Bagong school year nanaman :) Bago ang lahat papakilala ko muna ang mga characters.. Totoo tong storya na to kaya nga BASED ON A TRUE STORY eh HAHHAHA G na :) And dalawang character na itatago ko sa pangalan na Nikkie at Cole.. First day of class gumala ang magtotropa na sila Nikkie samantalang sila Cole naman at ang kanyang tropa ay nagkwekwentuhan sa classroom nila.. Isang araw nakita ni Cole at mga tropa niya si Nikkie kasama rin ang kanyang mga tropa.. Simula ng araw na yun madalas inaasar ni Cole si Nikkie , pikon na pikon si Nikkie kay Cole hanggang sa dumating yung araw na nainlove sila sa isa't isa.. Sinimulan ng ligawan ni Cole si Nikkie hanggang sa naging sila na.. pero wait! Hindi pa yun yon.. Dumating yung araw na nagkagusto si Nikkie sa ibang lalaki , iniwan niya si Cole ng parang ewan lang pero nakarma si Nikkie , niloko lang siya ng lalaki.. Isa pang araw binalikan niya si Cole at nagsorry , speechless lang si Cole sa mga pangyayare , iniisip niya kung papatawarin at tatanggapin niya ba ulit si Nikkie o hindi.. Dahil matagal sumagot si Cole , nagsalita si Nikkie at sabi niya "Kung hindi mo na kayang tanggapin muli ako at hindi mo ko mapapatawad ok lang.. basta nandito lang ako para sayo.. At nagsosorry ako sa mga nagawa ko" .. After a few minutes nagsalita na si Cole "Sige na ok na.. alam mo naman na mahal na mahal kita eh" .. After magsalita ni Cole , bigla niya nalang niyakap si Nikkie hanggang sa tuloy tuloy na ang kanilang relasyon at patibay na patibay ^___^ Nagmamahalan ng sobra sobra at sagad sagaran.. Example to ng isang lalaki na tanggap na tanggap ang babae kahit gaano pa kalaki kasalanan niya , kahit gaano siya nasasaktan minamahal at minamahal pa rin niya ng lubusan ang babae.. Ito ang matatawag ko na TRUE LOVE :)) Dahil wala naman taong perpekto para di makagawa ng kasalanan diba? Kung kay sa pangaraw araw nga nakakagawa tayo ng kasalanan eh , kay God nakakagawa tayo ng kasalanan , sa tao pa kaya? Kung si God kayang kaya magpatawad ng tao kahit ilang beses pa gawin o ulit ulitin ang kanyang kasalanan , kaya dapat ang tao ganun din ^_^ Kung mahal mo talaga ang isang tao kaya mong gawin , magskripisyo para sakanya.. Yun lang ;)