Chapter 2

371 13 5
                                    

Chapter 2: Hidden Identity

Jamaica's POV

"Ateeeeee!!!!!!!!!!! gishing naaa!"

Ugh.. Ang aga aga nambubulabog na tong makulit kong kapatid

"Oo na gigising na si Ate.. Mamaya."

"Ngayon na daw shabi ni Mama!!"

Mahirap talaga pag ang kapatid mo ang naging alarm clock mo every morning

Bumangon na ako sa kama ko at inayos sandali ang magulo kong buhok

"Yehey! Gishing na shi Ateeh!!"

Tsk. To think na isang 4 years old na bata ang alarm clock ko (-_-'')

"Sige na bumaba ka na dun Jake, maglilinis lang ng kwarto si Ate" sabi ko sa kapatid ko sabay ngiti sa kanya

"Okayy Ateh!"

Pagkasara ng pinto agad akong humiga ulit sa kama ko

Inaantok pa talaga akoooo...

Nang biglang pumasok ulit si Jake

"Ateeh! Sabi mo mag aayos kah??!"

Napabangon ako bigla dahil dun tsk.

"Oo heto na nga ho, nagaayos na si Ate"

Tumayo ako at inayos yung kama ko

Tinignan ako ng ilang segundo ni Jake at umalis agad

Napabuntong hininga ako at inayos na yung kama ko

ako nga pala si Jamaica Suralvo isang lalake na na trap sa katawan ng babae

De joke lang..

Wala namang magic sa totoong buhay Magic sarap lang

Isa akong lesbian, pero hindi pa alam ni Family ko na ganito ako

Naka guy cut nga ako pero ang akala ng Family ko eh talagang na iinitan lang talaga ako sa mahabang buhok (-_-'')

Hindi pa kasi ako Ready..

Alam kong hindi ako tatanggapin nina Mama at Papa ng isang kislap lang, at kung iisipin anak ng isang may ari ng pinaka malaking company ay isang Lesbian? Ano na lang ang sasabihin ng mga empleyado at business partners ng Papa ko?

Napabuntong hininga na naman ako ulit..

Mas gusto ko pang ganito na lang ang sitwasyon ko kesa naman aaminin ko sa mama at papa ko kung ano talaga ako..

Napatingin ako sa salamin at tinignan ang sarili ko

"Kaya ko pa naman tong itago.."

Pumunta na ako ng banyo at naligo pagkatapos ay nagbihis at nag ayos ng sarili

At..

Binuksan ang pinto lumakad ng konti at

Bumaba na xD

Pagbaba ko nakita ko si Mama, Papa at si Jake na kumakain na ng almusal

"Oh ayan na pala ang Princessa ng Buhay ko"-Papa

Tsk. Di ba pwedeng prinsipe na lang pa? (-_-'')

"Ayan ka na naman Papa eh" sabi ko sa kanya ng nakaupo na ako

"Oh bakit princessa?"-Papa

Kahit business man ang Papa ko at may ari ng Companya di talaga madedeny na Napaka Corny niya -_-

"Hindi na ako bata para tawagin mo ako ng ganyan"

"Honey! Tignan mo ang nangyari sa princessa natin!" sabi ni Papa with matching arte effect

"Hon, tama naman si Jam 2nd Year college na siya hindi na talaga bata yan"-Mama

Haha mahal na mahal ko talaga si Mama!

Nagpout si Papa at nag iinarte (-_-'')

"Honey naman eh"-Papa

"Hayaan mo na si Jamaica Hon, gawa na lang tayo ng another princess" sabi ni Mama with matching seductive smile

(-_-'')

Binilisan ko na lang ang pagkain ng almusal ko para hindi na ako makarinig pa ng kung ano ano..

Pagkatapos kong kumain ay umalis na din ako

Sumakay na ako sa kotse ko at pinaharurot na papuntang school.

Naka survive ako ng 1 year..

At ngayon dapat maka survive ulit ako sa 1 year nato (-_-'')

First day of 2nd Yr College life ko..

Ano kaya ang mangyayari sa first day ko?

--

Chapter 3?

Next Picture...

Please Comment and Vote po :)

I need Inspiration kahit isang comment mo lang na iinspire na po ako :D

-Chichaii

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

[ON HOLD] Panget Ako Maganda Siya Osige Kayo Na Lang (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon