"Gusto kita!" sabi sa akin ng isang hindi ko kilalang lalaki.
"Eh ano ngayon?!" kita ko sa kanyang mga mata ang lungkot dahil sa mga binitawanan kong salita.
Alam kong harsh 'yung sinabi ko, pero anong magagawa ko?! Eh sa hindi ko siya gusto .At saka ang panget niya. Singkit na mata (hindi tulad nang nasa mga koreanong teleserye na ang gagwapo), maliit na ilong, maitim at tsaka pandak (mga 5'2) di babagay sa akin na 5'9 (hindi pa nga ako nagsusuot ng heels ha!). Inilarawan talaga?! OO!! Para malaman nyo na may karapatan akong tanggihan siya. Makikita n'yo naman na hindi kami bagay di ba?! Alangan naman sabihan ko siya ng mga matatamis na salita tulad ng,
"Talaga?! Ang swerte ko naman at nagkagusto ka sa akin."
Yuck!!
At ano siya sinuswerte?! Well, sinuswerte naman talaga siya dahil kung hindi, itinulad ko na siya sa iba na sinipa't sinuntok ko na.
"Pwede bang maging tayo?!" sabi niya. Aba hindi ba niya alam ang salitang rejection. Akala ko nasaktan na siya sa sinabi ko pero makulit talaga siya.
Kaya hindi na ako nag-alinlangan at sinuntok ang kanyang tiyan tsaka sinipa yung pangbaba niya.
Alam kong marami na ang nanunuod. Well it also serves a lesson to them na hindi nila ako dapat binabangga. Dahil hindi nila gusto magalit ang tulad kong...
Bad Girl.
©Nobody'sImaginaryMind
N/N(Nobody's Note):
Sorry if mali yung grammar ko. First ko po kasi itong story. Uhm kung gusto niyo po you are free to correct my mistakes (in a good way po sana). Hope you'll enjoy it and I hope to fill my desired needs of my mind for this story.