko sinusuot mo e may damit ka naman?" inis na tanong ng kapatid ko.

"E kung gusto mo, suotin mo rin yung damit ko" nakangiting sagot ko sa kanya.

"E bestida yon e! Ano ako bakla?" nakasimangot na sabi nya.

"Hahaha!" natatawang sagot ko. Padabog na iniwan nya ako at lumabas ng kwarto.

Nagmamadali akong lumabas upang pumunta sa bahay ng best friend kong si Katie para makipag-laro. Bakasyon ngayon kaya marami kaming oras mag-laro. Pag labas ko ng gate ng bahay namin nakita ko si Mike kasama si Andrew. Bigla akong napahinto at napaatras. Crush ko kasi si Mike simula pa nung Grade 2. Matangkad, pogi, at mestizo kaya tinatawag namin syang "mestizong bangus". Hindi ko alam kung bakit pero tuwing nakikita ko siya e nahihiya talaga ako. Para bang may tumatakbong kabayo sa loob ng puso ko. Pero ayokong mahalata nya na crush ko sya dahil nakakahiya kapag nalaman niya.

Bukod sa mahiyain ako e napaka-pangit din ng tingin ko sa aking sarili

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bukod sa mahiyain ako e napaka-pangit din ng tingin ko sa aking sarili. Lagi kong iniisip na walang magkaka-crush sa akin. Siguro dahil lumaki ako na hindi pinupuri ng magulang ko. Hindi kasi sila tulad ng ibang magulang na nagsasabi sa kanilang mga anak na gwapo o maganda sila.

"Ellie!" tawag ni Mike.

"Mike, saan kayo pupunta?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

They Called It Puppy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon