So, this is just a try.
First time, this story is a result from a boring summer. :x
---
Chapter One:
“Lolo,” tawag sakanya ng isang binata, “Kumusta na po kayo?” tanong nito sakanya. Ang mga batang ito ay buwanang dumadalaw sakanila, sya si Lindon, nasa isang Home for the Aged, 65 years-old.
Nalaglag mula sa kamay nya ang dalawang litrato, “Oh, lolo, sino po itong lalaki sa larawan?” tanong ng binata, “Ako yan,” sagot nya. “Wow! Lolo ang gwapo mo pala,” sabat ng kasama nitong dalaga, “Eh, lolo sino po itong babae sa isang litrato?” tanong ng dalaga. “Sya, sya ang nag iisang babae na minahal ko”
(49 years before)
“Lindon!” tawag sakanya ng isa niyang kaibigan, “Bakit na naman?” naiiritang tanong nya, “S-si Piiiiiig,” natatawang sabi nito. Mula sa malayo, nakita nyang papalapit sakanya si Pola Inocencio Gregorio, kunin ang mga initials ng pangalan nito at mabubuo ang salitang P-I-G. Isa ito sa mga pinagtatawanan ng mga kaibigan nya sa school, dahil bagay na bagay daw ang pangalan nito dito, bilugan kasi ang katawan nito, sa madaling salita, mataba. Kung may isang bagay na ikinagaganda ito sa mata ng mga kaibigan nya, yun ang buhok, sabi nila, maganda daw ito kapag nakatalikod, huwag na lang daw haharap. Maganda kasi ang buhok ni Pola, hindi na kailangan i-rebond pa, natural na kumbaga. Sabi ng mga kaibigan nya, bagay daw sila, Beauty and the Pig nga lang, sya ang Beauty at ito ang Pig.
Iniwan na sya ng mga kaibigan nya paglapit ni Pola sa grupo nila. “H-hi! L-Lindon,” nakangiting bati nito sakanya, “Hello, Pola,” bati nya dito. Inabot nito sakanya ang isang sobre, “Mamaya mo na lang basahin Lindon, bye,” paalam nito. Tiyak niyag aasarin na naman sya ng mga kaibigan kapag nakitang binabasa nya ang sulat na galing kay Pola, kaya naman agad nya iyong itinago sa bag nya. Pag dating nya sa classroom wala pa ang terror teacher nila, agad syang nilapitan ng isang kaibigan, “Hi! Lindon!” pang aasara nito, ginaya pa nito kung pano magsalita si Pola at kung pano ito lumapit sakanya, alam ng lahat na may gusto ito sakanya, halos lahat naman daw may gusto sakanya, dahil nga daw sya ang beauty king ng campus nila.
“Tigilan mo nga ako, Ralph,” suway nya sa kaibigan, “Oh, pare bawal pikon, ano naman sabi ngayon sayo ni Pola?” tanong nito, “Wala,” sagot nya. “Okay class, bring out your homework,” sa wakas, dumating din ang teacher nila, at matitigilan na si Ralph sa pang-aasar sakanya. Pagbukas nya ng bag nya, “Patay! Nalimutan ko pa yung libro ko sa locker,” sabi nya sa sarili. Lahat na nakalagay ang libro sa ibabaw ng kanya-kanyang armchair, sya na lang ang wala. “Mister Vilerio, where’s your book?”tanong ng teacher nila, “Ma’am, naiwan po sa locker,” sagot nya, “Mister Vilerio, alam mo naman hindi magandang dahilan yan, alam mo na ang gagawin mo,” sabi nito, agad syang tumayo at pumunta sa likod ng classroom. Isa’t kalahating oras syang tatayo sa likod at nakaharap sa pader, “Hi! Lindon,” pang aasar ni Ralph ng dumaan sya sa harap nito. “Ang hirap talaga pag fourth year highschool, pipigain ka hanggang sa hindi ka maka-graduate, kainis!” naiinis nyang sabi sa sarili. Kalahating oras pa lang syang nakatayo at nangangalay na ang binti nya, nang may pumukol ng papel sa ulo nya, palihim syang sumilip at nakita nyang naktingin sakanya si Ralph at dumila pa ito, sakto naman at nagsusulat ng notes sa whiteboard si Miss Pagtaguan, kaya naman pinukol nya ulit kay Ralph ang papel na pinukol nito sakanya, muli syang tumalikod. Muli, may pumukol ulit sa ulo nya, at this time, mas malaki na ang papel, kinuha nya iyon at ipupukol sana ulit kay Ralph, ng makita sila ng teacher nila, “Mister Vilerio, balak mo ba ako pukulin ng papel na yan?” tanong nito, umiling sya. “Mister Ralph Fernando, mas masaya siguro kung sasamahan mo si Mister Vilerio sa pagtayo nya sa likod,” sabi nito kay Ralph, mula sa kinauupuan nito, tumayo si Ralp at pumunta sa tabi nya. “Okay class, kumuha kayo ng papel,” utos nito sa iba pang estudyante. Narinig nyang nag rereklamo ang ilan sa mga ito, siguro dahil hindi nakikinig sa lesson at ayaw magquiz. “Okay, crumple your papers,” utos nito, “kayong dalwa, pumunta kayo dito sa harapan,” agad naman silang nagpunta sa harap. “Gusto kong, pukulin nyo sila ng mga hawak nyong papel, kapag kayo hindi nyo sila pinukol hindi kay magte-take ng break nyo” dagdag pa nito, kaya naman pinukol sila ng papel at kung anu-ano pang basura sa classroom. Isa sa mga kaibigan nila ang kumuha ng basurahan sa classroom at sinabog sa kanilang dalawa ni Ralph. Matapos magkalat, “Sige na class, take your break, kayong dalawa, maiwan kayo, maglilinis pa kayo ng classroom,” saad ni Miss Pagtaguan. “Pagminamalas nga naman oh,” sabi nya sa sarili.
Naubos ang thirty minutes break time nila kakalinis. “Ikaw kasi Ralph, puro kalokohan ka eh,” sita nya sa kaibigan, “Ako pa? Ikaw kasi eh, bumabawi ka pa,” sagot nito, “ang baho naman nung basura na sinabog ni Cael sa loob,” sabi nya dito. Nagdatingan na ang iba nilang classmates, “Cael!” tawag ni Ralph sa isa pa nilang kaibigan,”di ka man lang nagdala ng pagkain,” sabi nya dito, natawa lang ito, “sarap maglinis nu?” pang aasar pa nito. Matapos ang last subject nila, uwian na. “Pare, kain muna tayo,” aya ni Cael. “Next time na ko sasama,” paalam nya sa mga ito. Pagdating sa bahay, kumain sya at nanuod ng tv, buti na lang at biyernes ngayon at makakapagpahinga sya bukas. Naalala nyang may CAT pa pala sila, kaya kailangan nya pang matulog ng maaga. Bago sya matulog, inayos nya muna yung gamit nya, nakita nya yung sulat na binigay sakanya ni Pola kanina sa school, binasa nya iyon:
Dear Lindon,
Hi? Sorry kung dahil sa akin pinagtatawanan ka ng mga kaibigan mo. Gusto ko lang malaman kung ok lang ba na i-add kita sa facebook. Baka kasi pag in-add kita ay hindi mo naman i-confirm. Gusto ko rin malaman kung ok lang na maging magkaibigan tayo. Gusto ko rin sanang malaman mo na crush kita. Ok lang ba? Madami akong alam tungkol sayo. At alam ko namang marami din nagkakagusto sayo. Sana pumayag ka na maging magkaibigan tayo.
-Pola
“Pagtapos maging magkaibigan? Ano naman next na hihingin mo? Magkagusto din ako sayo?” sabi nya sa sarili. Naiinis sya sa mga gantong uri ng babae, bakit kailangan sila pa ang lumapit sa lalaki? Hindi ba nila alam na yung iba sinasamantala na yung pagkagusto nila sa mga lalaki? “Tapos pag niloko kayo, sasabihin nyo pare-pareho lang kami, samantalang yung iba sa inyo, sila pa lumalapit sa amin.” Pagtapos nya iyon basahin ay natulog na sya.
---
BINABASA MO ANG
Beauty and The Pig (Tagalog)
Teen FictionSabi nga nila, kung kayo talaga ang para sa isa’t isa kayo pa rin sa huli, kahit laos na kasabihan totoo naman, at ang pagseselos ay hindi palaging nangangahulugan ng kakulangan ng tiwala, minsan mahal ka lang talaga ng isang tao kaya nagagawa nyan...