Chapter 1

450 16 0
                                    

Chapter 1: Mahirap maging panget

Mahirap maging panget

*BOW*

Mahirap maging panget dahil kahit saan ka mag punta may mga taong nanglalait sayo

Mahirap maging panget

dahil dinadown ka ng ibang tao

Mahirap maging panget dahil hindi ka crush ng crush mo

Mahirap maging panget dahil..

dahil..

Wala na akong maisip basta mahirap maging panget katulad ko

Makapal ang kilay, napaka kulot ang buhok tapos medyo maitim..

hay..

bat ba sa lahat ng tao ako pa ang hindi biniyayaan ng kagandahan?

pwede naman yung ibang tao na masama ang ugali para matching naman diba?

yan ang paulit ulit na mga tanong na nasa isip ko.

bakit ako pa?

"ANGEEEEEEEEEL!!!!!"

"Ay kalabaw ni batman!"

ayan na ang dragon bumubuga na ng apoy

"PO??!!"

"BUMABA KA NA DITO AT MAG ALMUSAL NA! ANDITO NA SI LYZETTE!!"-Mama

hindi naman malaki at mataas ang bahay namin bat kailangan pa ni mama sumigaw ng napaka lakas eh pagbukas ko ng pinto makikita ko naman kaagad ang sala kung saan sila mama at lyz tsk.

"Opo! bababa na!!!"

bago ako bumaba tumingin muna ako sa salamin sinuklay ang buhok kahit hindi masuklay at nilagay na ang ribbon clip ko sa buhok pagkatapos ay bumaba na din

ay kinuha ko pa muna ang bag at lumabas na

pagbukas ko ng pinto nakita ko ang napaka ganda at napaka sexyng Dragon este Nanay

"Good Morning Best!" bati kaagad sa akin ni Lyz habang bumababa pa lang ako sa hagdan na hindi naman kahabaan

"Good Morning din best! aga mong pumunta dito ah" sabi ko nang nakababa na ako sa hagdan 

"Hehe excited kasi ako dahil first day of school ngayon"-Lyzette

oo nga pala first day of school ngayon at kami ay College na yehey \(^o^)/

"Ah kaya pala haha ako din hindi ako excited" sabi ko at umupo na sa upuan

Kinurot ni Lyzette yung mukha ko at nagsalita

"Hindi naman yan ang sinabi ko eh ang sabi ko EX-CI-TED ako"-Lyzette

talaga bang isigaw yan sa tenga ko?

masakit yun ah!

Sumigaw din ako sa kanya

"OO DINIG KO! Hindi po ako BINGI!"

"ANO MAGSISIGAWAN NA LANG BA KAYO JAN??!!"-Mama

Okay and the winner is!

tentenenen!!!

Mrs.Ma. Yvette Maktangan!

pagdating sa sigawan hindi magpapatalo ang nanay ko the best kaya tong sumigaw mwahahaha

tumahimik na kami ni Lyz pero siniko ko siya sa gilid

"Ikaw kasi eh" sabi ko ng pabulong baka marinig ni mama yung sabi ko

diba kapag dragon malakas ang sense of hear niya kaya dapat idaan sa bulong ang sasabihin bago pa makatikim ng napaka gandang batok sa kanya

siniko din ako ni Lyzette sabay sabi ng pabulong

"Anong ikaw? ikaw kaya jan"-Lyzette

"Che! ikaw kaya!"

tumahimik na kaming dalawa nang humarap na si Mama sa aming dalawa

"Oh heto na ang ulam kumain na kayo para hindi kayo malate"-Mama

"Opo" sabi namin ni Lyz kay Mama

Pagkatapos naming kumaen..

Syempre nag toothbrush pa ako at nag ayos ng sandali

Pagkatapos nun ay gorabells na kami ni Lyz

"Ma alis na po kami!" sigaw ko kay Mama

"Oo halata naman eh nasa pintuan na kayo oh!"-Mama

Tsk. (-_-''')

"Alis na po kami thank you po Tita"-Lyz

"Oh siya umalis na kayong dalawa para matahimik natong bahay"-Mama

Haist si mama talaga oh (-_-'')

"BAAAABAAAYYYY MAAAAAA!!!!!"-Ako

Pagkatapos kong sumigaw ng babye ay hinila ko si Lyz at kumaripas na ng takbo ayaw na ayaw kasi ni Mama na sumisigaw ako ng ganun xD

"Teka lang Gel"-Lyz

Huminto kaming dalawa at hinihingal

"Bat tayo tumatakbo? Eh may kotse naman ako"-Lyz

"Ay, oo nga pala noh?" sabi ko habang hinihingal

nagkatinginan kami ni Lyz ng ilang segundo at tumawa ng malakas

Oo na panget na nga ako, isa pang Eng eng tsk.

bumalik na naman kami ulit ni Lyz sa bahay namin

dahan dahan kaming lumakad papunta sa kotse ni Lyz para hindi kami makita ni Mama

"ANGEEELL!!"

okay huli na ang lahat tsk.

lumabas si Mama sa bahay at nameywang

"Aalis ka lang na walang dalang pera?! tapos iniwan niyo pa tong kotse mo Lyz, eh hindi naman ako marunong mag maneho!"-Mama

Panget na, eng eng na shunga pa :D

kinuha ko yung pera na inabot ni Mama sa akin

"Hehe Sorry Ma :D"-Ako

"Oh siya! umalis na nga kayo!" sabi ni Mama na parang tinataboy kami ni Lyz

"Opo aalis na tsk"

Sumakay na kami sa kotse ni Lyz, at umalis na papuntang school..

Feeling ko hindi Maganda ang First day ng College life ko..

--

wahahaha at last! natapos ko ang Chapter 1 xD isang character muna ang ipapakilala ko sa inyo :D

Chapter 2?

Soooooon.....

Please Comment, Vote, Insult de joke lang :D xD

Comment and Vote po kayo guys :)

-Chichaii

[ON HOLD] Panget Ako Maganda Siya Osige Kayo Na Lang (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon