Chapter 8 - Long Weekend (Part 2)

2.3K 43 0
                                    

Aia's POV

Ginamot na ni RD yung bukol ko. Takte yun, kung diinan ng yelo yung ulo ko ganun-ganun na lang! Kaasar talaga yun!

Namamasyal kami ngayon ni RD sa isa sa mga sikat na tourist spot dito sa Tagaytay, maghahapon na rin nung dumating kami dito sa Picnic Grove.

Pinagbaon kami ni manang ng mga pagkain. Nagtataka nga ako dun sa mga tao dun sa mansion kasi ang weird nila. Pagkalabas nga namin kanina ni RD sa kwarto nakita namin sila Manang Lucia at si Marie, di ko alam kung hinihintay lang kaming lumabas sa kwarto.

Narinig ko pa si Marie na nagkkwento dun sa isa pang katulong na ang bilis daw namin ni RD gawin 'YUN'.

Yun siya ng yun eh di ko alam kung ano sinasabi nila. Kinwento ko nga kay RD yun, as usual nag-tss na naman siya. Naka-poker face pa nga eh!

"RDelicious, mamaya kapag madilim na punta tayo dun sa Sky Ranch, sakay tayo sa may ferris wheel. Eeeh... na-eexcite na ako! hihihi..." pagtingin ko sa kasama ko hawak lang niya yung cellphone niya at may katxt. Nakaupo kami ngayon dito sa may mga bench at kumakain ng mga baon namin.

"RD..." di pa rin niya ako pinapansin. Busy pa rin siya sa pagttxt!

"Huy!"

"RENZ DAMIAN!!!!" lumingon na siya sa akin.

"What?" huh? anong problema nito?

"Kanina pa kita kinakausap pero di mo naman ako pinapansin! Txt ka ng txt dyan!" binitawan lang niya yung cp niya sa may mesa at nag-iwas ng tingin. "May problema ba? Sino ba yung ka-txt mo?"

"Si daddy."

"Si Tito? Uy sabihin mo namimiss ko na sila ni tita! Di ko na sila na-ttxt o kaya natatawagan, nakakahiya naman!" nagpangalumbaba naman ako habang nakaharap sa kanya at nakatingin sa akin. Ang seryoso ng mukha niya.

"Malapit na debut mo." napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

*Processing....*

Oo nga pala, pero sa September pa birthday ko! Hmmph.. excited much naman itong si RD.

"Ah oo! Why? Kaya ka ba seryoso kasi pinag-iisipan mo yung gift mo sa akin? Anubey!!! Kahit madaming chocolates at mag-take out ka lang ng spaghetti sa jollibee okay lang sa akin! hehe"

"Tss... kaya ka tumataba eh!"

"Eh matagal pa b-day ko ah, ikaw nga muna eh! Magse-second year college pa tayo, magsa-summer pa muna. Hwag kang mag-alala kasama ka talaga sa 18 roses ko! hehe"

"Baliw!"

"Cute naman! hahaha"

Medyo nagbago na ulit yung mode ni RD, nag-asaran lang kami ulit! Lagi pa nga niya pinipitik yung noo ko eh di ba may bukol ako doon? Ang sakit tuloy lalo!!!

Namasyal lang kami kung saan-saan, gaya sa Paradizoo. Tapos sabi niya bukas na lang daw kami magpunta sa Zipline, tapos mamayang gabi dun sa Sky Ranch para sumakay sa ferris wheel!!!

Excited!

----

Papunta na kami ni RD ng parking lot ng biglang may tumawag sa kanya.

"Hey Anj...andito na kayo?... O sige puntahan namin kayo dyan... okay!.. sige.. bye! Love you!" tsk! So andito si Angeline? Akala ko ba may lakad yun?

"RDelicious akala ko ba may pupuntahan si Angeline, bakit nandito siya?" Ini-start na niya yung engine ng sasakyan.

"Yeah, pero hindi natuloy. Kaya sumunod sila dito ni Jake."

Make You Feel My LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon