Gloves

2.3K 76 5
                                    

2am kami nakalapag sa Canada at walang pansinang naganap sa pagitan ko at ng mag kakapatid.
Dahil narin siguro sa pagod sila sa byahe, kahit ako ay parang lumulutang parin ang pakiramdam kahit na nag lalakad na ako.

Pag baba namin ay may sasakyan agad na sumundo sa amin at agad din kaming sumakay.
Katabi ko si Daemon at Vicku sa harapan.
Si Galen, Jaythan, Bryon, Zac at Alexus naman ay nasa bandang dulo na ng upuan.
Mala-Van ang sasakyan kaya nakapaikot kami sa isang lamesa na para bang sala set parin ang itsura.
Siguro kung papipiliin sila kung anong parte ng mansion ang gusto nila, ang sasabihin nila ay sala set.
Hindi na ako mag tataka dahil kahit ang library nila ay ganun.

Sobrang bigat ng mga mata ko sa byahe, at hindi ako nakatulog ng maayos  sa kakaisip sa mga nangyari na kanina lang naganap.
Panay ang bagsak ng aking ulo sa antok dahil narin sa hindi ako makasandal ng maayos.

Hanggang sa may naramdaman akong humawak sa aking kaliwang pisngi at itinagilid ang aking uluhan.
Si Vicku pala.

Sumandal ka sa akin, libre lang naman.

Sabi nya ng nakangiti, nakaramdam naman ako ng pagka komportable dahil hindi lang ako basta makakaidlip kundi sa balikat pa ito ni Vicku.
Ipinikit ko ang mga mata ko at nag padala sa antok.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog, nagising lang ako ng biglang hindi ako makahinga.
Bigla akong napadiretso ng upo at dumilat.

Hahahaha

Mahinang tawa ni Daemon na tinakpan ata ang ilong ko kaya ako nagising.
Napatingin naman ako sa gilid ko at nakita ko si Vicku na pabagsak na sa aking likuran dahil nakasandal din pala sya sa akin habang natutulog.

Ang sweet pala naming dalawa.
Sana totoo nalang.
Dali dali akong muling sumandal sa upuan at pinasandal ulit si Vicku sa akin na mukhang malalim ang tulog.
Tinignan ko ng masama si Daemon na tinakpan ang kanyang bibig.

Hindi nalang ako nag salita at hinayaan sya sa kalokohan nya saka ko tinignan si Vicku at hindi ko mapigilang mapangiti dahil dun.

Itigil mo nga yan.

Bigla nyang sabi sakin saka pinitik ang pisngi ko.
Hindi ko naiwasang gumalaw at hahampasin ko sana sya nang biglang magising si Vicku at naupo ng maayos saka tumingin sa paligid.

Malapit na ba tayo?

Tanong nya samin ni Daemon.
Nakataas pa ang kamay ko at handa na syang hampasin pero natigio dahil narin sa nagising sya.
Tumingin sa bintana si Daemon at saka kinlaro ang kanyang lalamunan.

Still, two hour left to arrive.

Sagot ni Daemon kay Vicku na tumango lang.
Hindi ko naman naiwasang mag taka at mapatanong.

San tayo pupunta?

Tanong ko sa kanila.
Siguro ay mag ccheck-in kami sa isang hotel pero wala kasi akong idea kung saan yun banda.

Sa mansion.

Sagot naman ni Daemon sakin.
Nakatingin ako sa kanya ng may kasamang pagka gulat.

Mansion? Diba nasa pilipinas ang mansion?

Muli kong tanong sa kanila.
Tumingin ako kay Vicku na mukhang pinipigilang ngumiti, pero si Daemon ay tumawa talaga.

Alam mo ba kung gaano kami kayaman? Lahat ng bansang pinupuntahan namin meron kaming Mansion.

Mayabang na sabi sakin ni Daemon.
Lumingon naman ako kay Vicku para malaman kung totoo at tumango sya.
Nakakaloka ang yaman ng pamilyang ito, lumalagpas sa pilipinas.

Nanahimik ako sa pwesto ko matapos nung nalaman ko.
Nag palipas ako ng oras ng pasimpleng tumitingin sa bintana dahil unti unti ay sumisilay na ang liwanag.
Ang ganda sa Canada mula sa mga punong nasa gilid ng kalsada at mga kotseng iba iba ang itsura mapag hahalataang sagana at maunlad ang bansang ito.

Alam mo bang mas malamig sa labas kesa sa loob ng sasakyan.

Sabi ni Vicku, parang hindi naman ako makapaniwala sa sinabi nya.
May mas lalamig pa pala sa aircon ng sasakyan. Palibhasa sa pilipinas pag lumabas ka ng sasakyan ay parang hihimatayin kana sa init.

Sa ngayon hindi pa umuulan ng snow, pero anytime pwede iyong bumagsak at mas lalamig ang panahon.

Dagdag nya pa.
Tumango lang ako sa mangha.
Ang talino talaga ni Vicku, ang daming nyang alam pero hindi nya nalang ipina-aalam sa iba.

Ilang oras muli ang lumipas at dumaan na kami sa city.
Akala ko pa naman ay dun lang kami pero lagpas pa ata sa city ang mansion nila.
Unti unti ay muling dumadami ang mga puno at puro halaman nalang ang makikita sa gilid ng kalsada hanggang sa may makita akong malaking bahay na mala-kastilyo ang itsura.

Grabe. 10,000,000x ang yaman ng pamilya nila.
Ang akala ko ay mansion lang na gaya sa pilipinas pero may mas grabe pa pala dun.
Pag dating doon sa entrance ng mansion ay para itong gate ng isang kastilyo na merong guards na nag babantay.

Pag tigil namin sa harapan ng mansion ay isinuot na nila ang mga coat, jacket at kung ano man ang susuotin nilang pag ginaw.
Pwede kasing mabuksan ang compartment ng sasakyan mula sa loob.

Habang sila ay nag susuot at nag hahanda bago lumabas sa kotse, ako naman ay hindi malaman kung anong susuotin ko.
Anong isusuot ko?
Hindi na maipinta ang akinh itsura habang naka tingin sa mga ibinigay nila sa akin para suotin.

Riley. Ano na?

Tanong sakin ni Galen na muling ibinalik ang maleta nila sa compartment para makuha ng guard mula sa labas.
Napapikit nalang ako saka ako humawak ng damit mula sa aking maleta. Kung ano ang makuha ko ay bahala na.

Pero bago ko pa mahawakan ang gamit ko at may pumigil sa akin at agad akong napalingon.

Ito, isuot mo.

Sabi ni Alexus na nasa harapan ko at inihagis sa mesa sa aming harapan ang isang makapal na jacket.
Buti nalang at nanjan ka Alexus.
Agad ko itong iniabot at patay malisya nalang sa kung ano man ang ginagawa ng mag kakapatid.

Nang okey na lahat at naunang buksan ang pintuang nasa gilid ni Zac at agad syang tumakbo palabas.
Sinundan ko sya ng tingin habang pababa ako ng sasakyan.
Pag hakbang ko palang ay talagang mararamdaman mo na ang lami ng hangin.

Maligo ka parin kahit malamig ang panahon ah.

Sabi ni Daemon na nauna saking lumakad.
Umuusok ang aking bibig at dahan dahang nag lalakad.
Buti pala walang winter sa pilipinas kahit na maraming humihiling nun.

Muli kong naaninag si Zac na palapit sa akin.
Sandali syang tumigil sa harapan ko at hingal na hingal.

Sorry, nalate ako ng ilang minuto. Hehe

Sabi nya saka inabot ang aking kamay at sinuotan ng gloves.

Ayan, wag kana mag selos. Yung tinawagan ko nung nakaraan tungkol yun dito. alam ko kasing hindi mo maiisipang mag dala kaya bibili nalang ako ng para sayo.

Sabi nya ng nakangiti.
Isinuot nya rin sa akin ang hood ng jacket na ibinigay ni Alexus.
Saka nya hinawakan ang kamay ko at sabay kaming lumakad papasok sa Mansion.

Habang nag lalakad kami papasok ay pakiramdam ko nasa kastilyo ako sa beauty and the beast.
Bakit ba ang ganda ganda ng mansion na ito?
At ang nakakamangha pa dito at pitong nag ggwapuhah prinsipe ang nakatira dito.
Maliban sa isa na mukhang naging babae na.

Bumukas ang pintuan ng mansion at bumungad ang nakapa gandang loob nito.
Nakaka touch ang itsura nito at waoa akong masabi.
Meron itong malaking chandelier sa taas at red carpet paakyat sa hagdan.

Welcome back Ryders!

Napatingin ako sa taas at bumungad ang isang gwapong lalaki na nakatayo sa gitna ng hagdan na nag hahati sa dalawang hallway sa taas.

Tracer Bro!

Sigaw ni Jaythan saka ito patakbong yumakap dun sa lalaki.
At sino naman kaya sya?

Beauty and The seven Beast || Complete ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon